1 / 15

Ang Alamat ni Bernardo Carpio

Ang Alamat ni Bernardo Carpio. Noong unang panahon…. Mag-asawang naninirahan sa bundok ng San Mateo, Rizal. Biniyayaan sila ng isang anak dahil sa kanilang kabutihan sa kanilang kapwa.

charo
Download Presentation

Ang Alamat ni Bernardo Carpio

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Ang Alamat ni Bernardo Carpio

  2. Noong unang panahon… • Mag-asawang naninirahan sa bundok ng San Mateo, Rizal. • Biniyayaan sila ng isang anak dahil sa kanilang kabutihan sa kanilang kapwa. • Biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.

  3. Ilang linggo mula nang siya’y ipanganak... • Nagagawa niya nang dumapa at gumapang mag-isa. • Muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo. • Namangha ang pari sa taglay na lakas at kisig ng sanggol, kaya’t siya ang pinangalanang Bernardo Carpio.

  4. Ang kanyang pangalan ay hango sa Bernardo de Carpio (isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansang Espanya.) • *sign* Na magiging maalamat rin ang buhay ng batang si Bernardo Carpio.

  5. Mahigit isang taon pa lamang siya ay kaya niya nang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig habang siya ang naglalaro. • Pag sinasama siya sa pangangaso ng kanyang ama, ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanansa kagubatan ng San Mateo.

  6. Si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang loob, tulad ng kanyang mga magulang. • Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may nakita siyang kabayong nahulog sa bangin na napilay. • Sinagip agad ni Bernardo ang kabayo at inuwi sa kanilang tahanan upang gamutin at alagaan.

  7. Sa kanyang pag-aalaga sa kabayo, ang bahagi ng kanyang enerhiya ay dumaloy dito. Mabilis na gumaling ang kabayo at nagpamalas na rin ng kakaibang lakas at bilis. • Dahil sa lakas at bilis ng kanyang kabayo, pinangalanan niya itong Hagibis, at mula noon ay lagi nang magkasama si Bernardo at Hagibis sa pamamasyal sa gubat ng San Mateo.

  8. Samantala… • Ang pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino ay umabot na sa sukdulan. Nagpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat ang mga kalalakihan ng bayan upang maipagtanggol ang bayan sa mga pang-aapi ng mga dayuhan. • Si Bernardo Carpio ay ang napiling pinuno dahil sa kanyang angking lakas at pagiging makabayan.

  9. Ikinabahala ng mga Kastila ang nagbabantang himagsikan lalo na’t nang nalaman nila na si Bernardo ang pinuno nito. • Gumawa ng patibong ang mga Kastila: • Kunwari’y aanyayahan nila si Bernardo sa isang pulong upang dinggin ang hinaing ng mga Pilipino. • Sa tulong ng isang engkanto, ay maiipit si Bernardo sa mga bato at dahil doon ay di na makakapamuno sa himagsikan.

  10. Lihim sa mga mamamayan noong panahong iyong na may nahuling engkantado ang mga Kastila. • Siya ay isinasailalim sa exorsismo ng mga pari. Ngunit ang mga pari ay nakipagsundo sa isang ispiritu na kapag natulungan niyang talunin si Bernardo ay ititigil na nila ang exorsismo.

  11. Natuloy ang balak ng mga Kastila… • Nang papasok na si Bernardo sa yungib kung saan sila “magpupulong”, siya ay ginamitan ng engkantado ng agimat upang maipit siya sa dalawang malaking bato. • Dahil sa pagkabigla ay hindi nakaiwas si Bernardo at unti-unting naipit ng mga bato.

  12. Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis ay naisip nito na may masamang nangyari sa kanyang amo. • Agad siyang bumalik sa kapatagan upang ipahayag ito sa ibang miyembro ng pangkat. • Nahirapan ang mga taong intindihin si Hagibis. Ngunit nang kanilang napansin na hindi nito kasama si Bernardo, ay naisipan nilang sundan si Hagibis sa yungib.

  13. Tinangkang pumasok ng mga kalalakihan sa yungib. Ngunit sila ay sinalubong ng mga nag-uuntugang bato. Marami sa kanila ay napilay at nasugatan. • Napagtanto nila na ang mga pangyayari ay kagagawan ng isang enkantado. Sila’y natakot at nagpasiyang bumalik sa kapatagan nang hindi kasama si Bernardo.

  14. Mabilis na kumalat ang mga haka-haka na si Bernardo ay naipit sa dalawang bato sa yungib. • At sa tuwing nagpupumilit siyang tumakas mula sa mga bato, ito ay nagiging sanhi ng mga lindol sa kabundukan ng San Mateo.

  15. FIN.

More Related