1 / 10

Mga Manunulat Ng Sarswela

makikita ang mga sumulat ng iba't ibang sarswela<br>

geshile
Download Presentation

Mga Manunulat Ng Sarswela

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle. Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'

  2. Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.

  3. Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc, Maynila. Taong 1875 nang siya ay isilang. Sa edad na labinganim (16) ay naisulat niya ang Senos de Mala Fortuna, isang komedia na may anim na yugto. Itinanghal ito sa Dulaang Arevalo sa Sampaloc noong taong 1895 Noong 7 Hulyo 1902 ay itinanghal sa Dulaang Libertad ang Tanikalang Ginto, isang dulang nagtutulak sa mga Pilipino na maghimagsik laban sa mga Amerikano. Dinakip siyang muli at ibinilanggo. Sa piitan ay sinulat niya ang Isang Punlo ng Kaaway na itinanghal naman sa Dulaang Rizal sa Malabon taong 1904. Dinakip siyang muli. Ang muli't muling pagdakip at pagpapabilanggo kay Abad ay di naging dahilan ng pagtigil niya sa pagsusulat ng mga dulang makabayan manapa ito'y nagiging malakas na tulak upang muli't muling pamilantikin ang kanyang panitik. Kay Juan K. Abad ay angkop ang kasabihang "Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.".

  4. Si Hermogenes Ilagan ay kinilalang Ama ng Dulaang Tagalog. Kapanahon siya ni Severino Reyes. Tulad ni Reyes, isa rin siya sa masigasig na tagapagtaguyod ng sarsuelang Tagalog. Siya ang ninuno ng mga Ilagan na kinikilala sa larangan ng pagtatanghal sa radio, pelikula at telebisyon -sina Robert Arevalo, Jay Ilagan, Liberty Ilagan at ang noo'y sumikat na si Eddie Lat Ilagan. Isinilang si Hermogenes Hagan sa Bigaa, Bulacan. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila. Natuto siya ng musika sa kanyang ama na si Simplicio Ilagan, may-ari ng isang banda ng musiko. Si Hermogenes Ilagan ang nagtatag ng Samahang Ilagan na nagtanghal ng mga sarsuela sa iba't ibang lalawigan ng Luzon tulad ng Laguna, Bulacan, Nueva Ecija at Tayabas (ngayon ay Quezon). Mga sariling akda ni Ilagan ang itinanghal ng samahan gaya ng Dalawang Hangal, Biyaya ng Pag-ibig, Despues de Dios, El Dinero, Dalagang Bukid at iba pa. Malaki ang nagawa ni Ilagan upang ang sarsuela ay tanggapin ng madla at iwan ang panunood ng Mora- moro. Karaniwang romantiko ang mga dula ni Ilagan tulad ng pinakapopular na Dalagang Bukid. Mayroon din siyang mga dulang pampolitika at mapang-uyam. Ang Lucha Electoral, Ilaw ng Katotohanan at Gobernador ay mga pampolitika samantalang ang Isang Uno Cera, Ang Buhay nga Naman ay mga mapang-uyam.

  5. Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong 22 Nobyembre 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Noong 28 Marso 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2.

  6. Ang ipinagmamalaking mandudula ng mga kapangpangan.Kabilang sa kanyang sinulat ay ang "Luhang Tagalog" na tinagurian niyang obra maestra at ang ''Kahapon,Ngayon at Bukas'' na siya niyang kinabilanggo.

  7. Si Juan Crisostomo Soto ay isinilang sa Santa Ines, Bacolor, Pampanga. Tinagurian siyang Ama ng Panitikang Kapampangan. Pambihira ang kanyang kahusayan sa pagtatalong patula sa wikang Kapampangan kung kaya ang pagtatalong patula sa wikang Kapampangan ay tinawag na Crisotan na katumbas ng Balagtasan sa wikang Tagalog. Isa siyang manunulat-makata, mandudula at editor sa wikang Kapampangan.

  8. Si Francisco Soc Rodrigo ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan noong 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 1998 dahil sa kanser. Siya ay dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya sang-ayon sa pagkakapasa ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at El Filibusterismo.

  9. Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press. Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

  10. Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (26 Hunyo 1940-1997) ay isang Pilipinong piksyunista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong 26 Hunyo 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

More Related