120 likes | 828 Views
Filipino. Pagsulat sa buod ng kwento gamit ang angkop na bantas para sa iba’t ibang uri ng pangungusap.
E N D
Filipino Pagsulatsabuodngkwentogamitangangkopnabantasparasaiba’tibanguringpangungusap.
Mahilig si Ernesto sa pagbabasa. Iba-ibang aklat ang kanyang binabasa. Pati mga aklat tungkol sa pagtatanim at pagluluto ay ay binibigyan din niya ng oras para mabasa. Minsan ay nakita pa nga siya ni Aling Ude na nagbabasa tungkol sa paggawa ng iba’t ibang laruan gayong takipsilim na. “Naku! Ang batang ito,” ang sabi ng kanyang Lola, “huwag na huwag kang magbabasa sa dilim. Mabilis manlalabo ang mga mata mo niyan.
1. Ano ang hilig gawin ni Ernesto?2. Anong ugali ang ipinakikita niya sa talata?3. Sa palagay nyo tama pa ba ang ginagawa ni Ernesto? Bakit?4. Mahilig ba kayong magbasa ng libro? Anu- ano ang mga ito?
TUNAY NA MAGKAIBIGAN Masaya at palaging punung-puno ng buhay si Dodie. Ang kanyang malusog at mabilog na pangangatawan ay hindi niya ikinahihiya. Kayang-kaya niya ang umakyat sa mga puno, maglambitin sa mga sanga nito at magpasirku-sirko sa lupa na parang nasa isang karnabal. Kung siya ay kumilos ay talagang mas mabilis pa kaysa sa mga batang may katawang patpatin. Minsan ay inanyayahan si Dodie ng isang bagong kakilala na pumasyal sa kanila. Tuwang-tuwa si Dodie. Umaga pa lamang ay nagpaalam na siya sa kanyang Lola Sepa. Maaga rin siyang naligo at naghanda sa pagsundo ni Chito. Si Chito ang bago niyang kaibigan. Ipinakilala si Chito sa kanya ng kamag-aral na si Susan noong nakaraang Linggo. “Lola, pagdating dito ni Chito ay akin siyang ipakikilala sa inyo. Makikita mo at magugustuhan mo rin siya.” Maghapong naghintay si Dodie kay Chito pero hindi iyon dumating. Ang kanyang pananabik sa kaibigan ay napalitan ng pagkainip. Pilit niyang nilibang ang sarili habang naghihintay.
Nagbukas siya ng telebisyon, nakinig ng mga tugtugin sa radyo at nagbasa-basa ng magasin sa kanilang balkonahe habang uugoy-ugoy sa isang tumba-tumba “Bakit hanggang ngayon ay wala pa ang iyong kaibigan?” tanong ni Lola Sepa kay Dodie. Isang marahang iling at pagkibit ng mga balikat ang isinagot ni Dodie sa nuno. Ayaw niyang magsalita ng kahit ano laban dito. Buo ang kanyang pagtitiwala kay Chito. “Ang panloloko at pagsisinungaling ay hindi niya gagawin,” sabi niya sa sarili. Kinabukasan ay nagkita sila ni Susan. Halos mapaupo si Dodie sa kinatatayuan nang marinig ang balita ni Susan. Si Chito pala ay biglang nadala sa ospital. Nabagsakan ang mga paa nito ng mga batong nagbuhat sa kanilang gumuhong pader. Isinimento ng doktor ang dalawang paa at hindi pa pinapayagang makakilos man lamang.
Ikinuwento ni Dodie sa kanyang lola ang nangyari sa bagong kaibigan. Pati ang pagdalaw nila ni Susan at hindi pagpapaalam sa nuno ay kanya na ring binaggit. Wala siyang inilihim sa matandang nagpalaki sa kanya. “Lola hindi po pala ako nagkamali ng pagkakilala sa aking bagong kaibigan. Wala po siyang kasalanan sa hindi niya pagdating dito kahapon, para ako ay sunduin.” “Mabuti naman at naiintindihan mo ang lahat. Alam mo bang ang pangyayaring tulad niyan ay isa lamang sa iba pang mga pangyayaring susubok sa tibay ng inyong pagkakaibigan? Kung kayo ay kapwa may tiwala sa isa’t isa, walang sinuman at anumang bagay dito sa mundo ang makakasira sa inyong magandang pagsasamahan.” Nagbinata at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya sina Dodie at Chito ay magkaibigan parin sila. Habang tumatagal ay lalo pang nagkakalapit pati ang kanilang mga anak. Ang malawak na karagatang naghihiwalay sa kanilang mga lalawigang pinaninirahan ay hindi naging sagabal sa madalas nilang pagsusulatan at pagtatawagan sa telepono. Talagang sila ay tunay na magkaibigan.
Tandaan: Sa pagbubuod, mahalagang kunin ang pangunahing diwa ng binasa o ang pinakamahalagang impormasyon at maibigay ito sa maikling paraan lamang.