1 / 25

Crown of Thorns Starfish

Crown of Thorns Starfish. Nagkakaroon ng Crown-of-Thorns starfish sa bahura ng Philippines. Bahurang Acropora ang pinakamahalagang pagkain para sa kanila. Ang biglang paglitaw ng Crown of Thorns ay mabilis makapinsala sa loob ng dalawang buwan sa paligid ng bahura.

blaise
Download Presentation

Crown of Thorns Starfish

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Crown of Thorns Starfish Nagkakaroon ng Crown-of-Thorns starfish sa bahura ng Philippines. Bahurang Acropora ang pinakamahalagang pagkain para sa kanila. Ang biglang paglitaw ng Crown of Thorns ay mabilis makapinsala sa loob ng dalawang buwan sa paligid ng bahura.

  2. Ang COTS ay kakaiba sa iba pang starfish: Maraming kamay ang COTS- karaniwan 15, pero mayroon din 7 hanggang 23 May 5 kamay ang ibang starfish Ang COTS ay mas malalaki kay sa ibang uri ng starfish Karaniwang ang COTS ay 30-40 sentimetro sa diametro at pwedeng lumaki sa 70 sentimetro sa diametro. May mahahabang tinik na may lason na nakatakip sa ibabaw. May tinik ang ibang starfish, pero maiksi at mapurol ang mga tinik. Mahaba, matulis at gaya ng pana ang mga tinik ng COTS. May abu, asul, lila, at pula ang kulay ng mga COTS.

  3. Life Cycle Mula larvae, lumalangoy at kumakain ang mga COT gamit ang maliliit na buhok na tinatawag na cilia sa karagatan. Mahinang lumangoy ang COT, pero napapaanod sa tulong ng agos sa daang kilometro mula sa lugar kung saan ipinanganak. Pagkatapos ng tatlong linggo, ang larvae ay pupunta sa coral reef para kainin ang mga algae tulad ng arocip, balolang at tsaka pupulo. Pagkatapos ng pananatili ng larvae sa bahura, sila ay nagpapalit ng kulay gatas nakakaroon ng limang kamay at sila ay lumalaki hanggang 0.7 milimetre. Hindi pwedeng kumain ng bahura kasi maliit pa sila. Kumakain ang maliit na COTS ng algae mula tatlong linggo na edad hanggang anim na buwan. Ang paborito nila ang algae sa bahura. Pagkatapos ng pitong buwan malapit sa 10 milimetre ang diameter ng mga COTS. Ang kanilang kamay ay dumarami hanggang sila ay umabot sa tamang gulang at silay magsisimulan ng kakain ng bahura.  Ang COTS ay 5 sentimetro sa gulang na isang taon. Sila ay 20 sentimetro sa gulang na dalawang taon. At 30 sentimetro sa gulang na tatlong taon. Karamihan sa mga COTS ay namamatay bago magwalong taong gulang. Pagdating ng tatlong taong gulang ang mga COTS pwede ng mga anak. Pero unti lang sila. Pagkatapos ng anim na taon, pwede ng silang manganak ng marami. Ang mga larvae ay sasama ulit sa agos papunta sa ibang bahura.

  4. Pag-uugali ng mga COTS Nagtatago sa ilalim ng bahura ang mga COTS sa araw. Masigla at gising sila pag gabi.   Kung maraming starfish sa isang bahura ang mga ito ay nag-uunahan sa paghahanap ng pagkain sa araw at gabi. Ang ibang hayop tulad ng mga isda, alimango, nudibranchs, gastropods, at batulang espongha ay kumakain ng mga bahura pero kaunti lang. Hindi tulad ng COTS kaya nilang ubusin ang isang coral reef sa kaunting panahon.

  5. Pagkain Gaya ng ibang starfish kaya ng COTS ilabas ang kanilang tiyan sa bibig para kumain, ang tawag dito ay eversion. Pwedeng buksan ng COTS ang kaniyang tiyan para kumain. Hinihimay ng enzyme ang bahura sa ilalim ng tiyan ng COTS bago ito ibalik sa loob ng katawan. Matagal kung kumain ang COTS. Kung kakain ang COTS isa o dalawang beses sa isang araw, kahit maraming bahura. Mas gustong kainin ng mga COTS ang mga makakapal na bahura tulad ng Acrophora. Kung walang Acrophora, kinakain nila ang ibang uri ng bahura, gaya ng malaki at mabagal tumubo na bahura. Ang kinakain ng COTS ay ang calcium na manipis na balat ng bahura. Pagkatapos kumain ang COTS ay mababakat ang puti na peklat na hugis COTS doon malalaman na COTS ang kumain. 5-13 square meter ng coral reef ang Kayang ubusin ng COTS sa isang taon.

  6. Panganganak Karaniwan ay namamatay ang mga larvae mula sa isang araw ng buhay hanggang ng dalawang linggo dahil kinakain sila ng mga isda, bahura, at iba pa. Kaunti lang ang anak ng COTS ang nakakaligtas sa loob ng dalawang linggong gulang. Kung kaunti lang ang populasyong ng COTS, kaunti din ang mabubuong larvae. Maraming namamatay na mga larval COTS. Pero, kayang mangitlog ng isang COTS ng 25 million sa isang pagtatalik. Sa 100 milyon larvae, kailangan may dalawang matitirang kapalit ng COTS. (Ang porsiyento ay 0.00000002.) Kung matitira ay mas marami, gaya iyon ng isda sa 0.001 porsiyento, may 1000 COTS saan may dalawang COTS kanina. Kung maraming matitirang larvae, maraming COTS ang mabubuo sa susunod.

  7. Ano ang Kumakain sa mga COTS? Ang mga isdang gaya ng Toad Fish, Trigger Fish, at ng Napoleon Wrasse ang kumakain ng mga matatandang COTS. Para umiwas ang isda mula sa tinik na may-lason, pumipwesto ang isda sa silong ng COTS saka nila kainin ang tiyan ng COTS. Ang Giant Triton (Charonia tritonis) at ang Painted Shrimp (Hymenocerapicta) ay kumakain din ng COTS. Sa katunayan, sa patuloy na pag-ubos nito ay unti-unting ng nauuwi sa pagkasira ng kabuuan ng bahura.

  8. Harlequin Shrimp

  9. Giant Triton

  10. Napoleon Wrasse

  11. Pagtatanggol sa sarili Lahat ng malambot na himaymay at ng mga tinik ng COTS ay may lason na tinatawag na “saponins”. Ang saponins ay hindi maganda ang lasa. Kung may sugat, ito ay nagbibigay ng matinding sakit. Sa mga taong may sugat, sila ay makakaramdam na matinding sakit kapag nalagyan ng saponins. Ang tinik ay pumapasok sa loob ng sugat at ito ay nagdudulot ng impeksiyon. Ang sakit galing sa saponins ay pwedeng tatagal ng ilang oras. May nakakaranas din ng pagsusuka at pangangati.

  12. Paano Malalaman kung may Problema ang isang Coral Reef Walang Problema: Hindi aabot sa 30 COTS ang bilang sa isang hectare ng bahura. Umpisa ng Problema: Kung marami ang batang COTS may posiblidad na dadami ang tatandang COTS para manganak. Lugar na may Problema: Makapal ang COTS sa isang bahagi ng bahura. Kaunti lang sa ibang bahagi ng coral reef. Malaking Problema: Mahigit 30 matandang COTS sa isang hectare para sa lahat ng coral reef.

  13. Paliwanag sa Paglitaw ng COTS Ang dahilan ng pakakaroon ng COTS ay hindi pa alam sa ngayon. Pweding mangyari sa likas ang pakakaroon ng COTS. Palagay ng karamihan sa paglitaw mas marami ang mga larvae at mga anak ng COTS nabubuhay ng matagal, pero hindi alam ng mga syentipiko kung bakit nabubuhay sila ng matagal. Isang kaalaman na may paglitaw kasi hindi kontrolado ng mangingisda na hulihin ang mga kumakain sa COTS, gaya ng napoleon wasse at triton shells na uubos. Sa palagay ng syentipiko ay may paglitaw galing sa ang mga abono at mga pestisidyo na galing sa bukid. Ang mga abono at mga pestisidyo ay pupunta sa ang dagat kasama ang mga tubig, ilog, at ulan. Kailan doon, ang mga abono at mga pestisidyo ay ibigay para sa pagkain sa mga algae. Kung mayroon maraming algae, mayroon mas maraming pagkain para sa mga COTS larvae para mabubuhay ang maraming larvae. May likas na isina-alang-alang gaya ng mainit na tubig (global warming) at mababa ang asin sa tubig sa panahon ng panganganak maraming nabubuhay na COTS larvae. Hanggat hindi pa naintindihan ang kadahilanan, kailangan gumawa ng paraan panandalian para maisalba ang mga coral reefs.

  14. Tanda sa Biglaang Paglitaw : Kung lahat ng COTS ay magkaparehas ng sukat (sa magkatulad na taon), makikita itong matagumpay ang mga bagong kaanib sa loob ng isang panahon. Tulad halimbawa, sa loob ng tatlong taon ang COTS ay mayroon 35-40 sentimetro sa diamitro kung ito ay may sapat na pagkain. Sa karaniwang panahon na biglaang magkaroon, maraming COTS ay parehas ang sukat. Ibig sabihin, marami ang nabubuhay na itlog ng COTS. Mahalaga ang mas malalim na tubig para sa COTS kasi kung mag-umpisa ng kumain ang COTS magsimula sila sa ilalim paahon sa ibabaw ng tubig, Kung hindi malalim ang tubig, iyon ay tanda sa problema. Ang bahurang Acropora ang siyang pagkain ng COTS. Kung lumilipat ang COTS at kumakain sila ng ibang uri ng bahura gaya ng mabagal na lumalagong bahura, ibig sabihin walang Acropora sa lugar na yon. Kung ang COTS ay nakita sa mga durog na bato o buhangin sa araw, nagpapahiwatig na naghahanap sila ng kanilang makain. Kung wala ng makain, naghahanap ang COTS ng ibang lugar kung saan may buhay na bahura. Kung saan mayroong maraming COTS sa isang lugar nagpapahiwatig ito ng biglaang paglitaw. Kung isang COTS lang hindi malaking epekto sa coral reefs.

  15. Epekto ng Biglaang Paglitaw Habang biglaang paglitaw, magkakaipon ang COTS at kumain sila ng buhay na bahura, iiwan sa likod sila ng puting libingan sa patay ng bahura. Pagkatapos dalawang linggo o buwan, ang mga patay ng bahura ay kumalat kay kayumangging algae. Magpahiwatig ang mga bagay-bagay na saligan maaari di manumbalik ang mahabang buhay at mabagal na lumalagong bahura sa kasaganaan sa kanina kung walang maraming panahon mula isang biglaang paglitaw hanggang iba. Pwedeng umakyat ito sa panghabang-buhay na mabagong ayos ng komunidad ng bahura. Ang tungkulin ang mga mabagal na lulumagong at mahabang buhay na bahura ay napakamahalaga sa kapaligirang bahura. Kung sumira sila sa ng bilaang paglitaw ng COTS may maunlad ng magpahina sa ang kapasidad manumbalik ang bahura. Maaari pagbabago ito ng kabuuan ng uri at ibang bahagi ng kapaligiran ng bahura. Mamamatay ang COTS sa paggutom kasi kumain sila lahat ng buhay na bahura. Sa ang Togean Islands sa Central Sulawesi, sumira ang biglaang paglitaw na COTS mas kaya 80 porsiyento ng buhay na bahura sa isang coral reef sa loob ng dalawang buwan. (Newman, 1998) Habang ibang biglaang paglitaw ng COTS sa Guam, namatay ng COTS mas kaya 90 porsiyento ang bahura sa tulin sa isang kilometre lamuymoy na bahura sa bawa’t isang buwan. Mayroon 10 taon manumbalik ang bahura. (Chesher, 1969) Sa ang Ryukus sa Hapon mayroon biglaang paglitaw mula 1967 hanggang 1987. Lubos na mawasak ang mga bahura pagkatapos 20 taon. (Yamaguchi, 1987)

  16. Paraan Masiyasat ang Biglaang Paglitaw Kailangan masiyasat ang kinaroroonan ng bahura kung saan ay may biglaang paglitaw ng maraming COTS. Kailangan may tatlong katao para mag-snorkel o magsisid sa ilalim na sa isang daan metro ang layo na ito ay sila ay nakahilera sa tabing dagat may nakaatang na gawin ang bawat isa para sa tatlong metro palapad. Kailangang siyasatin sa ilalim ng bahura ang mga semilya at ang mga puting lugar na tanda na kinainan ng COTS.

  17. Kailangan Mabilis ang Sagot Kung ang COTS ay umabot na sa loob ng dalawang taon ito ay madali ng makita. Mabilis itong sumira sa bahura, lalo na kung ito ay umabot sa laki ng COTS ay mabilis na magpakarami. Kung ang COTS ay umabot na sa edad na tatlong taon ito ay maari ng manganak ngunit ito ay magpalabas ng kaunting itlog o semilya. Sa susunod na tatlong taon, ang COTS ay maaring maglabas ng semilya habang naninirahan sa bahura. Ang magandang panahon para maglinis ng COTS kung ang edad nito ay na sa dalawa o tatlong taon. Ang paglinis sa mga COTS ay itaon sa tamang panahon. Ito ay maaring magdulot sa pagkasira ng maraming bahura at pagkatapos ito ay lumipat sa ibang lugar.

  18. Pangangasiwa, Hindi Lumipol Karamihan sa COTS hindi lahat ay kailangang malinisan, kung kakaunti ang COTS walang problema. Ang mahalagang masustintuhan ang dami ng populasyon. Lahat ng may buhay sa kapaligiran ay may katungkulan. Ang lahat ng tao ay may tungkulin sa kapaligiran dapat ay pantay-pantay kung hindi man kakaunti man o marami. Likas na mangyari ang Crown-of-Thorns starfish sa bahura. Tumulong sila magpakinis ang matuling lumalagong bahura uri Acropora maghanda lugar para ibang uri ng bahura lumalugo, gaya ang mabagal na lumalagong at malaking bahura. Ang karaniwang populasyon ng COTS ay tumutulong sumustento sa iba’t ibang uri ng bahura. Ang pagpawi ng lahat ng COTS ay nag-aalis ng pagkain sa mga isda, mga tritons, at mga hipon. Pagkain para ibang hayop sa bahura ang COT.

  19. Paano Malinis Huwag hawakan ang mga COTS. Alisin o pulutin sa pamamagitan ng ipit ang COTS sa gitna at ilagay sa supot. Huwag tapakan o masira ang mga bahura. Kung nakaramdam sila ng pakapagod kailangan nilang mangitlog para may mabuhay na lahi ng COTS. Dahil doon kailangang alisin sila kaagad sa tubig at ilagay sa bangka. Huwag na uli sila ibalik sa tubig dahil pwede pa silang mangitlog. Ibaon ang mga COTS sa tabing dagat, huwag ilabas ang mga tinik. May pagkakataon kayang mabuhay muli ang mga COTS, kung ito ay nasira o nabasag? Hindi katulad ng starfish kung nasira hindi na muli mabuhay.

  20. Mayroon bang COTS dito sa bahura? Kung opo, mayroon marami o kakaunti? Nakakita na ba kayo ng pagbabago ng populasyon ng COTS sa isang taon? Limang taon? Sampung taon? Dalawampung taon? Kung opo, paki-paliwanag. Sa inyong palagay, ano ang mangyayari sa mga bahura kung maraming COTS? Mayroon bang lugar na maraming bahura kung maraming COTS? Kung opo, saan? Mayroon bang bagong magpalit ng bahura dito? Kung opo, mag-isip ng dahilan para magpalit.

  21. Ibang uri ng Starfish- Hindi Crown-of-Thorns

  22. Sources: Bradbury, R. H. Seymour, R.M. Lengthening reef recovery times from crown-of-thorns outbreaks signal systemic degradation of the Great Barrier Reef. MARINE ECOLOGY PROGRESS SERIES. Vol. 176: 1-10.1999. Fraser, Nicole. Crawford, Brian R. Kusen, Janny. Best Practices for Crown-of-Thorns Clean-Ups. Proyek Pesisir – CRMP Indonesia. COASTAL RESOURCES CENTER MANAGEMENT REPORT #2225. May 2000. Gérard, Karin. Roby, Charlotte. Chevalier, Nicolas. Thomassin, Bernard. Chenuil, Anne. Féral, Jean-Pierre. Assessment of three mitochondrial loci variability for the crown-of-thorns starfish: A first insight into Acanthaster phylogeography. Science Direct. December 2007. James, M. K. Scandol, J. P. Larval Dispersal Simulations: Correlation with the Crown-of-thorns Starfish Outbreaks Database. Department of Civil and Systems Engineering. James Cook University. 1992.

More Related