1 / 62

KAWASTUANG PAMBALARILA

KAWASTUANG PAMBALARILA. Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayagito ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita.

chuck
Download Presentation

KAWASTUANG PAMBALARILA

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. KAWASTUANG PAMBALARILA

  2. Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayagito ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita

  3. Sa pakikipagtalastasan,di mapapasubalian na madalas na nagkakamali ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

  4. MGA SINUSUNOD NA TUNTUNIN SA PAGGAMIT NG WASTONG SALITA

  5. 1. NANG AT NG Nang Ang ‘NANG’ ay siyang ginagamit sa panimula ng sugnay na di makapag’iisa at pangatnig sa hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang “when’ sa ingles. Halimbawa: Nang ako’y dumating sa bahay,nagising ang mga bata.

  6. Ang ‘nang’ na nagbuhat sa inangkupan ng ‘ng’ ang siyang ginagamit na pang-abay na pamanahon.Ito’y katumbas ng salitang ‘already sa Ingles. Halimbawa: Marami nang (na+ang) panauhin sa bulwagan.

  7. NG Ang ‘NG’ ay isang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol ayon sa gamit sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

  8. Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng pandiwang balintiyak.Ito’y katumbas ng ‘by’ sa Ingles. Halimbawa: Ang silid-aralan ay nililinis ng mga mag-aaral.

  9. 2.KUNG at KONG KUNG Ang ‘KUNG’ ay pangatnig na panubali at ginagamit sa karaniwan sa hugnayang pangungusap,kung kaya’t ito’y matatawag ding pangatnig na panghugnayan.

  10. Halimbawa: Kung tayong lahat ay magmamahal sa wikang Filipino ay lalong uunlad ang Pilipinas. KONG Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ‘ko’ at inaangkupan lamang ng ‘ng’.

  11. Halimbawa: Ibig kong makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas. 3.MAY AT MAYROON Ito ay mga pandiwang walang banghay.Ang mga ito’y may kahulugan ngunit ang dalawaay may pagkakaiba ng paggamit sa mga pangungusap.

  12. MAY- Kapag ito’y sinusundan ng pangngalan,pang-uri,pandiwa,pang-abay at katagang mga. Halimbawa: May inaasaaahang bukas ang mga taong masipag.

  13. MAYROON- Kapag ito’y sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo. Halimbawa: Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew kay Lolo Tomas.

  14. 4.SUBUKIN/SUBUKAN Ang subukin ay nangangahuluganng isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan At ito ay inuuri sa tao,anyo,at bagay.

  15. Halimbawa: Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department Store. Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang kinikilos nito.

  16. Halimbawa: Subukan mong sumunod sa kanila at tingnan mo kung ano ang kanilang ginagawa doon.

  17. 5.PAHIRIN/PAHIRAN Ang pahirin ay nangangahulugan ng pagbubura o paglilinis sa isang bagay ng nakapahid,samantalang ang pahiran ay paglalapat o pagpapairal sa isang bagay sa tamang lugar.

  18. Halimbawa: Pahirin mo nga ng basang basahan ang pisara. Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

  19. 6.SUNDIN/SUNDAN Ang sundin ay nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o panuto. Halimbawa: Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan ng paaralan.

  20. Ang sundan naman ay panggagaya sa ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao. Halimbawa: Sundan mo ang mga tamang gawa upang ikaw ay hindi mapariwara.

  21. 7.NAMATAY/NAPATAY Ang ‘namatay’ ay nangangahulugan ng paglisan sa mundo alinsunod sa natural na pagkawala ng buhay dahilan gaya ng sakit,bangungot,atake,atb.Samantalang ang ‘napatay’ay ang pagkawala ng buhay na hindi inaasahan na may kadahilanan tulad ng aksidente.

  22. Halimbawa: Si Mario ay namatay noong isang linggo dahil sa sakit sa puso. Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay napatay ng salaring di nakikilala.

  23. 8.WALISIN/WALISAN Ang walisan ay uri ng pandiwang ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na lugar.Habang ang walisin ay tumutukoy naman sa iisang bahagi lamang ng isang malaking lugar.

  24. Halimbawa: Walisan mo nga ang kalat sa ating bakuran. Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

  25. 9.KATA/KITA Ang kata at kita ay mga panghalip na panao na kadalasang pinagpapalit ang gamit kahit na may sari-sariling wastong gamit.

  26. Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa dalawang nag-uusap ang siyang gagawa ng gawain para sa kausap. Halimbawa: Ibibili kita ng paborito mong pabango.

  27. Ang kata naman ang ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay parehong gagawang gawain. Halimbawa: Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.

  28. 10.DAW at DIN/RAW at RIN Ginagamit ang salitang raw/rin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.Ang W at Y ay malapatinig kaya raw at rin ang ginagamit kung nagtatapos sa alin man sa dalawang titik na ito.

  29. Ang daw at din ang ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.

  30. Halimbawa: Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo ang problema. Takot daw siya sa multo.

  31. POP QUIZ

  32. 1. Kahit na madilim ay basa pa rin ____ basa ang masipag na si Anna. a. nang b. ng

  33. Tama ka…Galing mo…!!!

  34. Ay sori….mali ka!!!!!

  35. Ang bayan ____ tutulungan natin ay talagang magtatagumpay. a. kong b. kung

  36. Oooopss…ulitin mo..

  37. Tumpak..!!! Nakuha mo ang tamang sagot..!!!

  38. 3. ___ mga taong laki sa layaw. a. mayroon b. may

  39. Mali ka…!!!!

  40. Tumpak…!

  41. 4. ____ mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melissa sa loob ng kwarto. a. subukan b. subukin

  42. Nakuha mo..!!!!

  43. Ay,mali..!!!

  44. 5. ___ mo ng gaas ang haligi ng bahay upang huwag bukbukin. a. pahirin b. pahiran

  45. Magaling…!!!!

  46. Mali ang sagot mo..!!!!

  47. 6.Walang masama kung susundan mo ang ang yapak ng iyong ama. a. susundin b. susundan

  48. Oooopsss.Mali na naman!!!

  49. Wow…grabe,galing mo..!!!!!

  50. 7. ___ ni Narding ang kanyang alagang aso dahil sa pagkagat nito sa kanya. a. namatay b. napatay

More Related