1 / 37

Aladin ... Isang Tagapagligtas

Aladin ... Isang Tagapagligtas. Saknong 126 – 135. Learner Centered Learning Environment Modyul Para sa Ikalawang Taon – Filipino 2. Inihanda ni Bb. Ana Ria B. Aguilar. Si Dem ay isang binatang nagtatrabaho sa umaga at estudyante naman

denali
Download Presentation

Aladin ... Isang Tagapagligtas

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Aladin ... Isang Tagapagligtas Saknong 126 – 135 Learner Centered Learning Environment Modyul Para sa Ikalawang Taon – Filipino 2 Inihanda ni Bb. Ana Ria B. Aguilar

  2. Si Dem ay isang binatang nagtatrabaho sa umaga at estudyante naman sa gabi. Habang pauwi at naglalakad, nakakita siya ng grupo ng mga kabataan na pilit na kinakaladkad ang isang babae upang pagsamantalahan.Dahil dis oras na ng gabi, wala nang ibang taong nakapansin at siya na lamang ang maaaring tumulong. Dahil delikado ang kanyang susuunging pagtulong, nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ang babae o pababayaan na lamang niya ito. Kung ikaw si Dem, ano ang iyong gagawin?

  3. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo bilang si Dem? Bilugan ang mapipiling gawain. Kung may maiisip pang ibang suhestyon, isulat ito sa espasyong nakatakda para rito. Magkukunwari na lamang akong walang nakita Iba pang suhestiyon: ______________________________________________________ Tatawag ng tulong o pulis Mga Mungkahi sa pagtulong Tutulong ka sa pamamagitan ng pagsugod

  4. Mga Pangtulong na Katanungan 1. Bakit mo pinili ang gawaing iyon para kay Dem? ____________________________________________________ 2. Bakit iyon ang napili mong kasagutan? ____________________________________________________ 3. Paano mo masasabing ang iyong napiling kasagutan ang higit na makakatulong ? Ipaliwanag. ____________________________________________________ 4. Pagkatapos makapagmuni – muni sa iyong kasagutan, ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong napiling pagtulong? Bakit? ____________________________________________________ 5. Anu – ano ang mga dahilan kung bakit madalas o ayaw tumulong ang isang nakasaksi sa isang krimen ? ___________________________________________________

  5. Ngayon,kumuha ka ng iyong ka-partner at ikumpara ang iyong mga kasagutan. Pagkatapos ng iyong pagbabahaginan, sagutin ang mga sumusunod . • Pareho ba kayo ng napiling kasagutan? • _________________________________________ • Pagkatapos malaman ang kasagutan ng iyong ka-partner, may tiwala ka pa ba sa iyong napiling kasagutan? OO o HINDI? • ________________________________________________________________________________ • Ano sa tingin mo ang dapat gawin upang malaman ang pinakamainam o epektibong pamamaraan ng pagtulong? • ________________________________________________________________________________

  6. Pag - uugnay Ang ginawa ni Aladin sa pagliligtas kay Florante ay isang dakilang gawain.Maging ang huli ang kanyang kaaway. Sa ating Banal na Bibliya, marami ring pangyayari na nagpapamalas ng taos-pusong pagtulong sa kapwa. Isa rito ang kwento ng “ Mabuting Samaritano”. Naaalala mo pa ba? Tunghayan mo ang kwento. I-click ang larawan upang mabasa ang kwento ng “Ang Mabuting Samaritano”.

  7. Ang Mabuting Samaritano May eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin.” Guro,” aniya, “Ano ang dapat kong gawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,nang buong kaluluwa nang buong lakas,at nang buong pag –iisip at “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo,” wika ni Jesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.” Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Jesus,”Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Jesus:” May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem,patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ngkanyang lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinakyang hayop,dinala sa bahay-panunuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan,dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may – ari ng bahay – panunuluyan at sinabi. “Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.” Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Jesus.” Ang nagpakita ng habag sa kanya, “tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus,” Humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”

  8. Ngayon natunghayan ninyo ang kwento ng Mabuting Samaritano… Tunghayan naman natin ang saknong 126 – 135. Alamin ninyo sa araling ito kung may pagkakahawig ang inyong naunang binasa sa mga saknong. Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong at humanda sa talakayan

  9. ALADIN... ISANG TAGAPAGLIGTAS 126 Sa tinaghuy – taghoy na kasindak- sindak, gerero’y hindi na napigil ang habag; Tinunton ang boses at siyang hinanap, Patalim ang siyang nagbukas ng landas. 127 Dawag na masinsi’y naglagi – lagitik Sa dagok ng lubhang matalis na kalis, Moro’y di tumugot hanggang di nasapit Ang binubukalan ng maraming tangis

  10. ALADIN... ISANG TAGAPAGLIGTAS 129 Nang malapit siya’t abutin ang sulyap Ang sa pagkatali’y linigid ng hirap, Nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas, Katawan at puso’y nagapos ng habag. 128 Anyong pantay – mata ang lagay ng araw Niyong pagkatungo sa kalulunuran; Siyang pagkataos sa kinalalagyan Nitong nagagapos na kahambal – hambal.

  11. ALADIN... ISANG TAGAPAGLIGTAS 130 Malaong natigil na di nakakibo, Hininga’y hinabol na ibig lumayo; Matutulog disin sa habag ang dugo, Kundangan nagbangis leong nangagtayo. 131 Naakay ng gutom at gawing manila, Nag – uli sa ganid at nawalang – awa; Handa na ang ngipin’t kukong bagong hasa At pagsasabayan ang gapos ng iwa.

  12. ALADIN... ISANG TAGAPAGLIGTAS 132 Tanang balahibo’y pinapangalisag, Nanindig ang buntot na nakagugulat; Sa bangis ng anyo at nginasab –ngasab, Puryang nangangalit ang siyang katulad. 133 Nagtaas ng kamay at nangakaakma Sa katawang gapos ang kukong pansira; Nang darakmain na’y siyang pagsagasa Niyong bagong Marteng lumitas sa lupa.

  13. ALADIN... ISANG TAGAPAGLIGTAS 134 Inusig ng taga ang dalawang leon, Si Apolo mandin sa Serp’yente Piton; Walang bigong kilos na di nababaon Ang lubhang bayaning tabak na pamutol. 135 Kung ipamilantik ang kanang pamatay At saka isalag ang pag–adyang kamay, Maliliksing leon ay nangalilinlang, Kaya di nalao’y nangagumong bangkay.

  14. Pinatunayan nina Aladin at ng Samaritano na kahit sinuman ay dapat tulungan sa panahon ng paghihirap maging iba man ang iyong relihiyon o iba ang iyong kulay. Ngayong, nabasa mo na ang tungkol sa “Mabuting Samaritano,” Gusto kong sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. • Bakit ito pinamagatang “ Mabuting Samaritano”? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ • Paano siya tumulong sa kanyang kapwa? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Sa paanong paraan nahahawig ang kanyang buhay kay Aladin? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  15. 4. Pagkatapos sagutin ang mga tanong, sumulat ka ng maikling sanaysay ng iyong naging karanasan sa pagtulong sa kapwa. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  16. TALASALITAAN Alam mo ba na may mga salita tayong nakukuha ang kahulugan batay sa taglay nitong tunog. Ang mga tunog na ito ay nagbabadya ng kahulugan ng salita. Tinatawag ang mga tunog na ito na ……………… Onomatopeia ? ? Hal. Tiktak ng orasan Ang kahulugan ng tiktak ay tunog na nalilikha ng tumitik tik na orasan. ? ?

  17. Ngayon,bigyang-kahulugan mo ang mga salitang may salungguhit sa parirala. Isulat sa ibaba ng bawat bilang ng iyong kasagutan. 1. Naglalagi – lagitik na mga dawag - ________________ 2. Tinaghuy – taghoy sa pag – iyak - ________________ 3. Nginasab – ngasab na pagkain - __________________ 4. • Kahambal –hambal na gawain - __________________

  18. PANUTO: Malinaw na ba sa iyo ang onomatopeia? Ngayon, subukin natin kung nauunawaan mo ang mga saknong. Sagutin ang bawat tanong sa loob ng isang pangungusap. • Sino ang Apolong binanggit na naglitas kay Florante? Bakit tinawag • rin siyang “ bagong Marte?” • ______________________________________________________________________________________________________________ 2. Paano iniligtas ni Aladin ang kaawa – awang binata? Ilarawan ang pakikipaglaban niya sa dalawang leon. ____________________________________________________________________________________________________________ • Ibigay ang isinasagisag ng mga leon sa tula. • __________________________________________________________________________________________________________ • Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aladin, ipagtatanggol mo rin ba ang yong kaaway na nasa bingit ng kamatayan? Bakit? • ____________________________________________________________________________________________________________

  19. A. Indibidwal na Gawain: Bilang isang mag – aaral na mulat na sa mga pangangailangan ang inyong Kapwa sa paligid, anu – ano kaya ang iyong maitutulong sa kanila? Punan ang tsart sa ibaba.

  20. Pangkatang Gawain: Napakaraming paraan ang magagawa natin upang makatulong sa kapwa at ito ay naitala mo sa Gawain A. Ngayon naman ay pag –usapan ninyo sa pangkat kung paano ninyo hahatiin ang pie chart sa ibaba ayon sa bahagdan batay sa mga taong tutulungan. Pagkatapos mong itala sa loob ng pie chart ang bahagdang ibibigay na napagkasunduan ng pangkat, isulat sa ibaba ang grap ang inyong mga kadahilanan. Mga Tutulungan: Kaibigan Kapatid Magulang Iba pa

  21. Gawain: Tingnang mabuti ang larawan at isulat sa thought bubble ang eksenang nagaganap sa larawan.

  22. Pangkatang Gawain: Ngayon magpangkat sa anim. Alam ba ninyo na lahat tayo ay maaaring maging bayani? Magagawa ninyo ito kahit sa munting paraan lamang. Pag –usapan ninyo kung paano ang bawat isa sa inyo ay magiging bayani at pag –asa ng bayan. Itala ang mga kasagutan sa dayagram sa ibaba. Ano? Sino? Paano? Paano magiging bayani at bagong pag - asa ang isang kabataan o mag - aaral? Bakit? Saan? Paa - paano? Bakit?

  23. Suriin ang caricature sa ibaba. Sa ilalim nito, sumulat ng isang maikling editoryal ukol dito. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  24. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay hango sa mga binasang saknong at MALI kung hindi. • Nang makita ni Aladin ang kinalalagyan ni Florante, nakaramdam siya ng awa. TAMA MALI • Dahil sa taglay na tapang at lakas ni Aladin, napatay niya ang dalawang leon. TAMA MALI

  25. 3. Sinabi ni Florante na di niya kailangan ang habag ni Aladin. TAMAMALI 4. Hindi nakatiis ang Moro na nakikinig sa hinagpis ni Flerida kaya hinanap niya ito. TAMA MALI 5.Naipakita ni Aladin ang kanyang taus – pusong pagtulong kay Florante TAMAMALI

  26. Naku, Mali ka!!! Pag – igihin sa susunod na katanungan .

  27. Naku! Basahin muli ang saknong at suriin kung bakit mali ang sagot mo !!!

  28. Naku, Mali ang sagot Mo! Siguro nagmamadali kang sumagot…. Ayan tuloy….Sa susunod basahin at intindihin muna nang mabuti!

  29. Wow Tama ang iyong sagot. Sige nga, tingnan natin sa susunod na pagsasanay kung talagang nag – aral ka! Susunod na Katanungan

  30. May TAMA ka sa pagsasanay na ito! Susunod na Katanungan

  31. Bilib na ako sa iyo. TAMA na naman ang sagot mo! Susunod na Katanungan

  32. Bilib na ako sa iyo. TAMA na naman ang sagot mo! Susunod na Katanungan

  33. Mahusay! Tapos na ang pagsusulit! Susunod na Gagawin

  34. Indibidwal na Gawain: Naunawaan mo ba ang aralin? Subukin mong punan ang bawat bilog sa hinihinging detalye. Isagawa ito sa pamamagitan ng caterpillar technique

  35. Gawain: Sumulat ng isang maikling sanaysay na naglalahad ng pagtulong sa kapwa. Maaaring ibahagi ninyo ang inyong mga karanasan hinggil sa paksang ito. Pagtulong sa Kapwa ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  36. Rubrics sa Pagsulat ng Sanaysay

  37. Maraming Salamat sa inyong kooperasyon! Nawa’y marami kayong natutunan!!! Hanggang sa susunod na pagkikita!!! 

More Related