1 / 20

TAYO NA SA TAGUMPAY!

TAYO NA SA TAGUMPAY!. May-akda: Dr. Wilfrido V. Villacorta Tulong sa Layout Design: Jose Marie A. Bonto. SLAMAT LORRRD. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY. PUPUKSAIN NIYA ANG KORAPSYON– ANG SANHI NG KAHIRAPAN SA ATING BAYAN.

jera
Download Presentation

TAYO NA SA TAGUMPAY!

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. TAYO NA SA TAGUMPAY! May-akda: Dr. Wilfrido V. Villacorta Tulong sa Layout Design: Jose Marie A. Bonto

  2. SLAMAT LORRRD

  3. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY • PUPUKSAIN NIYA ANG KORAPSYON– ANG SANHI NG KAHIRAPAN SA ATING BAYAN. • ITO ANG PANGUNAHING PAGTUTUUNAN NI NOYNOY NG PANSIN.

  4. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY NANININDIGAN SI NOYNOY NA WALA NANG MAS MALAKING KRIMEN KAYSA NAKAWAN ANG MAHIHIRAP AT ANG BUONG BAYAN. • PUPUKSAIN NIYA ANG KAHIRAPAN AT KORAPSYON– ANG SANHI NG KAHIRAPAN SA ATING BAYAN. • ITO ANG PANGUNAHIN • NIYANG PAGTUTUUNAN.

  5. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY SA PAGSUGPO NG KORAPSYON, MADARAGDAGAN ANG INDUSTRIYA, KOMERSIYO AT TRABAHO SA ATING BAYAN. MAKAKAAHON ANG MARAMI MULA SA KAHIRAPAN AT HINDI NA KAILANGANG MAGSAPALARAN SA IBANG LUPAIN. ANG BATAYAN NG PAGTRABAHO SA IBANG BAYAN AY DI LANG ANG PANGANGAILANGAN, KUNDI BUNGA NG KUSANG PAGPILI NG NAIIBIGANG LUGAR NG TRABAHO AT PANINIRAHAN.

  6. SA MGA PILIPINONG PINILING MAGSA-IBANG BAYAN, ANG KANILANG KALIGTASAN AT KAPAKANAN AY BIBIGYAN NG KARAMPATANG PROTEKSIYON NG PAMAHALAAN.

  7. NANINIWALA SI NOYNOY NA ANG KALIDAD NA EDUKASYON ANG PINAKAMAHALAGANG PUHUNAN PARA SA TAUMBAYAN, UPANG SUMULONG ANG KALAGAYAN NG ATING EKONOMIYA SA KOMPETISYONG GLOBAL. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY

  8. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY MAHALAGA KAY NOYNOY ANG PAGPAPAUNLAD NG KALUSUGAN AT TAMANG NUTRISYON.

  9. MAKAKAASA TAYO SA PAGBABAGO SA TAGUMPAY NI NOYNOY ITINATAGUYOD NI NOYNOY ANG MAUNLAD NA AGRIKULTURA AT ANG MASAGANANG BUHAY SA KANAYUNAN.

  10. Bakit tiyak na mapagkakatiwalaan si Pangulong Noynoy sa pamumuno ng bayan? • SIYA AY MALINIS, MARANGAL AT MAY INTEGRIDAD. ITO ANG MGA PINAKAMAHALAGANG KAKAYAHAN NG ISANG PINUNO. • SIYA AY NAGPAMALAS NG TAPANG LABAN SA MASAMANG PAMAHALAAN. • MAY MINANA SIYANG TUNGKULIN AT MGA PRINSIPYO MULA SA BAYANING MGA MAGULANG.

  11. BAKIT TIYAK NA MAGTATAGUMPAY SI PANGULONG NOYNOY SA PAGLUTAS NG KORAPSYON NA SANHI NG KAHIRAPAN SA ATING BAYAN? WALA SIYANG KINATATAKUTAN DAHIL WALA SIYANG ITINATAGONG KASALANAN. WALA SIYANG DAPAT BAYARAN NA UTANG NA LOOB SA PULITIKA, SAPAGKAT NAGING PIHIKAN AT MAINGAT SIYA SA MGA TAONG PINAGTANGGAPAN NIYA NG TULONG AT SA PAMIMILI NG MGA KANDIDATONG KAALYADO NIYA SA DARATING NA HALALAN. NAGPATIBAY NG KANYANG TAPANG LABAN SA KATIWALIAN ANG MAHABANG PAKIKIBAKA SA DIKTADURA NG KANYANG PAMILYA, MULA PA NUONG SIYA AY BATA.

  12. PINAHAHALAGAHAN NI NOYNOY ANG KARANGALAN NG KANYANG DINADALANG PANGALAN AT ANG KATAPATAN SA BAYANG PILIPINO. HabilinniNinoysaanak: “WalanghigitnadakilangnasyonsadaigdigkundiangatingInangBayan. Walanghigitnadakilangtaumbayankaysamgakababayannating Pilipino.”

  13. SIMPLE ANG PAMUMUHAY NI NOYNOY AT ANG KANYANG HANGARIN SA BUHAY, KUNG KAYA’T MALAYO SA KANYA ANG TUKSO NG KATIWALAAN. ANG PINAGKAKATIWALAAN NI NOYNOY – ANG KANYANG MGA KAPATID, ANG KANYANG MAGIGING BISE-PRESIDENTE, SI MAR ROXAS, AT IBA PANG KAALYADO SA PULITIKA, AT MALALAPIT NA KAIBIGAN – AY YAONG MGA NAGING TAPAT AT MALINIS DIN SA KANILANG KATUNGKULANG PUBLIKO O PRIBADO. SI NOYNOY AY HINDI TULAD NG KARAMIHAN NG IBANG KANDIDATO SA PAGKAPANGULO.

  14. ANG MGA PANUKALANG IHINAIN NIYA SA SENADO AT KAMARA NG REPRESENTANTE AY NAGTAGUYOD NG MABUTING PAMAMAHALA, TULONG SA MAHIHIRAP, AT PAGTULIGSA SA KORAPSYON. MALINAW ANG PROGRAMA NG REPORMA NI NOYNOY, UPANG PUKSAIN ANG KORAPSYON. ANG KANYANG PLATAPORMA, NA ITINUTURING NIYANG KASUNDUAN NIYA SA TAUMBAYAN (SOCIAL CONTRACT), AY GINAGABAYAN NG MGA SIMULAIN NG MABUTING PAMAMAHALA (PANANAGUTAN, LAHAD NA MGA TRANSAKSYON, AT EPISYENTENG PAMAMALAKAD NA BATAY SA BATAS).

  15. ANG KANYANG BIBIGYAN NG PRAYORIDAD SA UNANG 100 ARAW NG KANYANG PANUNUNGKULAN AY ANG PAGTATAG NG MGA PARAAN UPANG BIGYAN NG GANAP NA KALUTASAN ANG MGA NABIBINBING USAPIN UKOL SA KATIWALIAN SA PAMAHALAAN. SUSURIIN ANG MGA PROSESO NG MGA SANGAY NG GOBRYERNO NA NAGBIBIGAY NG OPORTUNIDAD SA KATIWALIAN. TATAPUSIN ANG PAGTAKAS SA KATARUNGAN NG MGA MAKAPANGYARIHAN (CULTURE OF IMPUNITY) AT PAG-IIBAYUHIN ANG PAGSASAMPA NG KASO SA MGA TIWALING OPISYAL.

  16. ANG ADMINISTRASYONG AQUINO AY ANG MAGIGING UNANG HAKBANG TUNGO SA TUNAY NA PAGBABAGO AT SA PAGSIBOL NG PAG-ASA NG BAWAT PILIPINO PARA SA MAS MAGANDANG KINABUKASAN.

  17. TATANGHALIN SI NOYNOY BILANG BAGONG SIMBOLO NG DEMOKRASYA SA DAIGDIG– NG PAGHAHARI NG KALAYAAN AT KATARUNGAN SA ISANG LUPAING KAY TAGAL NANG ABA AT API.

  18. ANG BAGONG PILIPINAS NI PANGULONG NOYNOY: SENTRO NG KAPAYAPAAN AT KASAGANAHAN. NAMUMUNO SA EDUKASYON, KALAKALAN AT PAMUMUHUNAN

  19. Magpasalamat tayo sa Diyos na kalahok tayo sa pagbuo ng ating kasaysayan, tulad ng mga bayani nating namuno sa kilusan ng pagbabago. Mangako din tayong tulungan si Noynoy na maisakatuparan ang kanyang mga pangarapin para sa bansa at panatilihin ang kalinisan at katapatan sa pamahalaan.

  20. TAYO NA SA TAGUMPAY! UPANG TIYAK ANG ATING TAGUMPAY, IPAGPATULOY NATIN ANG WALANG HUMPAY NA PAGKAMPANYA SA NALALABI PANG MGA ARAW, NA WARING NAKASALALAY SA ATIN ANG KINABUKASAN NG BAYAN. KAILANGAN DING BANTAYAN AT HANDANG IPAGLABAN NATIN ANG ATING BALOTA!

More Related