190 likes | 454 Views
UP – ALL NCR General Assembly 30 June 2007, San Jose Seminary, Ateneo de Manila University. UP – ALL Quezon City. Mga Nagawa. Pagsasagawa ng konsultatibong proseso tungo sa isang local agenda
E N D
UP – ALL NCR General Assembly 30 June 2007, San Jose Seminary, Ateneo de Manila University UP – ALL Quezon City
Mga Nagawa Pagsasagawa ng konsultatibong proseso tungo sa isang local agenda Pormal na paglulunsad noong April 22, 2007, Miriam Peace, Quezon City, na dinaluhan ng tinatayang 150 katao Aktibong pakikilahok sa nakaraang halalan
UP-ALL QC Agenda Agenda 1: Ipatupad ang pagbubuo ng Local Housing Board (LHB) Maglabas ng kautusan (tulad ng Administrative Order) para mabuo ang isang preparatory committee na mamamahala sa Urban Poor Assembly at magtitiyak ng pakikilahok ng mga maralitang tagalunsod sa mga proseso nito Regular na maglaan ng karampatang pondo para sa LHB Lagdaan ng QC Mayor ang IRR ng LHB.
UP-ALL QC Agenda Agenda 2: Repasuhin at isaayos ang pag-a-update QC City Shelter Plan at tiyakin ang pakikilahok ng UP-ALL QC sa prosesong ito. Agenda 3: Tiyakin na magkaroon ng probisyon tungkol sa socialised housing site, na hangga’t maaari ay sa loob ng siyudad o in-city relocation at na ito ay abot-kaya, may katiyakan, may mga batayang serbisyo at may kabuhayan. Ito’y dapat nakapaloob sa QC City Shelter Plan.
UP-ALL QC Agenda Agenda 4: Magkaroon ng malinaw na proseso ng pagba-budget ang lokal na pamahalaan at tiyakin ang pakikilahok ng sektor dito: Pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) budget, maging sa antas ng baranggay; Pagtatalaga ng budget para sa pabahay at ang pagtatalakay nito sa City Development Council; Pakikilahok sa at pagkakaroon ng impormasyon hinggil sa budget para sa imprastruktura ng QC lalo na’t yung makakaapekto at magdudulot ng dislokasyon sa maralitang tagalunsod; Pagbuo ng mga Local Inter-Agency Committee sa mga komunidad na maapektuhan ng infrastructure projects.
UP-ALL QC Agenda Agenda 5: Magtalaga ng Social Housing Fund na magmumula sa internal revenue allotment ng lungsod. Agenda 6: Bagaman naaprubahan na ang 3-meter easement sa mga ilog at sapa ng QC, nangangailangan na tukuyin ng pamahalaang lokal ang mga mapanganib na lugar o danger zones sa lungsod sa lalong madaling panahon. Ito ay upang ihanda ang mga apektadong pamayanan sa paglikas at relokasyon na ayon sa prosesong inilatag sa UDHA.
UP-ALL QC Agenda Agenda 7: Tiyakin na may mga Resettlement Action Plan (RAP) bilang kaakibat ngbawatproyektong pangimprastruktura; pagtutukoy ng danger zone; at desisyon ng korte. Sa RAP titiyakin na may kaakibat na “people’s planning processes”. Agenda 8: At para sa kalahok sa UP-ALL: Pagpa-accredit sa lokal na pamahalaan ng QC upang kilalanin ito at bigyan ng pagkakataong makilahok sa mga proseso ng QC at magtalakay ng mga isyu sa lungsod.
UP-ALL QC Agenda Agenda 9: Pagkakaroon ng isang malinaw at komprehensibong proseso ng pagpapatitulo at makatuwirang pagbubuwis sa mga lugar ng social housing, CMP project at direct purchase. Kabilang dito ang pag-aapruba ng mga subdivision plan sa loob ng isang buwan at ang pagbibigay ng konsiderasyon (pagbubukod man o pagbibigay ng 50% na diskuwento) sa mga CMP beneficiary sa pagkuha ng building permit at pagbabayad ng buwis.
UP-ALL QC Agenda Agenda 10: Magkaroon ng libreng edukasyon para sa mga maralita. Ang mga scholarship ay hindi lamang dapat nakabatay sa grado, kundi dapat ibatay din sa kawalan ng kakayahayan magbayad ng mga pamilya ng mga estudyante. Kailangan ding matiyak na ang mga scholarship program ay pinakikinabangan ng higit na nasasadlak sa kahirapan
UP-ALL QC Agenda Agenda 11: Magkaroon ng programang pangkalusugan para sa mga maralitang komunidad, lalo na ang mga batang nakatira malapit sa Payatas dumpsite o mga lugar na madaling pagkalatan ng sakit. Maglaan ng pondo para sa libreng bakuna, gamot at bitamina.
UP-ALL QC Agenda Agenda 12: Magkaroon ng higit pang oportunidad at suportang pangkabuhayan Maglaan ng pondo para sa mga dagdag puhunan ng mga proyektong microfinance at mgalivelihood training; Tiyakin na sa mga proyektong pangimprastruktura ng gobyerno sa lungsod, unang bibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga maykakayahan na nakatira sa QC.
UP-ALL QC Agenda Agenda 13: Itiggil ang gibaan hangga’t walang maayos na konsultasyon at paglilipatan alinsunod sa UDHA. Agenda 14: Tukuyin at repashuin ang mga Area for Priority Development (APD) sa QC bilang mga priority site para sa social housing.
UP-ALL QC Agenda Agenda 15: Bilang pagpapatupad ng UDHA, magsagawa ng pagiimbentaryo ng mga bakanteng lupain sa QC at tukuyin mula rito ang mga lupaing maaaring pagtayuan ng programang pabahay o social housing site. Agenda 16: Bilang pagpapatupad ng UDHA, isagawa at regular na i-update ang UDHA beneficiary listing sa QC
UP-ALL QC Agenda Agenda 17: Magkaroon ng programa hinggil sa mga alternatibong paraan ng pabahay gaya ng usufruct at maglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad nito, kabilang na ang direct purchase ng mga lupain para sa social housing. Agenda 18 Pag-aralan ang posibilidad (viability) ng lokalisation ng CMP sa QC.
Adhoc Structure Nanatiling interim o pansamantala ang istruktura ng UP-ALL QC. Ito ay binubuo ng mga pederasyon na kumikilos sa QC. Ang mga ito ay COM, CMP, DAMPA, FDA, FDUP, HFPI, SAMA-SAMA, ULAP, ULR-TF, UPA
UP-ALL Electoral Engagement Mga Obserbasyon Talamak pa rin ang pandaraya Ngunit may kalakasan sa pagkapanalo ng GO Ang pakikilahok ng UP-ALL NCR ay pawang minadali. Ang resulta nito ay masasalamin sa noo'y inaasahang pre at post-election monitoring Wala pang bloc vote ang maralitang taga-lunsod May ilan din sa UP-ALL na non-partisan simulat sapul
UP-ALL Electoral Engagement Mga Kalakasan Paggawa at paglako ng Legislative Agenda May mga PO naman na nagpakita ng kanilang lakas sa pakikilahok sa halalan bilong watcher o bilang kasama sa kampanya Mga Leksyon Pangangailang paigtingin ang voter's education, partikular na ang party-list education Paglilikom ng resources
UP-ALL Electoral Engagement Mga Susunod na Hakbang Singilin ang mga inendorso at nanalong mga senador, lalo na sa kanilang unang 100 araw Pag-aralan ang pakikilahok sa brangay elections at 2010 elections Palakasin ang hanay ng maralitang taga-lunsod
Mga Nagsilahok COM CMP DAMPA FDA FDUP HFPI SAMA-SAMA ULAP ULR-TF UPA