80 likes | 287 Views
M A K U L Í T. ?????. Kakatwang pakinggan ang katagang makulít Sa pakikipag-usap, minsa’y nasasambít. Sa wastong paggamit, ako ay alinlangan Tunay na kahulugan, walang katiyakan. Obstinate, inflexible, unreasonable, Belligerent, argumentative, disagreeable,
E N D
????? Kakatwang pakinggan ang katagang makulít Sa pakikipag-usap, minsa’y nasasambít. Sa wastong paggamit, ako ay alinlangan Tunay na kahulugan, walang katiyakan. Obstinate, inflexible, unreasonable, Belligerent, argumentative, disagreeable, Difficult, stubborn, pigheaded, unyielding. These English adjectives, makulít lahat ang meaning.
Ito ang taong kapag nasabi ang nasabi Kanyang pagmamatigasán hanggang sa hulí. Maihahalintulad sa muóg na matibay Mahirap na gibaín, hindi man lang mabuwáy. Ang isipan ay makitid, utak ay maliít Maling paninindigan ang ginigiít. Nakaiinis, tunay na nakakabuwisit Baluktot na katwiran, laging pinipilit.
Ang namamayani’y katigasan ng ulo Tuwing makikipagtalo, lagi s’ya’ng panalo. Kahit paliwanag ay walang katuturán Ayaw magpadaíg sa mga talakayán.
Lalakí daw na suwaíl ang batang sutíl Haka-hakà ng ibá, hindî naman marahil. Ngunit kung likas sa tao ang kakulitán Masahol sa pagtanda, ito ay asahan.
Pagiging makulít ay hinuhang kapintasan Isang kakulangán, malubhang kapansanan. Kung sangkót ang pagkatao, ito’y kasiraán Pangit na huwaran at hindi dapat tularan.
Tanging maipapayo sa suliraning ito Kung ugali’y masamâ, dapat ay magbago. Iwasang makipagtalo, matutong umunawà Makipagkasundô at pagbigyán ang kapwà.