1.95k likes | 8.71k Views
SANAYSAY. KATUTURAN, ANYO AT URI. ANO ANG SANAYSAY?. RUBIN, et.al., 1989:91.
E N D
SANAYSAY KATUTURAN, ANYO AT URI
RUBIN, et.al., 1989:91 • Anyong pampanitikan na naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nagbabagong mundo. Ang mahalaga sa anyong ito ang pagbabahagi ng manunulat ng kanyang karanasan at di pa namamalayang pananaw ukol sa mga nagbabagon niyang paligid kaya maituturing ito na makabagong anyo.
Belvez(1985) • isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at promal kaysa alinmang akda. Sa kasalukuyan,ang komposisyon ay naglalaman ng maikling pag-aaral na naglalaman ng sariling pananaw, paniniwala at kaisipan ng sumulat.
SEMORLAN, et.al., 1999 • ay isang akdang naglalayong maglahad o maglarawan ng isang buhay sa makatotohanan at masining na paraan. Maaring talakayin o paksain ang anumang tema- karaniwan o di-karaniwan, magaan o seryoso- sapagkat ukol sa buhay ang inilalahad dito.
2 URI NG SANAYSAY PORMAL DI - PORMAL
PORMAL NA SANAYSAY • (MAANYO) kapag ang sanaysay ay may lohikal na paglalahad ng mga kaisipan o may maayos na balangkas. Maingat din ang pagsusuri ng paksa nito. Samakatwid, masusi ang pag-aaral ng temang tatalakayin. Binibigyang-diin ang katotohanan, tuwirang pagpapahayag at seryosong pagtalakay.
SANAYSAY NA DI-PORMAL • (DI-MAANYO) may kalayaan sa ayos ng paglalahad, may himig ng pakikipag-usap at pagbibiro at higit na kawili-wiling basahin. Subalit hinidi rin dapat na kaligtaan na lakip din nito ang katalinuhan ng pag-iisip at masusing pagsusuri.
PERSONAL NA SANAYSAY • ang nilalaman ay tungkol sa nararamdaman ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan. Hal. Kung ikaw ay nakakita ng mga batang nagkalat sa lansangan, ano ang iyong nararamdaman sa pangitaing ito?
MAPANURI O KRITIKAL NA SANAYSAY • ang nilalaman ay batay sa naiisip o kuru-kuro kaugnay sa namatyagan ng manunulat. Mula sa pagiging personal ng akda ay papasukin na nito at bubusisihin ang iba’t ibang anggulo na maaaring sangkot sa usapin.
PATALINHAGA • ang bukal ng nilalaman mula sa mga kasabihan o sawikain o di kaya’y pagkamit ng mga simbolismo o matalinhagang kaisipan bilang panimula ng iyong pinapaksa.