280 likes | 1.39k Views
Pagsusulit. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo ? a . Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya . b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan
E N D
Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo? a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan. d.Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok.
2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda.
3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula itosa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito? a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino. c.Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. d.Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.
4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo? • Bilyako/Bilyaka • Mambibigkas • Manunula • Prinsipe/Prinsesa
5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula? a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag. b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan. • Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. • Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.
6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahansa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito? a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan. b.Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan. c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop. d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.
7.Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag? a. Tapat b. Magalang c. Madaling Umunawa d. Malumanay magsalita
8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? a. Pag-ibig sa bayan b. Mga kaugaliang Pilipino c. Pagmamahalan ng pamilya d. Pagpupuri sa pamahalaang España
9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Español? a. Nakipag-usap sa kinauukulan. b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espaὴol. d. Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaὴa.
10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________. a. Prosa b. Patula c. Pasalaysay d. Patula
11. Ito ay isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao. • Duplo b. Karagatan • Sinakulo • Pasyon
12. Ito ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. a. Sanaysay b. Dula c. Tula d. Epiko
13. Ito ay pagsasadula ng buhay ng Panginoon mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan. a. Sinakulo b. Sarswela c. Pasyon d. Moro-Moro
14. Dito naman ay angpag-akto at pagdayalogo ng mga aninong repleksiyon ng mga tautauhang yari sa karton at gumagalaw sa likod ng puting kumot o tabing. a. Dula b. Pasyon c. Pabula d. Karilyo
15. Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. a. Tanaga b. Haiku c. Diona d. Dalit