250 likes | 2.29k Views
PAGTATAE. (Mga Dapat Malaman). Ano ang diarrhea o pagtatae?. Ang pagtatae ay ang pagdumi ng mas madalas sa 3 beses sa isang araw. Ano ang dahilan ng diarrhea o pagtatae?.
E N D
PAGTATAE (Mga Dapat Malaman)
Ano ang diarrhea o pagtatae? • Ang pagtatae ay ang pagdumi ng mas madalas sa 3 beses sa isang araw.
Ano ang dahilan ng diarrhea o pagtatae? • Ang bata ay nagtatae sanhi sa mikrobyo na pumapasok sa bibig dahil sa pagbibigay ng maruming pagkain at tubig o paglalaro sa maruming kapaligiran
Ano ang epekto ng diarrhea o pagtatae sa bata? • Ang pagtatae ay lubhang mapanganib • Ito’y hahantong sa pagkaubos ng tubig na maaaring ikamatay ng bata
Ano ang gamot sa diarrhea o pagtatae? • Sa paulit-ulit na pagtatae ng bata, kailangang hindi siya maubusan ng tubig sa katawan kaya dapat painumin ng Oral Rehydration Solution (ORESOL) para mapalitan ang mga nawalang tubig • Dapat ipagpatuloy ang pagpapasuso ng ina kung ang bata ay 0-6 buwang gulang • Ang mga batang lampas ng 6 na buwan ay dapat pakainin at painumin ng juice, rice water at iba pa
Ang pagtatae ay maiiwasan kung: • Tanging gatas lamang ng ina ang ipapasuso mula 0-6 buwang gulang • Susundin ang mga sumusunod na kaugaliang pangkalinisan: • Hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago maghanda ng pagkain ng bata • Hugasan ng sabon at tubig ang mga kagamitan na gagamitin sa pagkain ng bata • Hugasan ang kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos magpakain sa bata
Ang pagtatae ay maiiwasan kung: • Susundin ang mga sumusunod na kaugaliang pangkalinisan: • Takipan ang pagkain upang maiwasan ang pagdapo ng mga insekto na nagdadala ng mga mikrobyo • Panatiliing malinis ang laruan ng bata upang maiwasan ng bata na makasubo ng maruming bagay • Panatilihing malinis ang bata sa lahat ng oras • Gumamit ng pinakuluang tubig sa pagpapainom • Linisin ang lugar na kinalalagyan at pinaglalaruan ng bata • Panatilihing malinis sa loob at labas ng bahay