E N D
Nang mabalitaan ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay.Juan 11:20
Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po ay narito, buháy pa sana ang kapatid ko.Juan 11:21
Subalit nalalaman kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.”Juan 11:22
“Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.”Juan 11:23-24
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay;Juan 11:25
at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”Juan 11:26