90 likes | 2.52k Views
SALAWIKAIN. Pangkat 3: Jian Chan Jarred Co Steven Cu Spencer Keh Kyle Ong. 1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. .
E N D
SALAWIKAIN Pangkat 3: Jian Chan Jarred Co Steven Cu Spencer Keh Kyle Ong
1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa • Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
2. Lahat ng gubat ay may ahas. • Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
3. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. • Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.
4. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita • Kahulugan: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
5. Ang may mabuting kalooban, may gantimpalang nakalaan • Kahulugan: Hindi napapasama ang taong may mabuting pag-uugali. Sa halip, napapabuti ang kanyang kalagayan sa buhay.