1 / 26

Word of Life

Word of Life. April 2012. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo” (Juan 15:3). Nang narinig ng mga disipolo na sinabi ni Jesus ng walang pagaalinlangan ang mga mapagpasiglang salitang ito, maaaring ang kanilang mga puso ay lumukso sa tuwa.

Download Presentation

Word of Life

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Word of Life April 2012

  2. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo” (Juan 15:3).

  3. Nang narinig ng mga disipolo na sinabi ni Jesus ng walang pagaalinlangan ang mga mapagpasiglang salitang ito, maaaring ang kanilang mga puso ay lumukso sa tuwa.

  4. O, anong inam kung ang mga salitang ito ay masasabi rin sa atin ni Jesus! Upang tayo ay maging marapat sa mga salitang ito, sa maliit na pamamaraan, sikapin natin unawain ang kanyang kahulugan.

  5. Ginawa ni Jesus ang pagpapatibay nito noong tinukoy Niya ang Kanyang tanyág na halimbawá tungkol sa punò ng ubas at mga sanga nito. Ipinaliwanag Niya na Siya ang totoong punò ng ubas at ang Ama ang tagapag-alaga na Siyang pumuputol ng mga sangang hindi namumunga, at Kanyang pinuputulan at nililinisan ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga.

  6. Nang nasabi Niya ito, Kanyang inihayag: “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

  7. “Malinis na kayo ...” Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa mga salitang ito, anong uri ng kalinisan ang Kanyang binanggít?

  8. Kanyang tinutukoy ang uri ng pagkilos na dapat gawin upang manatili sa harapán ng Diyos, sa kawalan ng mga sagabal (tulad ng kasalanan) na siyang pumapagitna sa atin at sa anumang pakikitungo sa sagrado, sa anumang pagtatagpô sa dibino.

  9. Upang maangkín ang kalinisang ito, kailangan natin ang tulong ng Diyos..

  10. Sa LumangTipan, natuklasan ng mga tao na hindi sila makakalapít sa Diyos kung sila ay aasa lamang sa kanilang sariling lakas. Kailangan gawin malinis ng Diyos ang kanilang mga puso; kailangan Niyang bigyan sila ng bagong puso.

  11. May isang magandang Awit na nagsasabi, “Ilikha mo ako, O Diyos, ng isang malinis na puso”. (Awit 51:12)

  12. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

  13. Ayon kay Jesus, may isang paraan upang maging malinis ang ating puso, at ito ay ang Kanyang Salita. Narinig at tinaggap ng mga disipolo ang Kanyang Salita, at ito ang nakapagpadalisay sa kanilang puso.

  14. Sa katunayan, ang mga salita ni Jesus ay hindi katulad ng mga salita ng tao. Si Jesus ay nároroón sa Kanyang mga salita katulad ng Siya ay nároroón sa Banal na Eukaristiya, bagama’t sa ibang paraan. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, si Kristo ay sumasa-atin, at sa pagtanggap natin sa Kanyang mga salita at sa pagsasabuhay nito, ating hinahayaan na Siya ang sumilang at umiral sa ating puso.

  15. Sabi ni Papa Paolo VI: “Paano matatamo ang presensiya ni Jesus sa mga puso? Sa pamamagitan ng pagpapahatid ng Salita ng Diyos sa iba, ang kaisipang dibino ay maihahatíd, ang Salita; ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao ay maihahatid. Ating maihahayag na ang Panginoon ay nagkakatawang tao sa atin kapag hinahayaan natin ang Kanyang Salita na dumatíng at manahan sa ating kalooban.”

  16. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

  17. Ang Salita ni Jesus ay maihahalintulad din sa isang buto na itinanim sa puso ng isang naniniwala sa Diyos. Nang ito ay malugód na tinanggáp , ito ay tumagós, at katulad ng isang buto, ito ay tumubo, lumaki at namunga; tayo ay nag-anyông Kristo, tayo ay naging kawangis ni Kristo.

  18. Ang Salita, na pumasok sa buhay ng tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espititu, ay tunay na may kakayahán at lakás na ilayo ang Kristiyano sa masamâ: iyón ay, habang ating hinahayaan ang Salita na kumilos sa atin, tayo ay magiging malaya mula sa kasalanan at, sa gayón, malinis. Tayo ay magkakásála lamang kung tayo ay hihintô sa pagsunód sa Katotóhanan.

  19. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo.”

  20. Paano tayo mamumuhay upang tayo rin ay magíng marapat sa papuri ni Jesus? Tayo ay dapat magsumikap na isabuhay ang bawat Salita ng Diyos, buhayin ang ating sarili sa pamamagitan ng Salita sa bawat sandali, gawing patuloy na pagpapahayag ng Ebanghelyo ang ating buhay...

  21. upang tayo ay magkaroon ng kaisipan at damdamin gaya ng kay Jesus; ngayon, maaari natin isabuhay muli si Kristo at ipakita sa lipunang madalas na nakabulid sa kasamaan at kasalanan, ang kalinisang dibino, ang kadalisayan ng espiritu na bigay ng Ebanghelyo.

  22. Sa buwang ito, kung may iba pa tayong kasama na ito ang hinahangad, subukan natin na isabuahy ang mga salita ni Jesus na naglalaman ng Kanyang Utos na magmahalan.

  23. Sa katunayan, sa Ebanghelyo ni Juan, kung saan matatagpuan ang Kataga ng Buhay sa buwang ito, may ugnayan ang Salita ni Jesus sa Bagong Utos. Ayon kay Juan, ang Salita ng Diyos ay isinasabuhay ayon sa tinutukoy ni Jesus tungkol sa pagmamahalan: ang Salita ng Diyos ay may bisá na pagpapadalisay, kabanalan, pagpigil sa kasalanan, ang pagiging mabunga, pagkamalapit sa Diyos.

  24. Ang isang taong nagbubukód sa sarili ay hindi makakapagpigil sa pang-aakit ng mundo;

  25. habang kung saan may pagmamahalan, natatagpuan ng lahat ang kapaligirang malusog na magaalaga sa kanilang tunay na buhay Kristiyano

  26. “Malinis na kayo dahil sa Salitang sinabi Ko sa inyo” (Jn 15:3), Text by Chiara Lubich

More Related