550 likes | 864 Views
YEAR 2010: GRACE UPON GRACE JANUARY 2010 SI HESUS ANG ATING BUHAY. SATURDAY LESSON. 1 ST SATURDAY: JANUARY 2, 2010 NO SERVICE 2 ND SATURDAY: JANUARY 9, 2010 LIFE ELECTIVE 1 AND COMMUNION 3 RD SATURDAY: JANUARY 16, 2010 LESSON OVERVIEW AND LESSON 1 4 TH SATURDAY: JANUARY 23, 2010
E N D
YEAR 2010: GRACE UPON GRACEJANUARY 2010SI HESUS ANG ATING BUHAY
SATURDAY LESSON 1ST SATURDAY: JANUARY 2, 2010 NO SERVICE 2ND SATURDAY: JANUARY 9, 2010 LIFE ELECTIVE 1 AND COMMUNION 3RD SATURDAY: JANUARY 16, 2010 LESSON OVERVIEW AND LESSON 1 4TH SATURDAY: JANUARY 23, 2010 LESSON 2 5TH SATURDAY: JANUARY 30, 2010 LESSON 3 AND ZOE CLASS
2ND SATURDAY: JANUARY 9, 2010 LIFE ELECTIVE 1 AND COMMUNION
LIFE ELECTIVE 1: DOCTOR “CALL THE DOCTOR VERY QUICK!”
3RD SATURDAY: JANUARY 16, 2010 LESSON OVERVIEW AND LESSON 1
LAYUNIN NG LEKSIYON: Aking maiintindihan na si Hesu Kristo ang ating buhay KABUUAN NG LEKSIYON: Kapag ang mga tao sa mundo ay makarinig ng salitang “HESUS”, nabubuo agad ang imahe ng isang banal na tao na nabuhay sa ibabaw ng mundo at namatay. Ngunit dapat nating maintindihan na si Hesus ay hindi lang salita But we must understand that Jesus is not just a word, si Hesus ay ang lahat para sa atin. Mahal NYA tayo at namatay SIYA para sayo at sa akin. Si Hesus ang ilaw ng mga tao. Si Hesus ang ating hangarin. Si Hesus ang daan, katotohana at ang buhay. Si Hesus ay buhay sa atin at tayo ay dapat laging nag-aalab sa pagbahagi sa iba tungkol kay Hesus. Si Hesus ang ating buhay.
MEMORY VERSE • 1 Juan 5:12-13 (Ang Salita ng Diyos) 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay
LEKSIYON 1: BUHAY SA AKING BUHAY Lahat ng Krsistyanong bata ay kilala si Hesus… at sigurado ako na lahat ng naririto ay mayroong personal testimonya kung papaano nabigyan ng kabuluhan ni Hesus ang kanilang mga buhay. Mag-umpisa muna tayo sa pag-aalala kung sino si Hesus… Handa ka na ba?
MADALI 1. Si Hesus ay ipinanganak nung • 6 AD • 1000 AD • 6 BC ANSWER: c. 6 BC
MADALI 2. Si Hesus ay ipinanganak sa lugar na • Bethlehem, USA • Nazareth • Bethlehem, Judea ANSWER: c. Bethlehem, Judea
MADALI 3. Sino ang bumisita kay Maria bago nya ipanganak si Hesus? • angel Michael • angel Gabriel • angel Raphael ANSWER: b. angel Gabriel
NORMAL 4. Ang sanggol na si Hesus ay binisita ng • Kings • Angels • Magi ANSWER: c. Magi
NORMAL 5. Si Hesus ay bininyagan ni • John the Baptist, Jerusalem • John the Baptist, Jordan River • Judas Iscariot, Jordan River ANSWER: b. John the Baptist, Jordan River
NORMAL 6. Ang ibig sabihin ng “Kristo” ay • sa Ingles ay Hesus, sa Greek ay Messiah • sa Ingles ay anointed, sa Greek ay Messiah • Sa Ingles ay Baptist, sa Greek ay Christianity ANSWER: sa Ingles ay anointed, sa Greek ay Messiah
MAHIRAP 7. Ang unang milagro na ginawa ni Hesus ay • pagbuhay ng patay • paggamot sa may sakit • ginawang alak ang tubig SAGOT: ginawang alak ang tubig
MAHIRAP 8. “Hesu Kristo” ay nabanggit sa • Lumang Testamento • Bagong Testamento • Parehas na nabanggit sa bago at lumang testamento SAGOT: • Bagong Testamento
MAHIRAP 9. Anu-anu ang mga ebanghelyo na nagsasaad ng buhay at kamatayan ni HESUS? ANSWER:Ang apat na ebanghelyo na nagsasaad ng buhay at kamatayan ni HESUS ay Matthew, Mark, Luke, and John (the four evangelists).
MAHIRAP 10.Sinu-sinu ang apat na apostoles ni Kristo? ANSWER: Ang mga pangalan ng apostoles. Simon Peter; Andrew his brother; James the son of Zebedee; John his brother; Philip; Bartholomew; Thomas; Matthew the publican; James the son of Alphaeus; Labbaeus, who was surnamed Thaddaeus; Simon the Cananite; Judas Iscariot, in whose stead came in Matthias.
PAGSASAMA-SAMA NG NATUTUNAN Nasiyahan ba kayo sa mga natutunan nyo tungkol kay Hesus? Nakakuha ba kayo ng mataas na puntos? Hindi dapat tayo tumigil sa pagkilala kay Hesus at ang nilalaman ng kanyang puso. Ito dapat ang kabuuan at hangarin ng ating buhay. Hindi lamang makilala si Hesus, palaguin ang relasyon natin sa kanya.
Si Hesus ay may buhay tulad ng buhay ng Kanyang AMA… at ito nag buhay na mayroon tayo sapagkat SIYA ay nananahan sa atin… Halika at samahan mo ako na basahin at intindihin ang mga bersikulo upang lubusang makilala si Hesus… Handa ka na ba?
SI HESUS AY TOTOO • 1 Juan 1:1-2 (Ang Salita ng Diyos) • 1 Juan 1 • Ang Salita ng Buhay • 1Siya na buhat pa nang pasimula ay aming narinig, nakita ng aming mga mata, aming namasdan at nahawakan ng aming mga kamay. Siya ang Salita ng buhay. 2Ang buhay ay nahayag at nakita namin ito at aming pinatotohanan. Isinasalaysay namin sa inyo ang buhay na walang hanggan na iyon na kasama ng Ama na nahayag sa amin.
SI HESUS AY ANG ILAW NG MGA TAO • Juan 1:4 (Ang Salita ng Diyos) • 4Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao.
SI HESUS AY MAPAGBIGAY • Juan 10:10 (Ang Salita ng Diyos) 10Ang magnanakaw ay hindi pumarito malibang siya ay magnakaw, pumatay at maminsala. Ako ay narito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon nito na may lubos na kasaganaan.
SI HESUS ANG DAAN • Juan 14:6 (Ang Salita ng Diyos) 6 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
SI HESUS AY NAG-AALOK NG BUHAY NA WALNG HANGGAN, ANG ATING DAPAT GAWAIN AY MANIWALA SA KANYA • 1 Juan 5:12-13 (Ang Salita ng Diyos) • 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. • Mga Panghuling Salita • 13Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upang inyong malaman na kayo ay may buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.
Kung iyong tinanggap si Hesus, ang buhay na mayroon Siya ay nakatanim na sa iyo… Ibig sabihin, ikaw ay may BUHAY sa iyong buhay. At ang BUHAY na iyon ay hindi kailanman makukuha sa iyo. Napakasarap na pakiramdam na si Hesus ay ating personal na DIYOS at Tagapagligtas. Ngayon, bumuo ng maliit na grupo at ibahagi sa iyong mga kasama kung paano nabago ang iyong buhay simula ng manahan si Hesus sa iyong puso.
MAARING GANITO ANG SIMULA NG IYONG KWENTO: Totoo sa aking buhay si Hesus sapagkat… Tinulungan ako ni Hesus noong… Pinatnubayan ako ni Hesu noong… Napakamapagbigay ni Hesus noong… Sinorpresa ako ni Hesus noong… Itinuro sa akin ni Hesus ang tamang daan noong…
PAGSASAMA-SAMA NG NATUTUNAN Ikinagagalak kong malaman ang mga testimonya nyo tungkol kay HESUS… at alam nyo ba? May hihigit pa na kwento na dadating sa buhay mo. Lalo na ngayon na si Hesus ay nananahan sa iyo, mga matitindi at malalaking kwento pa ang padami ng padami, abot-abot na karangalan! Ikagagalak ni Hesus na tayo ay mabigyan ng masagana at maluwalhating buhay. Ang kailangan lang nating gawain ay maniwala at akapin si Hesus.
4TH SATURDAY: JANUARY 23, 2010 LESSON 2
MEMORY VERSE • 1 Juan 5:12-13 (Ang Salita ng Diyos) 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay
LESSON 2: IHINGA SI HESUS SA IBA Mga bata! Balikan natin ang ating mga natalakay nung isang linngo… Tinalakay natin ang mga katotohanan tungkol kay Hesus. Nagkwento kayo tungkol sa buhay na nasa inyong buhay. At ulitin nating muli na ang kwento na ibinahagi ninyo ay hindi pa ang inyong huling kwento ng kabutihan ni Hesus, sapagkat ang karangalan at glorya ni Hesus ay magniningning sa atin. Magiging mas maliwanag pa ito sa sikat ng araw!
Ang susi para manirahan na tulad ng “isang mabuting Kristyano”, ay ang pagbabahagi ng buhay ni Hesus sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi mu maaring itago ang Panginoon na para sa iyong sarili. Nais ni Hesus na Siya any maibahagi mo sa iba. Para mabigyang linaw, suminghot tayong lahat ng malalim… okay tigil. Huwag huminga palabas… Suminghot ka pang muli.. Singhot pa ulit… Ngayon, unti unti huminga…ilabas ang nakatagong hangin… maluwang na ba ang iyong pakiramdam?
Ang hangin na iyong sininghot ay dapat na ilabas. Katulad din ito ng BUHAY na mayroon ka, ito dapat na ibahagi sa ibang tao.. Dapat itong pawalan. Ihinga mo si Hesus sa ibang tao… Hinga lang ng hinga, huwag kang titigil. Si Hesus and magpapanatili sa iyo at magbibigay ng kalakasan. Higit na magaling si Hesus kaysa kaaway. Ano pa ang hinihintay mo? Ibahagi na ang kwento mo sa iba.
Oras na para malaman kung papano mo ibabahagi si Hesus sa iba! Bumuo ng apat na grupo at isadula ang mga sitwasyon sa baba, isadula kung papano mo ibabahagi si Hesus sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng mga bersikulong natutunan mo dati: Group 1: isang batang gutom Group 2: isang batang bumagsak sa pagsusulit Group 3: isang batang umiiyak dahil sa nawalang laruan Group 4: isang batang walang kaibigan
PAGSASAMA-SAMA NG NATUTUNAN: Sa tuwing bubuksan natin ang ating bibig para huminga o magsalita, lagi nating i-angat ang pangalan ni Hesus. Ibahagi nati si Hesus sa iang tao. Bigyan natin sila ng opportunidad na magkaroon ng BUHAY na mayrooon tayo. Bago tayo pumunta sa ating actibidades, ating basahin at intindihin ang mga nakatalang bersikulo:
NANAHAN ANG PANGINOON SA AKIN • Mga Taga-Galacia 2:20 (Ang Salita ng Diyos) 20 Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
IBAHAGI SI JESUS • Mga Taga-Colosas 1:27 (Ang Salita ng Diyos) 27 Sa kanila ay ipinasya ng Diyos na ipakilala ang kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na sumasainyo, ang pag-asa sa kaluwalhatian.
AKTIBIDADES Kagamitan: Plastic Balloon Direksyon: Ihipan ang plastic balloon ng buhay. Kung sino man ang may pinakamalaking plastic balloon ay magkakaroon ng premyo.
5TH SATURDAY: JANUARY 30, 2010 LESSON 3 AND ZOE CLASS
MEMORY VERSE • 1 Juan 5:12-13 (Ang Salita ng Diyos) 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay
LESSON 3: SI HESUS, AKING BUHAY Ang buhay ng Kriistyano ay hindi tungkol sa ano ang dapat gawain, ito ay tungkol sa pagbibigay ng karapatan kay Hesus na gawain ang anuman ang kanyang gustong gawain sa iyo at sa pamamagitan mo. Naririto pa tayo sa mundong ibabaw at habang tayo ay buhay at nanahan sa mundo magkakaroon ng mga pagsubok. Marami din ang temptasyon. Pagkabigo at pagdadalamhati, sakit at paghihirap… lahat ng ito ay nasa mundong ating ginagalawan.
Subalit sinugurado ni Hesus sa atin na hindi nya tayo iiwan at ipapahamak. Mapagtatagumpayan natin ang lahat ng problema kung Siya ay ating tatawagin. At kapag tayo ay naniniwala. May buhay sa ating pagsalita ng buhay. Patnubayan natin ang ating nga dila na magsalita ng buhay. Piliin na sambitin ang salitang nagbibigay buhay, Choose to speak life words, piliin na sambitin lagi ang salitang puno sa paniniwala kay Hesus sa iyong buhay. Magnilay-nilay sa salita ng Diyos araw at gabi upang tayo ay lumaki sa salita ng Diyos.
Ngayon, nais kong malaman ang iyong LIFE VERSE? LIFE VERSES ay bersikulo ng biblya na pinaghahawakan mo sa iyong puso. May matindi paniniwala ka sa SALITANG ito. At ito ay nagpapatnubay sa iyong buhay. Kung wala ka pang LIFE VERSE, dapat magkaroon ka na… napakarami mapagpipilian… at ang Panginoon at ngalathala ng lahat. At kapag Siya ang naglathala ibig sabihin kapag ito iyong sinambit, hindi ito babalik sa kanya na hindi natutupad ang dapat nitong gawin. Laging natutupad ang salita ng Diyos.
AKTIBIDADES .Lahat ay tumayo at maghawak hawak ng kamay upang makabuo ng isang bilog. MAgpapatugtog ng musika at ang bola ay dapat ipasa. Kapag huminto ang tugtog at ang bola ay nasa iyong kamay, dapat ay sambitin mo ng malakas ang iyong LIFE VERSE. Ikaw din ay makakatanggap ng premyo. Umpisahan na!
PAGSASAMA-SAMA NG NATUTUNAN: Wow! Hindi natin mauubos ang mga salita at pangako ng Panginoon. Lahat ng bersikulo ay magagamit sa ibat-ibang sitwasyon natin sa buhay. Napaka-imposibleng mabuhay na wala si Hesus. Kaya mu bang isipin ang buhay na wala Siya? Siyempre hindi! Lahat tayo, sambitin natin “HESUS, IKAW ANG AKING BUHAY” Ngayon ating basahin at intindihin ang mga bersikulong ito.
ANG KAAWAY AY LAGING HANDA UPANG LOKOHIN KA! • 2 Mga Taga-Corinto 11:2-3 (Ang Salita ng Diyos) • 2 Ito ay sapagkat ako ay naninibugho sa inyo nang paninibughong mula sa Diyos dahil ipinagkatipan ko kayo sa isang lalaki upang maiharap ko kayo kay Cristo na isang dalisay na birhen. 3Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo.
HUWAG MAGPALOKO, LABANAN ANG KAAWAY SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIYOS! • Mga Taga-Filipos 2:13 (Ang Salita ng Diyos) • 13 Ang dahilan nito ay gumagawa sa inyo ang Diyos upang naisin at gawin ninyo ang kaniyang mabuting kaluguran.
Nais ng Panginoon na sambitin din natin ang sinambit ni Paul: • Mga Taga-Filipos 1:21 (Ang Salita ng Diyos) 21 Ito ay sapagkat sa ganang akin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang.
Lagi natin tandaan na ang mensahe ng grasya ay ang pagsambit ng tungkol kay HESUS: • 1 Mga Taga-Corinto 2:2 (Ang Salita ng Diyos) • 2Ito ay sapagkat pinagpasiyahan kong walang malamang anuman sa inyo maliban kay Jesucristo na ipinako sa krus.