E N D
Ibong Adarna Pangkat 3
Buod • Sinasabi ng Kabanata na si Leonora ay naghihintay pa rin kay Don Juan, ngunit si Don Juan ay nakalimut na sa kanya. Palaging nakakulong si Leonora sa kwarto niya at “kinakausap” nito si Don Juan. Habang si Don Pedro naman ay naiinis na dahil tuwing papasok siya sa kwarto ni Leonora para kausapin siya, pinapaalis lang siya.
Buod • Isang beses, pumunta si Don Pedro sa kwarto ni Leonora habang si Leonora ay “kinakausap” si Don Juan. Sinabi ni Don Perdo na kalimutan na si Don Juan at pumunta na lang sa kanya dahil mahigit na sa tatlong taon at hindi pa bumabalik si Don Juan. Dahil ayaw ni Leonora si Don Pedro at wala pa rin si Don Juan para kay Leonora, pareho silang nagdudusa.
Importanteng Saknong • Sa silid ay nag-iisa kaurali’y mga dusa, maningning niyang mga mata sa luha’y nanlalabo na. • Sinasabi ng saknong ito na nagdaramdam si Leonora kay Don Juan at palaging nasa kwarto siya at palagi ding umiiyak dahil wala pa ang mahal niya (Don Juan).
Importanteng Saknong • Dibdib niya’y nawawalat tuwing kanyang mamamalas si Leonora’y umiiyak, si Don Jua’y tinatawag. • Itong sakong ay tinutukoy si Don Pedro na tuwing naririnig niya si Leonora na umiiyak sa kwarto niya at itnatawag si Don Juan, nasasaktan siya dahil mahal ni Don Pedro si Leonora, pero ayaw naman ni Leonora sa kanya.
Importanteng Saknong • Hibik naman ng Prinsesa: Don Juan kong tanging sinta, malagot man ang hininga, iyung-iyo si Leonora. • Sinasabi ng saknong ito na mahal na mahal pa rin ni Leonora si Don Juan at sa kanya pa rin siya pupunta kahit anong mangyari.
Importanteng Saknong • Ito’y huli’t katapusan ng pagtatawag ko, Don Juan, kung kulanging kapalaran ako’y di mo na daratan. • Sabi ni Leonora na kapag hindi na bumalik si Don Juan nang ilang araw pa, baka hindi na niya makikita si Leonora (parang binibigyan ng deadline ni Leonora si Don Juan).
Importanteng Saknong • Huli nating alaala kay Don Juang namatay na, habang tayo’y hiwalay pa ipagluksa natin siya. • Sabi ni Don Pedro kay Leonora na kalimutan na lang si Don Juan at sabihin na namatay na lang siya. Masama ang sinasabi niya para lang makuha na niya si Leonora at para makalimutan na ni Leonora si Don Juan.
Tayutay • Si Don Jua’y naglalakad sa landasing madadawag; kay Leonora’y nag-uulap ang langit ng kanyang palad. • Nag-uulap = nakakalimutan • Pagwawangis
Tayutay • Dibdib niya’y nawawalat tuwing kanyang mamamalas si Leonora’y umiiyak, si Don Jua’y tinatawag. • Nawawalat = nasisira • Pagmamalabis
Tayutay • O, Don Juan bakit baga hanggang ngayon ay wala ka, di mo kaya natatayang dito’y hinihintay kita? • Wala naman si Don Juan doon • Panawagan
Buod • Naglakbay si Don Juan sa kabunduakn ng Armaneya at nakita ni Don Juan isang matandang Ermitanyo. Una, ayaw tulungan nito si Don Juan at pinaalis, pero nang pinakita ni Don Juan ang baro na binigay ng unang matanda noon, nanlaki ang mga mata ng Ermitanyo at tinanong kung ano ang kailangan ni Don Juan.
Buod • Sinabi ni Don Juan na hinahanap niya ang kaharian ng de los Cristales. Sabi naman ng matandang Ermitanyo na hindi niya alam ang lugar na sinasabi ni Don Juan, pero sinabi niya na tatanungin niya ang mga hayop na sakop niya kung alam ba nila ang lugar na sinasabi ni Don Juan. Hindi din nila alam ang luagr na iyon, pero sinabi ng Ermitanyo na pumunta siya sa isa pang Ermitanyo at baka tutulungan niya si Don Juan.
Buod • Pinahatid si Don Juan sa pamamagitan ng pagsasakay sa Olikornyo (Unicorn) at pinahatid ng Ermitanyo sa isa pang Ermitanyo si Don Juan. Dinala din ni Don Juan ang baro. Pagdating ni Don Juan, nangyari ulit ang sinabi sa unang Ermitanyo. Tinanong ng Ermitanyo kung sino si Don Juan, at pinakita ulit ni Don Juan ang baro.
Buod • Tinanong ng Ermitanyo kung ano ang kailangan ni Don Juan. Nang sinabi ni Don Juan na hinahap niya ang Reyno ng de los Cristal, hindi dina alam ito ng Ermitanyo kaya tinanong niya ang mga hayop na sinasakupan niya. Hindi din nila alam, pero nakita ng Ermitanyo na ang Agila ay wala pa. Nang dumating ang Agila, nagalit ang Ermitanyo dahil nang tinawag ang mga hayop, hindi agad dumating ito.
Buod • Sinabi naman ng Agila na galing kasi siya sa isang napakalayong lugar, at nang tinanong ng Ermitanyo kung ano ang lugar na ito, sinabi ng Agila na ito ang Reyno ng de los Cristal. Ngayon na alam na ang lugar na pupuntahan ni Don Juan, sinabi ng Ermitanyo na dadalhin siya ng Agila patungong sa lugar na pupuntahan niya. Naghanda din ng mga pagkain and Ermitanyo na kinakarga ng 300+ na ibon.
Buod • Walang hinto ang paglilipad ng Agila at ni Don Juan. Nakarating sila doon nang isang buwan dahil hindi na nila kailangan huminto dahil ang pagkain nila ay nandoon lamang.
Importanteng Saknong • Limang buwang paglalakad pitong bundok ang binagtas, pitong dusa’t pitong hirap bago sinapit ang hangad. • Sinsabi ng saknong ito ang kahirapang na pinagdaanan ni Don Juan para lang makita at makausap niya ang Ermitanyo. 5 buwan siya naglakbay, 7 bundok ang dinaanan niya, 7 hirap at dusa din ang dinaanan niya.
Importanteng Saknong • Nakita ang dalang baro Ermitanyo’y napatango, noon niya napahulo na mali ang kanyang kuro. • Nang nakita ng Ermitayo ang baro na dala ni Don Juan, bigla lang niyang nalaman na ang pagsasagot niya kay Don Juan ay mali pa la. Bait kaya?
Importanteng Saknong • At nagwika ng ganito: Hesus na Panginoon ko. Isang galak ko na itong pagkakita sa baro Mo. • Iyon pala ang dahilan! Nalaman ng Ermitanyo na ang baro na nakay Don Juan ay galing kay Hesus mismo! Ibig sabihin na ang matanda na nakita ni Don Juan noon, ay si Hesus pala!
Importanteng Saknong • Ngayon kita’y tuturuan, sa ikapitong bundok na ‘yan sundin sanang mahinusay, may matanda kang daratnan. • Sinasabi ng Ermitanyo ang lokasyon ng isa pang Ermitanyo na baka pwede makatulong kay Don Juan sa paghahanap ng lugar na gusto niyang putntahan. Ang isa pang matanda ay nasa ikapitong bundok.
Importanteng Saknong • Ang balbas nito sa haba sumasayad na sa lupa, balahibo’y mahahaba’t mapuputi namang pawa. • Ito ang deskripsyon ng isa pang matandang Ermitanyo na pinuntahan ni Don Juan. Sabi nito na napakhaba ang balbas nito at ang balahibo niya naman ay mahaba at maputi. Tila napakatanda na ng Ermitanyong ito!
Importanteng Saknong • Ngunit walang kaalaman sa Reyno ng de los Cristal, ang hanap mong kaharian ewan ko kung matagpuan. • Sinabi ito ng Ermitanyo kay Don Juan. Sinabi niya na hindi niya alam kung mayroon bang kaharian na hinahanap niya. Sinabi din ito ng isa pang Ermitanyo na hindi din niya alam ang lugar na hinahanap ni Don Juan.
Importanteng Saknong • Ermitanyong iniibig, sagot ng ibong mabait, isang lupaing marikit ang Reyno de los Cristales. • Ang Agila ang nagsasalita dito. Sinabi niya na galing siya sa sa lugar na hinahap din ni Don Juan, at dahil dito, alam na ni Don Juan na may pag-asa siya na makaabot niya ang kaharian na gusto niyang puntahan.
Importanteng Saknong • Isang buwan sa banta ko, pahayag ng Ermitanyo, mahina man ang lipad mo sasapit sa Cristalino. • Kinakausap ng Ermitanyo si Don Juan at ang Agila. Sinabi niya na makakarating siya sa lugar na nais niyang puntahan sa loob ng isang buwan. Sinabi in niya na isang buwan bago siya makakarating dahil mabagal ang lipad ng Agila.
Importanteng Saknong • Ang Prinsepe ay sumakay sa Agilang papatnubay masisiglang nagliparang tungo’y sa Dakong Silangan. • Sinasabi ng saknong ito na ang lugar na pinupuntahan nina Don Juan at ang Agila ay nasa silangan kaya doon din sila pumupunta. Ibigsabihin na ang de los Cristal ay nasa silangan.
Importanteng Saknong • Dalang baon ay ubos na nakarating naman sila sa banyo ni Donya Mariang tubig ay kaaya-aya. • Sinasabi ng saknong ito na nang na ubos na ang pagkiang dala ni Don Juan, noon din siya nakarating sa banyo ng destinasyon na nais niyang puntahan.
Tayutay • O, Diyos na darakila, ito’y isa Mong himala, sa dunong Mo’y sino kaya ang maaaring humula? • Wala naman ang Diyos doon • panawagan
Tayutay • Laking pasasalamat ng Prinsepeng nagagalak, ang malaki niyang hirap tila magtatamong-palad • Hirap = magtatamong palad (swerte) • pagtutulad