1 / 25

Agosto 2013

Kataga ng Buhay. Agosto 2013 . « Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila » (Lk 6:32) . Ang kataga ng buhay sa buwang ito ay hinango mula sa Ebanghelyo ni Lukas.

kylee
Download Presentation

Agosto 2013

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Katagang Buhay Agosto 2013

  2. «Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila» (Lk 6:32).

  3. Ang kataga ng buhay sa buwang ito ay hinango mula sa Ebanghelyo ni Lukas.

  4. Ito ay bahagi ng mayamang koleksyon ng mga sinabi ni Jesus tulad ng Sermon sa Bundok sa aklat ni Mateo.

  5. Sa bahaging ito, gaya ng alam natin, ipinapaliwanag ni Jesus ang mga kinakailangan upang maging bahagi ng kaharian ng Diyos at ang mga katangian na mga dapat makabilang dito. Ang mga kasabihang ito ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang matularan ang ating Ama sa langit.

  6. Sa katagang ito ay tinatawagan ni Jesus ang kanyang mga alagad na tularan ang Diyos Ama sa pagmamahal. Kung nais nating maging Kanyang mga anak, kailangang mahalin natin ang ating kapwa gaya ng kanyang pagmamahal.

  7. «Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila» (Lk 6:32).

  8. Ang unang katangian na maliwanag na nagpapakilala ng pagmamahal ng Diyos Ama ay ito ay malayang ibinibigay. Ito ay kasalungat sa pagmamahal na itinuturo ng mundo.

  9. Nakabatay sa tugunan at may atraksyon sa isa’t isa, na minamahal lamang iyong nagmamahal at nagpapasaya sa atin.

  10. Sa halip ang pagmamahal ng Ama ay tunay na walang kundisyon. Ang Kanyang pagmamahal ay ganap na nakalaan sa lahat ng tao, tumugon man sila o hindi.

  11. Ang pagmamahal na ito ay laging nauuna at ibinabahagi ang lahat ng mayroon siya. Kaya’t ang pagmamahal na ito ay nagbibigay-liwanag at nagpapanibago.

  12. Minamahal tayo ng ating Amang nasa langit hindi dahil tayo ay mabuti o maganda ang ating kalooban kaya’t karapat dapat pag-ukulan ng pansin at kabutihan ng Diyos. Sa halip, sa pagmamahal sa atin, binubuo niya sa atin ang kabutihan at kagandahan ng kalooban na hatid ng Kanyang biyaya upang tayo ay maging Kanyang mga kaibigan at anak.

  13. «Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila» (Lk 6:32).

  14. Ang isa pang katangian ng pag-ibig ng Ama ay ang pagiging pangkalahatan. Minamahal ng Diyos ang lahat nang walang itinatangi. Ang Kanyang pagmamahal ay walang hanggan.

  15. Ito ay malaya at mapaglikhang pag-ibig na masaganang ibinibigay kung saan kailangan o may kawalang dapat punuin.

  16. Kaya’t iyong mga walang utang na loob o malayo sa Kanya ay minamahal ng Ama gayundin yaong mga nagrerebelde sa Kanya. Sa katunayan, ang pagmamahal na ito ay naghahanap sa kanila sa natatanging paraan.

  17. «Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila» (Lk 6:32).

  18. Paano natin isasabuhay ang kataga ng buhay na ito?

  19. Sa pagiging mga tunay na anak ng ating Ama sa langit: tinutularan ang Kanyang pagmamahal, higit sa lahat sa mga katangiang ating binanggit na ang pag ibig na ito ay malayang ibinibigay at para sa lahat.

  20. Sikapin natin, sa lahat ng pagkakataon, na maunang magmahal, na magmahal na mapagbigay, mapagkalinga at bukas sa lahat, higit na pinapansin ang mga nasa paligid na higit na nangangailangan.

  21. Subukan nating magmahal nang hindi naghihintay ng resulta.

  22. Gumawa tayo ng hakbang upang tayo ay maging instrumento ng kabutihang-loob ng Diyos, tinutulungan ang iba na maranasan ang mga biyayang tinanggap natin mula sa Kanya.

  23. Kung hahayaan natin ang ating sarili na gabayan ng mga salitang ito ni Jesus, magkakaroon tayo ng bagong paningin at bagong puso para sa lahat, laging nakahanda sa bawat pagkakataong magmahal.

  24. Mararamdaman natin ang pagnanais na ibahagi ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig na dinala ni Jesus dito sa mundo, ang tanging pag-ibig na nagpapanibago saan mang dako ng mundo tayo naroon.

  25. «Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila» (Lk 6:32). Isinulat ni : Chiara Lubich

More Related