380 likes | 637 Views
Rights-Based Approach (RBA) sa Debelopment. Mga batayang konsepto at prinsipyo PhilRights/PAHRA. Konsepto ng Debelopment. Ebolusyon ng konsepto ng debelopment ☼ ekonomikong paglaki na sinusukat sa paglaki ng GNP, abanteng teknolohiya, pagliit ng sektor ng agrikultura
E N D
Rights-Based Approach (RBA) sa Debelopment Mga batayang konsepto at prinsipyo PhilRights/PAHRA
Konsepto ng Debelopment • Ebolusyon ng konsepto ng debelopment ☼ ekonomikong paglaki na sinusukat sa paglaki ng GNP, abanteng teknolohiya, pagliit ng sektor ng agrikultura ☼ ekonomikong paglaki + modernisasyon kasama ang pagbabago ng pag-iisip, pinapahalagahan, aktitud na tulad ng mga kanluranin
Konsepto ng Debelopment ☼ pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan at paghasa ng kakayahan ng tao at ng mga komunidad ☼ pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng tao at pagkakaroon ng redistribusyon ng yaman ng lipunan
Konsepto ng Debelopment • Implikasyon ng mga naunang konsepto ng debelopment, ang pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng mga programa, serbisyo at proyekto ng gobyerno ay: • Walang kaugnayan sa pagtugon ng Estado sa mga karapatang pantao ng mamamayan – needs vs. rights • Nakasalalay sa prayoridad ng estado
Konsepto ng Debelopment • Nakadepende sa pagkakaroon ng kinakailangang yaman (resources) • Nalilibre ang mga opisyal ng gobyerno mula sa kanilang pananagutan o accountability • Nalilimita ang taumbayan at komunidad sa pagiging simpleng tagatanggap ng serbisyong ibinibigay ng estado
Debelopment mula sa perspektiba ng karapatang pantao Art. 1 - UN Declaration on the Right to Development Ang debelopment ay: “isang komprehensibong prosesong ekonomiko, sosyal, kultural at pulitikal, na naglalayon sa palagiang pagpapabuti ng kagalingan ng buong populasyon at lahat ng indibidwal, batay sa kanilang aktibo, malaya at makabuluhang partisipasyon sa debelopment at sa patas na distribusyon ng mga benepisyo nito.”
Debelopmentay isang prosesong nakatuon di lamang para matugunan ang pangangailangan kundi para maisakatuparan ang karapatang pantao (dignidad).
Ugnayan ng Debelopment at HR Karapatang Pantao Debelopment Debelopment Karapatang Pantao
Paggalang sa Dignidad ng Tao • Pagtiyak na tinatamasa ang lahat ng karapatan….. • Bilang indibidwal • Bilang bahagi ng komunidad at bilang isang komunidad • Bilang bahagi ng isang sistemang ekolohikal GOAL NG RBA Bagong Modelo
Mga Elemento ng RBA 1. Nakaugnay sa karapatan • Mga layunin ng debelopment itinuturing bilang mga karapatan at hindi simple mga pangangailangan at mithiing kailangan tugunan • Mga layunin ay kinakailangang makamit at mapatupad dahil may mga legal na pinagbabatayan (legally enforceable entitlements)
Mga Elemento ng RBA • Sinasalamin ng balangkas ng debelopment ang mga ginagarantiyang internasyunal na karapatan tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, pagkain, partisipasyong pulitikal, paggawad ng katarungan, personal na seguridad
Mga Elemento ng RBA 2. Pananagutan (Accountability) • Nakatutok sa pagpapataas ng pananagutan (accountability) sa proseso ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga claim-holders (at kanilang mga karapatan)at & duty-bearers (at kanilang mga obligasyon)
RBA Strategy HR Duty-holders: Obligations to Respect, Protect & Fulfill Realization of Human Rights HR Claim-holders (Individuals and Groups): Responsibility to Exercise & Defend
RBA Strategy Accountable Government Realization of Human Rights Empowered Citizenry
Duty bearers Strengthen accountability of duty bearers Strengthen equality and inclusion and fight discrimination Support people to demand their rights Demand their rights Fulfill theirobligations Right holders RBA Strategy
Mga Elemento ng RBA • Paglalaan sa debelopment ng mga batas, patakaran, institusyon, administratibong prosidyur at praktika, at mga mekanismo sa pagreklamo at pananagutan na susuporta sa mga karapatan, tutugon sa mga pagkakait at paglabag, at titiyak sa pananagutan.
Mga Elemento ng RBA • Sa ilalim ng ICESCR, ang mga Estado ay obligadong gumawa ng mga kagyat na hakbanging para sa progresibong realisasyon ng mga karapatan at isang paglabag kapag ito’y di nagawa ng estado.
Mga Elemento ng RBA 3. Empowerment • Pagbibigay ng prioridad sa mga estratehiyang nakakapag-empower ng mga tao at komunidad • Pagtingin sa mga benepisyaryo ng debelopment - mga tao - bilang tagapagmay-ari ng karapatan at direktor ng debelopment
Mga Elemento ng RBA • Pagbibigay diin sa tao bilang sentro ng proseso ng debelopment, maging ito’y tuwiran, sa pamamagitan ng kanilang mga tagapagtaguyod (advocates) at sa pamamagitan ng mga organisasyon ng civil society.
Mga Elemento ng RBA 4. Partisipasyon • Nangangailangan ng mataas na antas ng partisipasyon mula sa mga komunidad, civil society, minorya, katutubo, kababaihan, atbp. • Dapat maging aktibo, malaya at makabuluhan ang partisipasyon; di pormalidad o seremonyal na kontak sa mga benepisyaryo.
Mga Elemento ng RBA 5. Walang –diskriminasyon at atensyon sa mga bulnerableng grupo • Pagbibigay ng partikular na atensyon sa diskriminasyon, pagkakapantay-pantay, equity at mga grupong bulnerable kung saan ang komposisyon ay nagbabago sa bawat lipunan • Nangangailangang paghiwa-hiwalayin ang mga datos sa lahi, relihiyon, etnisidad, kasarian, wika, atp.
Mga Elemento ng RBA • Pag-aalis ng mga elemento ng nakapagpapalakas ng mga umiiral na di-balanseng distribusyon ng kapangyarihan sa pagitan hal. ng kalalakihan at kababaihan, panginoong maylupa at pesante, at mga manggagawa at kapitalista.
Mga Elemento ng RBA • Nakaugnay sa karapatan • Pananagutan ng pamahalaan • Pagpapalakas sa mamamayan(Empowerment) • Partisipasyon • Walang diskriminasyon at • Attensyon sa mga bulnerableng grupo tulad ng mga katutubo
Nakaugnay sa karapatang pantao Empowerment Pananagutan (Accountability) Partisipasyon Walang diskriminasyon at atensyon sa bulnerableng grupo
Paggamit ng RBA • Identipikasyon ng mga isyu at pagsusuri sa mga ugat ng problema; • Identipikasyon ng iba pang isyung may relasyon sa debelopment at sistema ng pamamahala (governance); • Identipikasyon ng mga sangkot na karapatan at kinauukulang entitlements;
Paggamit ng RBA • Identipikasyon ng mga sektor/grupong apektado ng mga isyu; • Identipikasyon ng katangian at lebel ng obligasyon ng Estadong may kaugnayan sa mga karapatan; • Identipikasyon ng kasangkot na duty-holder o mga opisyal, ahensya, institusyon ng gobyernong may pananagutan sa KP.
Paggamit ng RBA • Identipikasyon ng claim-holder at ang kanilang partisipasyon at mga responsibilidad; • Identipikasyon ng iba pang stake-holders, kanilang partisipasyon at responsilidad; • Identipikasyon ng mga aplikableng pamantayan sa KP batay sa normative content ng mga karapatan;
Paggamit ng RBA • Identipikasyon ng mga sukatang nakabatay sa karapatan; • Identipikasyon at pagdebelop ng mga proyekto/inisyatibang nakabatay sa KP; • Pagdebelop ng mga sistema ng performance management na nakabatay sa KP.
Paggamit ng RBA ID ng Isyu at Ugat ID ng Katangian Ng Obligasyon Ng Estado ID/Pagprograma ng mga Aplikableng Pamantayan ID ng mga kaug- nay na isyu sa Debelopment at Governance ID kaukulang Duty-Holder & Kaugnay ng Mandate ID ng mga Rights-Based Measures ID ng mga ‘ Apektadong Karapatan ID ng Claim- Holder, mga ka- Partner at Respon- sibilidad ID at mga pro- yekto/inisyatiba Batay sa karapa- tan sa dev. ID ng ibang stake- Holder, mga part- Ner at responsibi- lidad ID ng sektor/grupo & paano apektado ang mga babae at lalaki Pagdebelop ng Rights-based Performance Mgmt system
Maikling Pagsasanay Case Study Noong 2007, nabigyan ang Royalco Philippines, ng exploration permit para sa Barangays ng Pao at Kakidugen sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Dahil sa hindi sapat na konsultasyon at proseso ng pagkuha ng consent (Free Prior Informed Consent) at dahil hindi rin nakonsulta ang ibang katutubong grupo sa lugar, maraming residente ang tumutol sa nasabing proyekto at nagtayo ng barikada upang mapigilan ang pagpasok ng kumpanya sa nakatakdang exploration site.
Maikling Pagsasanay Case Study Bukod dito, iginigiit ng mga taga-Pao at Kakiduguen na ayaw nila ng pagmimina dahil sa bantang panganib nito sa kanilang mga lupain, sa pinagkukunan ng tubig, at sa kalikasan. Ayon sa kanila, mas gusto nilang tulungan sila ng gobyernong paunlarin ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa agrikultura at pagpapagawa ng mga kinakailangang imprastruktura.
Maikling Pagsasanay Case study matrix
Mga Hamon at Isyu • Kakulangan ng pagkilala at pagsasa-praktika • Globalisasyong neo-liberal at ‘corporate greed’ • Militarismo at ang gyera laban sa terorismo • Power structure sa lipunan • Pagkasira ng kalikasan
Tugon • Awareness raising and capability building on Human Rights • Engagement with the government • Maximization of national and international venues and redress mechanisms (justiciability) • Organizing human rights defenders
Sanggunian • United Nations. Declaration on the Right to Development, 1986. • John Brohman. Popular Development: Rethinking the Theory & Practice of Development. 1996. • Michael P. Todaro. Economic Development. 2000. 7th ed. • Commission on Human Rights. The Rights-Based Approach to Development. • CHR, UP NCPAG & UNDP. Rights-Based Approach Orientation Training Manual. 2006.