220 likes | 1.68k Views
Manila Science High school. Portfolio in Filipino. Dan Louie Renz P. Tating. I-Honesty. G. F. S. Garcia. =Guro=. INTRODUKSYON. Mabuhay!!!
E N D
Manila Science High school Portfolio in Filipino Dan Louie Renz P. Tating I-Honesty G. F. S. Garcia =Guro= Portfolio-renztating
INTRODUKSYON Mabuhay!!! Narito nanaman tayo sa yugto ng pagandahan ng mga portfoliio at syempre kasama na rin doon ang pataasan ng marka. Hindi nakabase ang iyong marka sa kung ano ang kaantasan mo sa buong klase subalit ito ay nakasalalay sa iyong presentasyon. Nilalaman nito ang mga artifact namin sa buong Ikatlong Markahan. Hindi man mataas ang mga marka ko dito ngunit masasabi ko na malaman ang mga ito. Salamat! ==RENZ P. TATING== Portfolio-renztating
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA………………………….PAMAGAT…………………………… MARKA 1…………………………………………………………………………………….. 2…………………………………Introduksyon…………………..............………. 3…………………………….Talaan ng Nilalaman………..……..............……….. 4…………………………….…..Para Sa Iyo…………………………………...… 5-7………………………….….Artifact Blg. 1……………………………..89% 8-10………………………….…Artifact Blg. 2………………...….……….86% 11-13…………………………....Artifact Blg. 3……………………………..87% 14-16………………………….…Artifact Blg. 4…………………………….92% 17-19…………………………….Artifact Blg. 5…………………….………89% 20……………………………….Puna ng Kapamilya………………………… Portfolio-renztating
PARA SA IYO Nilalaman nito ang mga pinaghirapan kong mga artifact. Hindi ko ito magagawa kung wala ang mga kaibigan ko, na nasa likod ko lamang at ang mga tumatapak sa akin, ang inspirasyon ko, si MVJ, ang pamilya ko at sa Poong Maykapal. Ilalaan ko rin ito sa iyo, aking mambabasa, na pinagsikapang basahin iro. Sana ay masulit ang paghihirap ko. ==RENZ P. TATING== Portfolio-renztating
“Mga Lihim sa Pag-aaral ng Isang Mag-aaral” Ang pag-aaral ay simple lamang kung makiking ka lamang sa guro. Maging ang paggawa ng mga takda ay magiging madali para sa iyo kung hindi ka lamang tatamad-tamad at mahilig sa salitang mamaya muna. Isasaad sa susunod na talata ang sikreto ng isang matagumpay na bata na si Renz. Ang paggawa ng takda ay madali lang sa kanya. Una, sinisigurado niya na maayos ang kaniyang mga gagamitin sa paggawa ng takda niya para bukas. Halimbawa, takda sa Filipino ang paggawa ng unang “artifact” para sa ikatlong markahan. Kaya naman ay ihahanda na niya ang papel, mga panulat, mga pangkulay at iba pang kinakailangan para sa takda. Susunod, sinusunod niya ang mga panuto sa ibinigay na taksa. Halimbawa, ang panuto ay gumawa ng textong expositori prosijural. Sumusunod sa mga panuto upang maiwasanng magkamali sa maaaring bumawas sa marka mo. Tandaan, ingatang maigi ang pinaghirapang takda. Masama ang mangopya. Kaya’t ugaliin natin ang pagiging masinop sa pag-aaral. Sabi nga nila, “aanhin mo pa ang yaman kung wala namang utak?”. Artifact Blg. 1 Portfolio-renztating
Mga Lihim sa Pag-aaral ng Isang Mag-aaral” Nalaman ko ang mga sikreto sa pag-aaral ng mga kamag-aral na mahuhusay. Naabusisi ko rin ang aking sarili kung papaano ako mag-aral. Natutunan ko rito ang pag-aaral ay mahalaga sa isang tao. Refleksyon Portfolio-renztating
Mga Lihim sa Pag-aaral ng Isang Mag-aaral” Kapag nagsimula na ang Ika-apat na Markahan ay pagbubutihan ko ang aking pag-aaral upang makapasok ako sa Top Ten sa Filipino. Sana ay makamit ko ito. Isa pa ay ang pagpupursigi ko upang makamit ko ang aking mga mithiin. Ito na lang Sana Goal Setting Portfolio-renztating
“Kahalagahan ng Wikang Filipino” Tayo ang nagsasalita ng wikang Filipino. Ito man ay mahirap intindihin sa mga banyaga, ito ang sumisimbolo sa atin. Maging ito ay ginagamit nating pangaraw-araw na wika. Ginagamit ba natin ito nang tama? Paano kaya ito naging ang pambansang wika natin? Ipinagtibay ito ng isang pangulo ng Unang Republika. Si Manuel L. Quezon ang nagtibay nito. Mahalaga ba ang paggalang dito?Oo, dahil ito ay ang ipinaglaban ng ating mga bayani laban sa mga dayuhan. Ang wikang ito ay tinaguriang pambansa. Bakit? Ito kasi ay ibinatay sa wikang Tagalog. Ito ay madaling matutunan. Basta ba’t mag-aral ka nang mabuti. Mahalaga ito sa atin dahil ito ang isinasambit nating wika araw-araw. Ito ay itinuturo sa mga banyagang bumibisita sa ating bansa kahit hindi ito magandang pandinig sa mga taga-ibang bansa. Ito ang wika ng mga Pilipino na ginagamit ng mas maraming Pilipino. Alam mo ba kung bakit? Ito kasi ay madaling intindihin sa ating mga kapwa Pilipino. Kaya’t irespeto ang wikang Pilipino dahil kung wala ito, hindi tayo magkakaintindihan. Artifact Blg. 2 Portfolio-renztating
“Kahalagahan ng Wikang Filipino” Mayroon din palang mga pagkakamali sa paggamit ng Wikang Filipino sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Simple lang ang paggamit dito ngunit marami pa rin ang mali rito. Mabuti pa ang paggamit natin sa Ingles, laging tama, hindi ba? Refleksyon Portfolio-renztating
“Kahalagahan ng Wikang Filipino” Mababa ang marka ko rito dahil sa mga maling pagkakabaybay ng mga salitang tulad ng ‘ng’ sa ‘nang’ at ang malaking titik sa wikang Filipino. Sisiguraduhin ko na tama na ang baybay nito sa susuunad. Goal Setting Ito na lang Sana Portfolio-renztating
“Isang Mabait na Bata” Ang bida sa istorya na ibabahagi ko sa inyo ay ang batang mabait na si Renz. Ano ba ang mga katangian niya na masasabi nating angkop sa kabaitan. Isa siyang simplenmg bata na isa sa mga supling nina Malou at Dan. Siya ay may nakakabatang mga kapatid na sina Igi at Gelo. Kapwa rin sila na mabait at magalang. Namumuhay sila bilang isang masayang pamilya sa Bacoor, Cavite na siya ring kinatitirikan ng bahay ng kanilang lola at tita. Isa rin si Renz. Sa mga batang mapalad na nabigyan ng pagkakataon na makapagaral sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila. Simpleng tao lamang siya kaya naman ay may simpleng pangarap din siya sa buhay. Ito ay ang makatapos ng medisina sa kolehiyo at makatulong sa kanyang mga magulang at sa pamilya niya. Sa kagustuhan ng pamilya niya ay tila mauunsyame ang pagiging doktor niya dahil mas gusto nila na maging nars si Renz. Ipinangako rin naman niya na pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral para makapagtapos siya ng cum laude sa kolehiyo. Nakahiligan din niya ang paglalaro ng badminton at panood ng telebisyon. Ang sikreto niya sa pag-aaral ay ang pagbabasa ng samu’t saring babasahin at pagiging aktibo sa mga organisasyon pang-akademikal. Artifact Blg. 3 Portfolio-renztating
“Isang Mabait na Bata” Ang pagiging mabuti sa kapwa ay mahalaga dahil kung ano ang ibinibigay mo sa kapwa mo ay siya ring babalik sa’yo. Maging ang pagtulong sa kapwa ay gawin upang maging kasiyasiya sa tingin ng iba. Refleksyon Portfolio-renztating
“Isang Mabait na Bata” Mali nanaman ako sa gamit nagsalita sa Filipino. Mali ang gsmit ko sa mga pang-angkop tulad ng ‘na’ at ‘nang’. Tulad ng dati ay sisikapin kong huwag nang magkamali rito. Goal Setting Ito na lang Sana Portfolio-renztating
Pwede bang ulitin mo Yung aralin sa Agham Kasi medyo naguguluhan ako Sa pagtalakay mo… ‘Wag kang mag-alala Makikinig na ‘ko Kung ‘di man nakikinig ang iba ‘Wag nang pilitin pa Ang aralin na ito Sana Makatulong Sa pangarap kong maging doktor Ang gurong ito Ay si Gng. Red Kasi siya ay mabait at masipag Pwede bang wag ka nang Magbago ng ugali Sa paghihintay ng mga araling Ituturo mo At wag kang magtatakang Kung ako’y biglang makita Na nag-iisa..nag-aaral ng asignatura Nagpapasalamat sa iyo Sa tulong na naidulot mo Makayanan ko sana ‘to At pwede ba...pwede ba? Hango sa kantang “Pwede ba” ng “Soapdish” “Pwede Ba?” Artifact Blg. 4 Portfolio-renztating
“Pwede Ba?” Sa artifact namang ito ay nalaman ko ang mga kamag-aral ko naa mahusay umawit. Nalaman ko rin ang mga paboruto nilang mga guro. Naiinis lamang ako sa mga taong ginawang paborito ang gurong iyon upang sumipsip o sumikat. Ito ay sa palagay ko laamang. Refleksyon Portfolio-renztating
“Pwede Ba?” Ngayon ay humuhusay na ako sa pagdidisenyo ng mga proyekto ko. Gagawin ko pang maayos ang mga gawain ko nang tumaas ang marka ko rito. Ito na lang Sana Goal Setting Portfolio-renztating
“Ang Engkwentro sa Bus” Tapos na naman ang isang araw sa paaralan. Hinihintay ko ang kaibigan ko na taga-Tondo dahil siya ay uuwi sa Cavite upang bumisita sa kanyang mga magulang doon. Masuwerte kami dahil nakasakay kami sa maluwag na bus. Pinili namin na maupo sa dulong parte ng bus. Nagkuwe-kuwentuhan kami tungkol sa unang linggo sa paaralan nang biglang huminto ang bus upang magsakay ng pasahero sa Malvar. Sila ay dalawang matanda na halat namang mag-asawa. Naupo rin sila sa hanay ng pinag-kakaupuan namin. Tahimik ang biyahe hanggang Baclaran nang biglang nagtanong ang matandang lalake. “Boy, saan kayo nag-aaral?”, tanong niya. Nahihiya akong sumagot sapagkat hindi naman kami magkakilala. “Sa Manila Science po”, sagot ng aking kaibigan. Nahalata ko na parang mag=isang nagsasalita ang matanda at muling siyang nagtanong. “Ilang 9 mayroon sa isa hanggang isang daan?” tanong niyang muli. “Dalawampu po”, pahiya kong tugon. Sinabi ng matanda na mali ang aking sagot. Nagtaka kami kung bakit kami nagkamali ng sagot. Hindi na rin kami nagsalita dahil sa hiya. “Napakagalang niyo naman.” ssambit ng asawa ng matanda. “Salamat po”,tugon naman naming dalawa. Artifact Blg. 5 Portfolio-renztating
“Ang Engkwentro sa Bus” Dahil sa artrifact na ito ay natuto akong gumawa ngg isang tamang anekdotang pansarili. Sinabi ni G. Sensitivo na kailangang may mainam na paninmula at pangwakas. Dapat din daw na may maiksing katawan ito. Nalaman ko rin na kailangan din pala tayo maging magalang sa lahat ng oras. Refleksyon Portfolio-renztating
“Ang Engkwentro sa Bus” Sa susunod na markahan ay sisiguraduhin ko ang tamang pag-gamit ng Wikang Filipino tulad ng tamang gamit at baybay sa mga salitang tulad ng nagkukuwentuhan at mag-isa na maaaring makabawas sa marka mo. Goal Setting Ito na lang Sana Portfolio-renztating
PUNA NG KAPAMILYA SaRaH TaTiNg--PiNsAn Sa aking napuna, malaki ang ipinagbago ng aking pinsan sa paggawa ng kanyang mga proyekto. Nakikita kong buo ang kanyang loob na matapos at mapagbuti ang kanyang mga gawain lalo na sa kanyang pag-aaral. Alam ko na maaring makakuha siya ng mataas na marka at sana’y ipagpatuloy niya ang pagiging masipag at masinop. Portfolio-renztating