360 likes | 979 Views
POP QUIZ. Batay sa pamagat, tukuyin kung anong uri ng tula ayon sa kaanyuan nito ang mga sumusunod:. HULING PAALAM a. tulang pasalaysay b. tulang pandulaan c. tulang pandamdam d. tulang sagutan. TUMPAK!!!.
E N D
Batay sa pamagat, tukuyin kung anong uri ng tula ayon sa kaanyuan nito ang mga sumusunod:
HULING PAALAM a. tulang pasalaysay b. tulang pandulaan c. tulang pandamdam d. tulang sagutan
TUMPAK!!! Ang tulang Huling Paalam ay obra-maestra ni Dr. Jose Rizal, at sinulat niya ito nang siya ay nasa bilangguan, sa bisperas ng kanyang kamatayan.
2. KUMINTANG a. tulang pandamdam b. tulang pasalaysay c. tulang sagutan d. tulang pandulaan
MAHUSAY!!! Ang tulang Kumintang ay isang awit sa pakikidigma, bilang pampasigla sa mga kawal.
3. HUDHUD AT ALIM a. tulang sagutan b. tulang pandamdam c. tulang pandulaan d. tulang pasalaysay
MAGALING!!! Ang Hudhud at Alim ay ang epiko ng mga Ifugao.
4. SA PULA, SA PUTI a. tulang pandulaan b. tulang sagutan c. tulang pasalaysay d. tulang pandamdam
MAY TAMA KA!!! Ang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Rodrigo ay kinagigiliwan ng mga manonood noong panahon ng mga Hapon, dahil sa tema nitong may kaugnayan sa bisyong pagsasabong na pamilyar sa buhay ng mga Pilipino.
5. SINO ANG HIGIT NA MAKATUTULONG SA MAMAMAYAN—MAGSASAKA,GURO O MANGGAGAMOT? a. tulang pandulaan b. tulang sagutan c. tulang pasalaysay d. tulang pandamdam
KOREK…!!! Ito ay akda ni Francisco Balagtas.
6. KUNDIMAN a. tulang sagutan b. tulang pandamdam c. tulang pandulaan d. tulang pasalaysay
TUMPAK!!! Ang tulang Kundiman ay isang awit sa pag-ibig na maaaring sumaklaw sa pag-ibig sa bayan, sa taong minamahal, sa pamilya, sa kapwa tao, atbp.
7. MOSES! MOSES! a. tulang pandamdam b. tulang pasalaysay c. tulang sagutan d. tulang pandulaan
TAMA…!!! Ang tulang Moses! Moses! ni Rogelio Sikat ay naglalarawan ng realidad sa ating kasalukuyang lipunan. Umiiral dito ang tagilid na katarungan sa ating bansa.
8. LABING-DALAWANG SUGAT NG PUSO a. tulang pandamdam b. tulang pasalaysay c. tulang sagutan d. tulang pandulaan
MAHUSAY!!! Ang tulang Labing-Dalawang Sugat ng Puso ni Francisco Balagtas ay kababanaagan ng mga karanasan ng mga taong sawi sa pag-ibig.
9. MALUNGKOT NA HAPON a. tulang pasalaysay b. tulang pandulaan c. tulang pandamdam d. tulang sagutan
MAGALING!!! Ang tulang Malungkot na Hapon ni Vicente Llanes ay kababanaagan ng personal na emosyon ng makata tungkol sa karaniwang nagiging wakas ng mga bagay-bagay sa mundo.
10. MGA HINAGPIS NG ISANG INA a. tulang pandamdam b. tulang pasalaysay c. tulang sagutan d. tulang pandulaan
BINABATI KITA…NAKUHA MO ANG TAMANG SAGOT… Ito ay isang tulang nagpapa-antig sa ating mga puso at ipinapahayag dito ang mga sakripisyo ng ating mga ina.