450 likes | 2.77k Views
Kab. 2 – Pinagkukunanang Yaman. Aralin 5. YAMANG TAO. Isa sa mahalagang elemento ng isang bansa ay ang mga tao.
E N D
Kab. 2 – Pinagkukunanang Yaman Aralin 5 YAMANG TAO
Isa sa mahalagang elemento ng isang bansa ay ang mga tao. • Ang mga tao ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa pag-unlad ng isang bansa. Sila na gumagamit ng mga talino, kakayahan, kasanayan, abilidad, at lakas sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na yaman. • Ang yamang tao ay lumilinang ng mag likas na yaman ng bansa upang matamo ang kapakinabangan ng mga ito.
Sa isang bansa na salat sa likas na yaman tulad ng Hapon, ginagamit ang yamang tao upang makamit ang pag- unlad. • Ito ay lubhang mahalaga sa bansa. Kapag binanggit ang yamang tao, lagi itong iniuugnay sa populasyon at lakas paggawa. • Mahalaga ang pag-aaral ng populasyon upang magkaroon ng maayos at epektibong planong pang-ekonomiya ang pamahalaan na makatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng mga tao.
Populasyon ng Pilipinas • Tinatayang nasa 85 milyon ang populasyon ng bansa. • Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan ng paglaki ng bilang ng kailangang pakainin, damitan, at pag-aralin ng mga naghahanapbuhay.
Sinusukat ng Dependency Ratio ang bilang ng tao na umaasa sa mga taong naghahanapbuhay. mahigit sa 64 taon + wala pang 14 taon Dependency = Ratio bilang ng may hanapbuhay + di- sapat na hanapbuhay
Ang paglaki ng populasyon ay makukuwenta sa paraang ito: Populasyon(kasalukuyang taon) - Populasyon(nakalipas na taon) Paglaki ng = X100% Populasyon Populasyon(nakalipas na taon)
Inaalam ang densidad ng populasyon, ang bilang ng tao na naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado sa pamamagitan ng paggamit ng pormulang ito: Populasyon Densidad ng = Populasyon Laki ng Lupain
Ang malaking populasyon ay maaaring maging salik ng pagsulong at pag-unlad ng bansa. • Ito ang nagsisilbing potential market ng isang ekonomiya. • Ayon sa pananaw ng isang ekonomista na si Simon Kuznets, ang malaking populasyon ang pinanggagalingan ng maraming lakas paggawa ay mahalaga sa bansa.
Teorya ukol sa Populasyon • Teorya ni Malthus - ito ay nagpapahayag na ang populasyon ay mas mabilis lumaki kaysa sa supply ng pagkain. - ang teoryang ito ay ayon kay Thomas Robert Malthus, isang pari na sumulat ng aklat na “An essay on the Principle of Population” noong 1800. - ito ang nagbigay daan upang magising ang mga tao sa katotohanang may mabuting maidudulot ang mabils na paglaki ng populasyon.
Microeconomics Theory of Fertility - ang mga katangian ng tao bilang konsyumer ay maiuugnay sa teoryang ito ng populasyon. - ang katangiang ito ang ginagamit ng mag-asawa sa pagdaragdag ng mga anak. - malaki ang maitutulong ng pamahalaan upang masugpo ang mabilis na paglaki ng populasyon sa bansa sa pagsasagawa ng mga hakbanging tulad ng:
Edukasyon para sa mga babae - upang matutuhan ang mga kaalaman at kasanayan na kakailanganin sa kanilang paghahanapbuhay at maunawaan ang masamang epekto sa katawan ng pagkakaroon ng maraming anak. • Pagpapalaganap ng Tamang Impormasyon - mahalagang mabatid ng bawat tao ang kabutihan ng pagkakaroon ng kaunti o maraming anak sa pamumuhay at ekonomiya ng bansa.
Pagkakataon na Magkaroon ng Hanapbuhay at Sapat na Kita - ito ang makakatulong sa mga magulang na magkaroon ng pagkakataon na maglibang at pagtuunan ng pansin ang ibang bagay. • Pagbawas ng Infant Mortality - ang pagkamatay ng mga sanggol ay magagawang maiwasan o mabawasan kung pagtutuunan ng pansin ang kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan.
Pagkakaloob ng Insentibo sa Kakaunting Anak - tulad ng ginagawa sa ibang bansa, ang pamahalaan ay maaaring magbigay ng insentibo sa mag-asawa na1-2 lamang ang anak upang sa ganoon ay mahikayat sila na di-magdagdag nang magdagdag ng anak.
Aralin 6 KALAGAYAN NG LAKAS PAGGAWA
Ano ang lakas paggawa? • ang lakas paggawa o labor force ay mga tao na may edad 15 pataas na may sapat nang lakas, kasanayan, at maturity upang aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksiyon ng bansa. • ang di-kabilang sa lakas paggawa ay yaong mga tao na di-aktibong kalahok sa produksiyon kahit sila ay may edad 15 pataas.
Labor Force Participation Rate (LFPR) • ito ang proporsiyon ng mamamayan na aktibong kalahok sa produksiyon ng bansa. Labor Force LFPR = X 100% Working Age Population
Tatlong sitwasyon na kinakaharap ng lakas paggawa: • Employment - ito ay sitwasyon na kung saan ang mga lakas paggawa ay may mapapasukang trabaho. Employed Employment Rate = X 100% Labor Force
Unemployment - ito ay sitwasyon na ang mga manggagawa ay walang mapasukang trabaho kahit may sapat na kakayahan at edukasyon. Unemployed Unemployment Rate = X 100% Labor Force
Underemployment - ito ay sitwasyon na ang mga manggagawa ay may di-sapat na trabaho. - ang mga underemployed ay nagtatrabaho nang di-naaangkop sa kanilang kasanayan at pinag-aralan. Underemployment Rate Underemployment = X 100% Employed
Solusyon sa Underemployment at Unemployment • Labor Export - ang pagbubukas ng pinto para sa mga trabaho ng ating manggagawa sa ibang bansa ay malaking tulong sa ating ekonomiya. - isang pagkakataon ito para sa ating mga manggagawa na mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya dahil sa mataas na sahod na kanilang tatanggapin.
- sa ganitong sitwasyon ay dumaranas ang bansa ng brain drain at brawn drain. • Brain drain – ang pagtatrabaho at paninirahan ng ating mga propesyonal sa ibang bansa. • Brawn drain – ang pagtatrabaho ng ating mga manggagawa na may kaalamang bokasyonal at teknikal sa ibang bansa.
Paglinang sa Lokal na Pinagkukunan - ang pagpapanatili ng daloy ng produksiyon ay mahalaga sa isang bansa. - upang matiyak ang patuloy na takbo ng produksiyon sa loob ng bansa kahit magkaroon ng suliranin sa pandaigdigang kalakalan ay kailangang linangin ang lokal na pinagkukunan ng mga materyales sa paglikha ng mga produkto ng mga industriya.
Pagdaragdag ng Gastos ng Pamahalaan para sa mga Proyekto - ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastruktura ng pamahalaan at pagbibigay suporta sa mga proyekto ng mga pribadong sektor. - ito ay isang paraan upang maisagawa ang pump priming ng ekonomiya.
John Maynard Keynes - tinaguriang Father of Modern Employment Theory - ayon sa kanya, ang pamahalaan ay may responsibilidad na pagkalooban ng trabaho ang mga manggagawa.
Paghikayat sa mga Mamumuhunan - ang mga namumuno sa pamahalaan at maging sa pribadong sektor ay kailangang magaling na salesmen upang mahikayat ng mga mamumuhunan o imbestor sa ating bansa.
Produktibong Manggagawa • Kalusugan - higit na kailangan ng mga manggagawa na maging malusog upang ang pagganap sa kanilang tungkulin ay magagawa nila nang maayos.
Edukasyon - ito ay mahalaga sa paglinang ng kakayahan, kasanayan, abilidad, talino, at pag-uugali ng mga tao. Literacy Rate – kakayahan ng mga mamamayan na bumasa at sumulat.
- binigyang pansin ng bagong kurikulum na Basic Education Curriculum (BEC) ang pagtuturo ng life skills sa mga mag-aaral. - binigyang pansin din ang Ladderized Education Program (LEP) sa pamamagitan ng tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kung saan lilinangin ang kakayahan at kasanayang teknikal at bokasyonal ng mga manggagawa.
Kapital at Makabagong Teknolohiya sa Bawat Manggagawa - sa tulong ng edukasyon, ang mga manggagawa ay natututo ng mga kaalaman at kasanayan sa paggamit ng makabagong makinarya na ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
Ang pagiging produktibo ng bawat manggagawa, mental, o pisikal man ay mahalaga sa ating ekonomiya, kahit pa ang pinasukang trabaho ay white collar job, ito ay paggamit ng kakayahan ng isip sa paggawa, o kaya ay blue collar job, ito ay ang higit na paggamit ng lakas ng katawan sa paggawa. Nararapat na ang mga manggagawa ay maging produktibo at kapaki-pakinabang.