340 likes | 766 Views
What Does The Cross Mean For You? A Sermon Delivered at Dasmariñas Church of Christ January 3, 2010. Ephesians 2:11-22. Today is the first Sunday of the month of January 2010. January is named after Janus (Latin: “Ianuarius”), the pagan god of the doorway. Doorway is from the Latin “ianua.”
E N D
What Does The Cross Mean For You?A Sermon Delivered at Dasmariñas Church of ChristJanuary 3, 2010. Ephesians 2:11-22
Today is the first Sunday of the month of January 2010 • January is named after Janus (Latin: “Ianuarius”), the pagan god of the doorway. • Doorway is from the Latin “ianua.” • Janus is the god of the gates, of the doorway, and as such he is also pictured as a god with two faces. • He is the god who looks backward and looks forward, who looks behind him and looks before him.
Ang Enero ang magandang panahon sa pagmumuni-muni. • Sa mga kahirapang pinagdaanan natin. • Sa mga kapalpakang nagawa natin. • Sa mga bagay na dapat sana nating gawin at hindi natin nagawa. • To others, last year was the year when the bubble burst, panahon nang pumutok ang mga bula ng mga pangarap natin, at nadiskubre po natin na ang mga nahahawakan natin ay hindi niya po kayang proteksyonan tayo.
Para tayong nahubaran ng damit, at nakakrusimano, nakakrus ang mga kamay, at naghihintay ng paghuhukom ng kapalaran. • Naputolan tayo ng support. • Si Bill Gates, ang may-ari ng Microsoft, ay hindi na po ang pinakamayamang tao sa buong mundo. • Ang bahay na pangarap ng iba ay inilit ng bangko dahil hindi nakabayad. • Ang iba naman ay hinabol ng kanilang mga inutangan, may kasamang trak at sheriff.
Humaharurot ng takbo yong trak at abot tainga ang ngiti ng sheriff. Naubos kasing hinakot ng trak ang lahat ng gamit mo-- pambayad sa utang mo. • Ang taong parang pader na sinasandalan natin ay binawi ng Dios. Nang nawala yong pader, ang iba ay tila babagsak pa, ngunit ang iba ay talagang bumagsak na.
Ano kaya ang larawan nga Dasmariñas noong panahon ni Corporal Luis Javier? • Si Luis Javier po ay isang corporal sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo. • Habang nakatutok ang mga kanyon ni Admiral George Dewey diyan sa Manila Bay, nananalo naman ang mga Indio laban sa mga Kastila. • Idineklara ni Hen. Aguinaldo ang bagong Republika ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. • Noong panahon na yaon, ang sarap sigurong awitin ang “Lupang Hinirang”!
Ngunit nahuli ng mga Kano si Hen. Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela. • Noong hinuli na ang presidente ng Bagong Republika ng Pilipinas, ano kaya ang nararamdaman ni Corporal Luis Javier? • Nararamdaman niyang hindi pa tapos ang laban, ngunit gusto na rin po niyang bumalik sa normal ang kanyang buhay. • This time, ang kanyang laban ay laban sa kahirapan. So siya ay nakahanap ng trabaho bilang isang blacksmith doon sa Sangley Point, na naging naval base ng mga Kano.
Sa kanyang laban laban sa pagkawala ng hustisya ay tumulong din siya sa paglalampaso ng Hare-Hawes-Cutting Act, na nagbibigay nga ng kasarinlan sa bansang Pilipinas ngunit nagbibigay din ng karapatan sa mga Kano upang magkaroon ng base militar at magmamay-ari ng ating mga lupain. Magiging squatter tayo sa ating sariling bayan, ika nga nila. • Nanalo sila sa labang yaon. Ang Hare-Hawes-Cutting Act ay pinalitan ng Tydings-McDuffie Act na nagbibigay ng taning tungkol sa base militar ng America at sa kanilang pag-aari ng lupa sa Pilipinas.
Sa kunting English na kanyang natutunan ay maaring namura ni Corporal Luis Javier ang boss na Kano dahil pinagbintangan siya sa isang bagay na hindi niya nagawa. Nanalo din siya sa labang yaon. • Life started to become normal to Corporal Luis Javier. Umalis nga siya sa Sangley Point, nakabili naman siya ng lupa sa Dasmarinas, and settled for a life as family man, nagkaroon ng mga anak na sina Juan, Resurreccion at Gloria.
Iniwan ni Corporal Luis Javier ang relihiyon na kanyang kinagisnan at naging isa siyang Presbyterian. • Iniwan niya rin ang iglesiang Presbyterian dahil natalo siya sa debate. Ngunit sa totoo lang, ang kanyang pagkatalong yaon ay isa ring pagkapanalo. Naging isa siyang Disciples of Christ. • Sa pagbabago ng religious landscape ng Pilipinas, ang dalawang anak ni Corporal Javier, sina Resurreccion Javier-Hembrador at Gloria Javier-Sico, ay naging kasapi na rin ng iglesia ng Panginoon. Corporal Luis Javier and his son Juan Javier lived and died as Disciples of Christ.
Unang nating pasalamatan si Juan Javier, kapatid ni Gloria Javier-Sico. He attended that meeting in Bajac-Bajac and got into contact with a Church of Christ missionary. • Pasalamatan natin yong Kano na nangaral doon sa Bajac-Bajac. He had a tract sent to the Javiers, more especially to Gloria Javier-Sico, whose curiosity in religion was aroused. • Pasalamatan natin si brother Ralph Brashears who sent the tract to sister Gloria Javier-Sico
Pasalamatan natin si brother Jimmy Mendoza. While in Guam, he had attended a church of Christ, heard their teachings, brought home to Dasma some their tracts that moved the Disciples of Dasma to change. • Pasalamatan natin si brother A. G. Hobbs dahil sa kanyang tracts (“Origin of Denominations” and “Safe or Sorry”) which moved the Dasma brethren to change.
Pasalamatan natin ang iglesia sa Guam for having nurtured brother Jimmy Mendoza while he was there. • Pasalamatan natin ang PBC sa Pi y Margal. The workers here nurtured the brethren in Dasma, and were instrumental in completing their change. • Let us thank brother Paulino Garlitos for helping to build up the Dasma Church in the faith.
Pasalamatan natin ang mga Kano na missionaries—Bob Buchanan, Ken Wilkey, Douglas LeCroy, Bill Cunninghan, Ray Bryan– who came to Dasma and helped nurture the brethren there • Pasalamatan natin ang PBC Baguio for having trained some of the youths of Dasma. Neph Sico the present preacher has been trained there. • Pasalamatan natin lalung-lalo na ang Dios na Maykapal! It was he who moved all things in the world for a church to be carved out in Cavite!
As the past life goes behind us, the apostle Paul too reminds the Gentiles what they have been. • Doon sa teksto na binasa kanina ng ating kapatid na Ed Silva, the apostle Paul reminded the Gentiles of the cross as their point of reference. • All lives must be considered with the cross as the point of reference. • What were we before the cross? What are we after the cross?
Before the coming of the Christ and before the advent of the cross, what were we? • Ephesians 2:11-12. • Naging wala tayong kwenta, masyado tayong minamaliit (v. 11). • Hiwalay tayo sa tunay na Cristo (v. 12a). Ang Cristong alam natin dati ang iyong Cristong isinisilang tuwing Dec. 25 at namamatay tuwing Biyernes Santo, isinasakay sa kariton at ipinaparada sa buong bayan.
Di tayo kabilang sa bansang Israel (v. 12b). Hindi tayo kasama sa bansang pinagpala ng Dios. • Kung tungkol sa mga tipan ng pangako ng Dios, mga taga-ibang bansa tayo (v. 12c). • Kung tungkol sa buhay na walang hanggan, wala tayong pag-asa (v. 12d). • May dios din tayong sinamba, ngunit iyon ay hindi tunay. Wala tayong Dios noon (v. 12e).
Think of your life before the real Jesus came to your life • Naging lasenggo tayo. • Nagnanakaw tayo. • Nagmumura tayo. • Nagsisinungaling tayo. • Mainitin ang ating ulo, at isang milimetro lang ang haba ng ating pasensya. • Umaasang tayong papasok sa langit na hindi rin pala, dahil nadenggoy tayo.
Hindi tayo naging mabuting asawa. • Hindi tayo naging mabuting ama. • Hindi tayo naging mabuting kapatid sa ating mga kasambahay. • Hindi tayo naging mabuting anak. • Sa negosyo, nanlalamang tayo. • Ang ordinaryong buhay natin ay kumain, matulog at magparami, at bahala na ang bukas.
Paradoxes of our times(from an anonymous writer) • “We have taller buildings, but shorter tempers; wider freeways, but narrower viewpoints; we spend more, but have less; we buy more, but enjoy it less. • “We have bigger houses and smaller families; more conveniences, but less time. We have more degrees, but less sense; more knowledge, but less judgment; more experts, but more problems; more medicine, but less wellness.
“We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often. We've learned how to make a living, but not a life; we've added years to life, not life to years.
“We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet the new neighbor. We've conquered outer space, but not inner space. We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've split the atom, but not our prejudice. We have higher incomes, but lower morals. We've become long on quantity, but short on quality.
“These are the times of tall men and short character; steep profits and shallow relationships. These are the times of world peace, but domestic warfare; more leisure, but less fun; more kinds of food, but less nutrition. These are days of two incomes, but more divorce; of fancier houses, but broken homes.
Nang dumating ang Cristo sa ating buhay, naging ano tayo? • Ephesians 2:13-22. • Inilapit tayo sa kanyang dugo (v. 13). • Pinag-isa tayo sa kanyang bayang Israel (v. 14a). • Nagkaroon na po ng kapayapaan sa pagitan natin at ng ating Panginoong Dios (v. 14a). • Giniba Niya ang pader na nakapagitan sa atin, na nagpapahiwalay sa atin at sa kanyang sinaunang bayan (v. 14b).
Inalis niya ang alitan sa gitna natin at ng kanyang sinaunang bayan (v. 15a). • Ginawa niya tayong lahat bilang isang bagong tao (v. 15b). • Ginawa niya ang lahat ng ito sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus (v. 16). • Pagkatapos ng insidente sa Calvario, ipinangaral po niya ang kapayapaan para sa lahat, malayo man o malapit (v. 17).
Binigyan tayo ng access patungo sa Ama sa pamamagitan ng banal na Espiritu (v. 18). • Hindi na tayo mga taga-ibang lupa (v. 19a). • Hindi na tayo mga manlalakbay (v. 19b). • Tayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal (v. 19c.). • Tayo’y sangbahayan ng Dios (v. 19d).
Magmunimuni tayo sa ating nakaraan • Kung paano nagsikap ang Dios na maipasok tayo sa kanyang sangbahayan. • Alalahanin po natin na tayo ay bagong tao. • Ang lumang tao ay naipako na, namatay na, nailibing na. • Bawat taon po natin sa mundo ay panahon ng pagbabago, ng pagiging mabuting tao.
Pagsikapan po natin na • Magiging mabuting asawa • Magiging mabuting ama • Magiging mabuting anak • Magiging mabuting lolo at lola • Magiging mabuting apo • Magiging mabuting kapitbahay • Magiging mabuting mangangaral • Magiging mabuting estudyante • Magiging mabuting empleyado • In short, ang magiging mabuting anak ng Dios
Our hatred should be replaced by love. • Our carelessness in talks, habits, acts and ways, and dealings with men should be replaced with carefulness, with care and caring. • Our indifference should be replaced with spiritual motivation. • Our unforgiving spirit should be replaced by forgiveness.
Our life on earth is a kind of training for the life hereafter. • Kung hindi po tayo makakapasa sa exams ng Panginoon dito sa mundo, di po tayo makaka-graduate. Iisang degree lang po ang pinagsisikapan nating tapusin, iisang diploma lang po ang pinagsisikapan nating maangkin.
May katapusan din po ang lahat ng ito • Ang paghihirap natin. • Ang pagsisikap sa mundong ibabaw • Ang pag-aaral natin. • Ang pagkakataong gumawa ng mabuti at paggawa ng masama • Look back at your old year not with longing but with a fresh view of what is ahead. The year ahead should be better.
Maraming salamat po! • Summary of the lessons.