160 likes | 643 Views
Mario, bakit napakarumi ng silid mo?. Inay, nilinis ko na po iyan. Kalilinis ko nga lang po kaninang umaga. Tuwing kailan mo ba nililinis itong kwarto mo?. Nililinis ko po ito tuwing ikalabinlima ng buwan.
E N D
Mario, bakit napakarumi ng silid mo? Inay, nilinis ko na po iyan. Kalilinis ko nga lang po kaninang umaga.
Tuwing kailan mo ba nililinis itong kwarto mo? Nililinis ko po ito tuwing ikalabinlima ng buwan.
Tuwing ikalabinlima ng buwan?! Aba’y dapat linggo-linggo man lang ay nililinis mo itong silid mo. Opo, Inay. Lilinisin ko na po ang silid ko.
nilinis nililinis LINIS kalilinis lilinisin
Aspekto ng Pandiwa Ang aspekto ng pandiwa ay nagsasaad kung naganap na o hindi pa ang kilos, kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin, o ipagpapatuloy pa ang pagganap.
Aspekto ng Pandiwa • Aspektong Pangnagdaan o Perpektibo - Aspektong Perpektibong Katatapos • Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo • Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo
Aspektong Pangnagdaan o Perpektibo -nagsasaad ng kilos na natapos na • Umiyak ang sanggol kagabi. umiyak = um + iyak • Naglaba si nanay ng mga damit. naglaba = nag + laba • Natulog kami nang maaga. natulog = na + tulog • Tinanggal na niya ang mga gamit mo. tinanggal = in + tanggal
Aspektong Pangnagdaan o Perpektibo • Aspektong Perpektibong Katatapos – nagsasaad na maikling panahon pa lamang ang nakalipas nang mangyari ang pagkilos Kagigising ko lamang nang dumating ang mga bisita. kagigising = ka + ulitin ang + gising unang pantig ng salitang-ugat
Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo -nagsasaad ng kilos na naumpisahan ngunit patuloy na ginagawa at hindi pa tapos • Ang mga manika ay binibihisan ni Juliet. binibihisan = in + ulitin ang + bihis unang pantig ng salitang-ugat • Naglalaro si Romeo ng basketbol tuwing Sabado. naglalaro = nag + ulitin ang + laro unang pantig ng salitang-ugat
Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo -nagsasaad ng kilos na hindi pa nauumpisahan • Tatakbo si Lukas sa karera bukas. tatakbo = ulitin ang + takbo unang pantig ng salitang-ugat • Magtatanim si Mang Teryo ng petsay sa kanyang bakuran. magtatanim = mag + ulitin ang + tanim unang pantig ng salitang-ugat