90 likes | 415 Views
Ang Jeep at Bus Hihingi na Itaas ang Pamasahe. Ang mga Jeep at Bus ay magpipitisyon sa L.T.F.R.B. na itataas ang pamasahe ng Php 1.50 sa unang 4 kilometro sa jeep at Php 2.00 sa unang 5 kilometro sa bus dito sa Metro Manila.
E N D
Ang mga Jeep at Bus ay magpipitisyon sa L.T.F.R.B. na itataas ang pamasahe ng Php 1.50 sa unang 4 kilometro sa jeep at Php 2.00 sa unang 5 kilometro sa bus dito sa Metro Manila.
Kapag naaprobahan, ang “minimum” na pamasahe ay magiging Php 9.00 sa Jeep at Php 10 sa Bus. Ang mga Taxi ay balak ding magpipitisyon na itaas ng Php 15.00 ang minimum na pamasahe.
Ang mga Air-con Bus na nagbibiyahe para sa probinsya ay humihiling ding itaas ng Php 0.25 sa bawat kilometro. Ang dahilan ng pagtataas ng pamasahe ay ang pagtataas ng presyo ng Diesel at Gasolina.
Mula Hunyo, ang Diesel ay tumaas ng Php 6.00 bawat litro. Dati, katumbas ng 20% sa “overhead cost” ng driver o operators ang diesel o gasolina nguni’t sa ngayon ito ay umabot na sa 40% dahil sa sobrang mahal ng presyo nito
Bakit napili ko itong balita ? • Mahalaga sa lahat ng tao mayaman man o mahirap ang pagtaas ng pamasahe dahil ito ay laging basehan ng pataas ng presyo ng mga bilihin at sweldo ng mga tao.
Bilang mamamayan, dapat tayo maging “aware sa “impact ng global oil crisis” upang tayo ay makapaghanda sa darating na panahon.
Bilang isang mag-aaral ako ay dapat matutong magtipid at bilhin lamang ang mga kagamitan na kailangan.
Maraming Salamat Po!!! Maraming Salamat Po!!!