1.34k likes | 3.57k Views
Ikaw at ang Diabetes. Wastong Paggamit ng Asukal ng Katawan. Pagkain (asukal). Peripheral Tissues (Laman at Taba). Atay. Asukal. Pagimbak ng asukal sa atay para gamitin sa ibang oras. Tamang paggamit ng asukal para makagawa ng “energy”. Pancreas. Insulin. Diabetes. Pagkain
E N D
Wastong Paggamit ng Asukal ng Katawan Pagkain (asukal) Peripheral Tissues (Laman at Taba) Atay Asukal Pagimbak ng asukal sa atay para gamitin sa ibang oras Tamang paggamit ng asukal para makagawa ng “energy” Pancreas Insulin
Diabetes Pagkain (asukal) Peripheral Tissues (Laman at Taba) Atay Asukal Tamang paggamit ng asukal para makagawa ng “energy” Labis na paggawa ng asukal Pancreas Kulang o walang insulin na nagagawa
Ano ang diabetes? • Kakulangan ng sapat na insulin • Di wastong pag gamit ng katawan ng insulin
Mga uri ng diabetes Type 1 • Kadalasang nagsisimula sa pagkabata • Halos walang insulin • Kailangan ng ineksiyon ng insulin para mabuhay
Mga uri ng diabetes Type 2 • Mas nakararami ang ganitong uri ng diabetes • Mas madalas na nakikita sa mga matatanda • Mayroong kakulangan at di wastong paggamit ng katawan ng insulin
Paano nagkakaroon ng diabetes? • Namamana • Sobra sa pagkain ng matamis • Sobrang katabaan • Maling “Lifestyle” • sobra kumain/ pagkain ng mataba • sedentary lifestyle • Di alam ang pinagmulan
Sino ang maaring magkaroon? • LAHAT TAYO ay maaaring magkaroon ng diabetes! • Ito ay mas madalas sa mga may edad na 30 taon at pataas • Ang lahing Pilipino ay at risk IKAW ?
Sino ang maaring magkaroon? • Maaaring magsimula ng mas bata (20 taon) kung mayroon ng mga sumusunod: • Katabaan • Kapamilya na may diabetes • Mataas na presyon • Sakit sa puso
Sino ang maaring magkaroon? • Maaaring magsimula ng mas bata (20 taon) kung mayroon ng mga sumusunod: • Sakit sa bato • May nakaraan na problema sa “blood sugar” • Pagsilang sa sanggol na may higit na 3.7 kg o 9 lbs
Anu ano ang mga sintomas ng diabetes? • Maaaring wala • Madami at madalas umihi • Madaling pagkapagod o hapo • Madalas mauhaw
Anu ano ang mga sintomas ng diabetes? • Matakaw sa pagkain • Biglang taas ng timbang • Pagkapayat • Panlalabo ng mga mata
Anu ano ang mga sintomas ng diabetes? • Pangangati ng balat • Pagkaramdam na mayroong “gumagapang” sa balat, binti o braso • Pamamanhid ng binti, paa, braso o kamay
Anu anong mga sintomas ng diabetes ang pinapakita sa larawang ito?
Paano mo malalaman kung ikaw ay may diabetes? • Magpatingin sa doktor • 30 taon at pataas= bawat ikatlong taon • 20 taon at pataas kung may mga bagay na magpapaaga ng diabetes • kung may nararamdaman o may mga sintomas
Paano mo malalaman kung ikaw ay may diabetes? • Magpasukat ng asukal sa dugo
Mga komplikasyon na dulot ng diabetes • Laganap sa buong katawan Stroke • Mata • Puso at ugat • Bato o • kidney • “Nerves” Pagkaputol ng paa
Ano ang normal na blood sugar? ADA. Diabetes Care, 2003; 26 (suppl 1): S28-S32
Sumunod sa mga alituntunin ng inyong mangagamot! • Sundin ang binigay na takdang araw para sa susunod na tsek up • Sumunod sa tamang pag inom ng gamot • Ipag-alam ang iba pang nararamdaman sa inyong mangagamot
Ano ang mga dapat gawin kung may diabetes? • Panatalihing tama ang sukat ng asukal sa dugo • Mag-ehersisyo nang tama • Itigil ang paninigarilyo
Ano ang mga dapat gawin kung may diabetes? • Alagaan at ugaliing eksaminin araw-araw ang mga sumusunod: bibig (gilagid), balat, paa • Iwasan ang anumang bagay na magdudulot ng sugat, impeksyon o anumang sira sa katawan • Sariling pagsukat sa “blood sugar”
Wastong pagkain... Bantay timbang! Tamang ehersisyo
ITIGIL ANG PANINIGARILYO! Bantay paa, Bantay balat
Paano kung may mga komplikasyon na ng diabetes? • “POSITIVE THINKING” • Maaring may mabago sa dating pamumuhay ngunit di nangangahulugan na wala ka nang magagawa • Kumunsulta sa espesyalista sa komplikasyon
Paano kung may mga komplikasyon na ng diabetes? • Alamin and mga komplikasyon at kung paano ito magagamot at • maiiwasan ang paglala • Maaring magkaroon ng mga komplikasyon kahit • na alaga mo ang iyong sakit
Ano ang “hypoglycemia”? • Pagbaba ng asukal sa dugo nang labis sa normal • Ito ay maaaring magdulot ng panganib • Ito ay maaring maranasan ng sinumang mayroong diabetes
Ano ang “hypoglycemia”? • Dapat malaman ang sintomas at ano ang maaaring gawin • Dapat alam ng mga kasama sa bahay ang pagkilala at paggamot ng “hypoglycemia”
Mga Sintomas ng “hypoglycemia” • Nerbyos • Pananakit ng ulo • Hilo • Pagpapawis
Mga Sintomas ng “hypoglycemia” • Biglaang pag-iba ng ugali at emosyon • Pagkaramdam ng “kuryente” sa paligid ng labi • Pamumutla • Gutom
Ano ang dapat gawin kapag nag-”hypoglycemia”? • Kung gising ang pasyente • uminom ng softdrinks, juice o iba pang inumin na may asukal • ngumuya ng kendi ( 5 - 6 piraso) • kumain ng asukal • magpasama sa doktor
Ano ang dapat gawin kapag nag-”hypoglycemia”? • Kung walang malay ang pasyente • DALHIN KAAGAD SA DOKTOR • HUWAG PAIINUMIN o PAKAKAININ
Akala n’yo kayo lang... … pati mga artistang sikat ay maari din magkaroon ng diabetes!
Ano ang maaaring gawin para maiwasan ang Diabetes? • Panatilihin ang wastong timbang • Kumain ng tama • Iwasan ang pagkain na mataba at mamantikang pagkain • Iwasan ang pagkain ng sobra
Ano ang maaaring gawin para maiwasan ang Diabetes? • Regular na ehersisyo • 30 minuto bawat araw, 3 beses bawat lingo • Tumigil manigarilyo • Regular na mag-kunsulta sa doctor
Sa wastong pangangalaga ng diabetes, malayo ang maabot...
KAYO BA AY NAKARAMDAM NG GANITONG SINTOMAS? • Madami at madalas umihi • Madaling pagkapagod o hapo • Madalas mauhaw • Matakaw sa pagkain • Biglang taas o baba ng timbang
KAYO BA AY NAKARAMDAM NG GANITONG SINTOMAS? • Panlalabo ng mga mata • Pagkakati ng balat • Pagkaramdam na mayroong “gumagapang” sa balat, binti o braso • Pamamanhid ng binti, paa, braso o kamay
Kung kayo ay sumagot ng oo sa mga nasabing katanungan, magsangguni sa inyong manggagamot
The Philippine College of Physicians wishes to acknowledge the following for their invaluable contribution in the preparation of this module Institute for the Study of Diabetes Foundation (ISDF) American Diabetes Association (ADA) James Wee, MD, FPCP