460 likes | 839 Views
Maragatasong Puod (part 2). MULA PROVINCIA TUNGONG ALCALDIA: Mga Pangkasaysayang Salik sa Pagkabuo ng Lalawigan ng Capiz sa Ilalim ng Mananakop, 1569-1837. “Ang di kahibalo mag-udling sa iya ginhalinan di gid makaabot sa iya pakadtuan”. Daloy ng Talakayan.
E N D
MULA PROVINCIA TUNGONG ALCALDIA:Mga Pangkasaysayang Salik sa Pagkabuo ng Lalawigan ng Capiz sa Ilalim ng Mananakop, 1569-1837 “Ang di kahibalo mag-udling sa iya ginhalinan di gid makaabot sa iya pakadtuan”
Daloy ng Talakayan • Pangangayaw at Pagtimalos: Pagsalakay sa mga Moro ng Mindoro at Maynila, 1569-1602 • Presidios de Pintados: Pangungubat sa Sulu at Mindanao, at ang Pagharap sa mga Olandes, 1602-1716 • Pagpapalakas ng Kabisayaan: Pagtatag ng Provincia Politico-Militar de Capiz, 1716-1837
Pangangayaw at Pagtimalos: Pagsalakay sa mga Moro ng Mindoro at Maynila, 1569-1602
Saan at sinu-sino ang gumalagad bago ang mga Espanyol nagpasiya para sa paglipat sa Capiz?
Bakit ipinasya ng mga Espanyol na lumipat sa Capiz?: • Sa aking pagpapahalaga at pagkontra sa naging kagustuhan ng marami...lumipat kami patungong Panay (Capiz)...upang tuparin ang kautusan para sa planong pagtatag ng kuta....Ito ay sa pagitan ng dalawang sanga ng ilog (Banica at Pan-ay)...Sa ng muog, labing apat na hukay na may dalawang artileriya ang naitatag upang maidepensa bukana ng ilog. Maganda ang pook pagkat may kakayanang maipagtangol ito ng kaunting hukbo... Marami ng palay ang maaaring makukuha rito kesa ibang lugar na nang napag-alaman.
Ano ba ang meron sa lalawigang ito ng Capiz kaya sila nahikayat? • Gayunman, di maipagkakailang ang Panay (Capiz) ay nakapagbibigay ng mas mabuting pagkakataon para sa kaligtasan kaysa Cebu dahil sa ang kaniyang kanayunan ay pader ng kabundukan; ang kawalan nang makakain ang di-makapagsuporta ng populasyong katutubo sa mga pagkakataong kinakailangan: isa itong bitag sa digmaan.
Enero 1570: Pagdating nina Madidong at Macabaog sa Capis para sa Alyansa • Isa sa mga unang naging hakbang...naganap noong Enero 1570 nang ang dalawang pinuno buhat sa hilagang- silangang Panay ay bumisita sa kampo ni Legazpi para humingi ng tulong laban sa mga 'grandes piraticas', mga makapangyarihang pirata ng Mindoro-- ang espesyal na diin ay bumabagtas sa isang kapaniwalaang may himpilan ang mga Muslim ng Boneo kung saan ang lawak ng kanilang kapangyarihan ay tumatahak dito sa ruta patungong Maynila, kung saan partikular na sinasapantahang nasa bayan ng Mamburao.
Sanduguan sa Capiz ayon Kay Montalban na nagresulta sa pakubkob sa mga Moro ng Mindoro Sa pagsalakay ng mga kapitan sa kani-kanilang maliliit na sakayan at mga fragata, sila ay ginabayan ng dalawang Bisaya at tumulak upang angkinin ang iba't-ibang mga pulo: Zuluban, noong ika-28 ng Abril 1570; Similara, noong ika-8 ng Pebrero; Poro, noong ika-12 ng Marso; Luban, noong ika-14 Marso; Mindoro, noong ika-16; Helin, noong ika-24....
Mga Naagaw na mga Pulo Pagkatapos ng Sanduguan sa Capiz at na Bunga nang Paggabay Nina Madidong at Macabaog
Ano ba ang naging epekto ng pag-atake ng balang o apan sa Capiz at bakit isinama ng mga Capiznon ang mga Espanyol? • Ang peste ng balang na sumalanta sa Panay (Capiz) sa loob ng mahigit tatlong taon ay nagdala ng malaking kabawasan ng halos kalahating populasyon. Habang nasa Panay (Capiz), naringgan nila ang malaki at malakas na pamayanan ng Maynilad. Sa isinagawang pagkubkob ng Mamburao noong Enero 1570 sa pamamagitan ng isa pang apo ni Legazping si Salcedo, ang nagdala sa mga Espanyol papalit sa Maynila.
Tala ng paglalayag mula Capiz • Ang kinakailangang paghahanda para sa ekspedisyong ito ay kanilang isinagawa...naglayag sa pamamagitan ng dalawang sakayan mula sa maliliit na barkong dala ang tatlong malalaking artileriya kasama ang labing apat o labing limang barko ng ating mga kaibigang Indiong Pintados na sa kanilang wika ay tinatawag na Bisaya. Naglayag sila mula sa Ilog Panay noong ikapitumpu...noong ikatatlo ng Mayo (1570), Araw ng Sta. Cruz.
Pagkatapos na naghanda mula Panay River, ano ang kanilang naging ruta? • Sila ay naglayag pahilaga-kanluran ng Dagat Sibuyan, tumigil sandali sa mga Isla ng Sibuyan at Banton, at pumaroon tungong Mindoro kung saan kanilang narinig ang pangkalakal ng mga Intsik na nakadaong. Kanilang ginaod ang sakayang nauna kay de Goiti at kanilang inatake at dinambong ang mga barkong puno ng seda, ginintuang sinulid, pabango, makikinis na porselanang mangkok...at kabanya na puno ng mga banga at gamit sa kusina. Ang ilang mga Intsik na lumaman ay kanilang pinaslang...ang natirang barko ay kanilang pinadala tungong Panay (Capiz).
Si Ching-Ho ay may interesantengtalahinggilsapagsalakayngitongmgaCapiznonsamgabarkongTsinosa Mindoro. • Ang paunang puwersa (Capiznon), noong ika-11 ng umaga, dahilan sa di pagkakaunawaan ay umatake sa mga barkong Tsino. Kanilang napatay ang 20 Tsino sa sakayan at inagaw ang mga barko pati mga lulan nitong mga seda, kapwa hinabi't sinulid, pabango, mga porselanang mangkok at mga banga, mga pirasong damit na yari sa bulak, bangang yari sa putik, bakal, tanso, pagkit, at iba pang mga gamit. Walo lamang sa mga Tsino ang nakaligtasnsa pag-atake. Nang napag- alaman ang ganitong pangyayari, si de Goiti ay nagpahayag agad ng panghihinayang sa mga Tsino, pinalaya ang mga ito at pinadala ang apat na nahuling manlalayag na Tsino patungong Panay (Capiz).
Pagkatapos ng pangyayari sa Mindoro, saan tumungo ang mga Hangaway kasama ang mga Espanyol? • Ang pulutong ay dumaong doon ng limang araw at nangalap ng impormasyon patungkol sa Maynila; pagkatapos umalis doon at sa pamamagitan ng daan ng Isla ng Maribican sila ay nakarating sa Balayan sa mismong Isla ng Luzon. Doon umusbong ang tunggalian sa pagitan ng mga tauhan ni Salcedo at mga katutubo.
Saan nakarating ang mga Hangaway na Capiznon kasama sina de Goiti at Salcedo sampu ng mga kasamahang Espanyol pagkatapos binaybay and landas sa Isla ng Maribican? • Nang tila halos huli na, ang giya ay nagbigay ng payo sa kanila dumaong muna hanggang gabi sa dakong kublihang baybayin ng Cavite, upang hintayin ang pagkati ng tubig at kung saan kanila nang abot-tanaw ang Maynila.
Mga Pananalita ni Soliman ng Lalong Ikinagalit ng mga Capiznon • Pagkatapos ng yakap ng pagtanggap sa pagitan ni de Goiti at Laya, dumating si Soliman kasama ang mga pansariling armadong mga tanod, at matikas na nagsalitang: "Bukas akong maging kaibigan ng mga Espanyol, ngunit dapat unawaing hindi kami kagaya ng mga batikang Bisaya. Hindi namin pinahihintulutan ang anumang mga pag-aabuso, sa halip kamatayan ang pinakamaagang kabayaran sa mga taong yumuyurak ng aming dangal."
Hudyat ng Labanan sa Maynila • Noong ika-10 ng umaga ng araw ring iyon, may namataang ilang mga manlalayag sa dagat, at ang pinuno ng kampo, sa pag-akalang mga barko iyon ng mga nakipagdigma sa panig nga mga Kastila ay nagpasulong ng prahu upang makipag-ugnayan sa mga ito. Sa paglapit ng prahu, nakitang ang mga sasakyang pandagat na ito ay mga tapaque, at sa takot na hindi mapahamak sila sa prahu, tinawag ito pabalik ng pinuno ng kampo sa pamamagitan ng pagpaputok ng kanyon na may pandagat na direksyon. Dito nagpasimulang magpaputok ang mga Moro; at nang wala manlang babala, tatlong kanyon ang kanilang pinakawalan ng putok ng sunod-sunod.
Papaano ba inatake ng mga Capiznon ang mug Nina Rajah Laya at Soliman sa Maynila? • Ang mga impanteriyang Espanyol ay nasa baybayin, kasama ng mga kaalyadong Bisaya, kaagad na sumugod sa muog at nagpatiaanod patungo sa malaking lagusan sa pagitan ng dalawang sangang puno at napaatras ang manganganyong katutubo sa pagitan ng mga tangang belong pampausok.
Gaano katagal ang labanan at ano ang naging bunga ng pagsalakay ng mga Capiznon sa Maynila? • Sa loob ng may kulang kulang na kalahating oras pagkatapos na magsimula ang labanan, ang mga Espanyol ay naging pinuno ng Mayniloa. Umabot nang halos isandaang manananggol ang nangamatay sa sunog, bala at sugat mula sa mga itak. Ang marami ay lumikas sa loobang pook na paglaon ay tatag aging Arroceros. Mahigit 80 ang nahuli, at marami pa ang nangamatay habang sila ay nagsilikas sa ilog sa pamamagitan ng kanilang bangka. Ilan sa mga nakatakas ay si Soliman. Ang kaniyang tiyuhing si Rajah Matanda ay nag-alsa balutan na bago pa man nagpasimula ang paglalaban....
Umuwi si de Goiti sa Capiz para Sunduin si Legazpi • Noong Abril 20, 1571, araw pagkatapos ng Easter, naglayag siya pamamagitan ng 26 o 27 malalaki't- maliliit na mga barko na maynkasangkapan para sa pakikipagdigma at mga tauhan-- umabot sa bilang na na 230 arkibusero, may 50 Pintados, at si Fray Diego de Herrera, panlalawigang ordeng Agustino. Itinilaga ni Legazpi ang Maynila bilang kabisera ng kolonya dahilan sa malawak na palayan ng Luzon na makapagsuporta sa kaniya at mga tauhan...
Ano pa ang naidulot Kay Legazpi at sa Espanya Matapos Pinabagsak ng mga Capiznon ang Maynila?
Ano pa ang malaking ginawa ng mga Capiznon kanilang itinuring na Manghod sa Ilalim ng Sandugo o Pakig- anghod? • ...noong ika-3 ng Hunyo, sina de Goiti at Salcedo at ang kanilang mga kawal ay tumulak tungong Bangkusay para sa kapana-panabik na pagsubok ng lakas. Nang kanilang matanaw ang mg ito, ang mga tauhan ng datu ng Macabebe, at sina Rajah Soliman at Lakandula ay naghanda ng kanilang malaking sigaw ng pagsubok....ang mga lantaka ay nagpasimulang nagsiputukan....ang mga Manganganyong Espanyol ay nagpasimula nang sabay-sabay na pagpapaputok, pumatay ng marami sa mga ito...naging simula para sa kanilang pagtakas. Sa tagpong iyon, ang mga Pintados sa ganang kanilang mga sarili ay nagsialunan sa tubig upang sila ay habulin, at naging daan sa maraming pamamaslang sa mga ito; dahilan sa sila ang pinakakaaway ng mga katutubo ng Luzon...sila ay inatake nila sa lupa, sinamsam ang lahat ng kanilang bangka at binihag ang may 200 katutubo...
Ano pa ang ginawa ng mga Capiznon bilang Pagsuporta sa Espanya?
Presidios de Pintados: Pangungubat sa Sulu, Mindanao, at Pagharap sa mga Olandes, 1602-1716
Bakit pinili ang Puod Panay bilang sentro ng lakas pandagat ng Espanya?
Maliban sa Depensa ng Kabisayaan, Kabikolan at Maynila, ano pa ang katungkulan ng mga taga-Panay sa Espanya?
Tangi sa Pagbabantay ng karagatan, pagtatag ng muog sa Mindanao at Moluccas, naglingkod din ang mga Capiznon sa iba pang gampanin sa kinapatid na mga Espanyol
Pakikilahok ng mga Capiznon sa Pagtatanggol ng Cavite noong ika-21 ng Abril 1616 kasama ang iba pang mga pangkat
Pasasalamat ni de Silva sa mga Pintados • Bago pumaroon sa Cavite, tinipon muna ng gobernador ang mga boluntaryo at nagpasalsmat sa mga ito sa ngalan ng kaniyang kamahalikaan sa kanilang mga naging sppagsasakit at kabutihang natamo. Siniguro niya sa mga ito na hindi siya magluluwat para tulungan ang kanilang mga kamag-anakan pagkat sila'y nagkaloob ng tulong sa hari. Doon sa mga nangamatay dahilan sa kanilang naging paglilingkod para sa lahat, ang kaniyang Kapanginoonan ay magkakaloob ng mga parangal kalakip ang pagkakaroon ng misa at sermon...at nagtayo sa mga ito ng mayamang catafalque na napalamutiang mabuti.
Bakit kaya mainit ang pagsagawa ng mga Pintados ng Panay sa pakikipaglaban o pangangayaw? • Pagkatapos niyaon, ang mga botin ay ipinamahagi. Sila ay lubhang naging mayayaman pagkat ang nabanggit na mga sakayang dagat ay naglululan ng kantidad na mga seda at pilak (di na kailangang banggitin pa na ang bayna ng sakayan, mga bala na mahigit sa 50 pirasong artileriya), at iba pang mga bagay tulad ng mga alak, langis, at iba pa nagkakahalaga ng tatlo o apat na libong piso.
Ganti ng mga Olandes sa mga Pintados: Pagsalakay sa Baluarte de Iloilo noong 29, Setyembre 1616 • Itinaboy niyang mahigit ang mga kaaway kung kaya't kinakailangan nilang papalayo upang lisanin ang pook at kanilang dinala papalayo ang mga napaslang at malulubhang sugatan.... Sa tagpong iyon ay nag alis ng kanilang mga angkla at iniwan ang daungan na may malaking pagkahapis at kalungkutan. Ang gayong katatagan ng sandatahan ay lubhang mahalaga tulad ng ating pagkaunawa sa kalagayan ng buong kabayanan at maging yaong mga mamamayan ng mga pulong yaon ay iba pa sa karatig pook.
Sinabayan din ang pag-atake ng ito ng 24 pirahung Moro sa Hilagang Panay ngunit sila ay sinagupa sa Punta Potol • Hinarap ang gayong sulrinan ng pag-atake ni Don Diego de Quinones sa pamamagitan nang pagpapadala ng isang armadilla de caracoa upang kaharapin ang mga kaaway. Pinangunahan ang naturang Armadilla de Pintados ni Capitan Lazaro de Torres kung saan ang kanilangd bilang ay umabot sa 7 caracoas...matagumpay silang nakapagdarakip ng 37 mangangayaw Moro at nakapagsamsam pa ng anim mula sa apat na sakayan.
Pagtaboy sa mga Olandes sa Playa Honda tungong Japan noong Abril 17, 1617 • Nakipagdigma sila ng buong higpit. Ang galyong Nuestra Señora de Guadalupe ang lumupig sa mga kalaban; sa pamamagitan ng galyon na dala ni Capitan Diego de Quinones; at mga kalabang nagtaas ng bandila para sa kapayapaan, ay kaagad silang sinunggaban ng ating mga kawal upang angkinin ang tagumpay.
Opensiba ng mga Pintados sa mga Moro noong 23 Abril 1627 • Sa ganap na ika-1:00 ng araw na iyon, ang kumander ay dumaong kasama ang isandaang Espanyol at maraming bilang nga mga Bisaya. Kanilang iniwan ang iba pa sa likuran upang depensahan ang pulutong ng sa gayon sila'y pumaroong walang masasaktan. Kanilang natitiktikan ang lumalagong pamayanan...pagkat ang hari at ang kaniyang mga tauhan ay nangagsikanlong sa tuktokb ng burol para sa may higit na kaligtasan.
Mula taong 1627 hanggang 1663 naging agresibo ang opensibang kolonyal sa Mindanao at Sulu
Pagpapalakas ng Kabisayaan: Pagtatag ng Provincia Politico-Militar de Capiz, 1716-1837