420 likes | 1.59k Views
Kagandahang – loob para sa mga pilipino. PAGPAPAKAHULUGAN Ayon kay Resurrecion (2005) mahirap bigyan ng eksaktong pakahulugan ang salitang ‘kagandahang-loob’ sapagkat may kanya-kanya tayong depinisyon nito. Ilang mananaliksik ang nagtangkang bigyan ito ng
E N D
PAGPAPAKAHULUGAN Ayon kay Resurrecion (2005) mahirap bigyan ng eksaktong pakahulugan ang salitang ‘kagandahang-loob’ sapagkat may kanya-kanya tayong depinisyon nito. Ilang mananaliksik ang nagtangkang bigyan ito ng kahulugan. Ilan dito ay ang mga sumusunod: ‘Kindness’ ang pinakamalapit na katumbas ng salitang ‘Kagandahang-loob’ sa Ingles ayon kay Ferrucci (2006).
Ito ay kombinasyon ng maraming magagandang katangian tulad ng pagiging tapat, mapag-aruga, mapagpatawad, mapagtiwala, may konsiderasyon, mapagmalasakit, mapagkumbaba, mapagpasensya, mapagbigay, may respeto, mapaglingkod, maalalahanin, at masayahin.
Ang pinakamalapit na konsepto nito sa Social Psychology ay ang Prosocial Personality na ang ibig sabihin ay ang palagiang pag-iisip sa kapakanan at karapatan ng ibang tao, pakikiramay sa kanila, at pagkilos sa paraang kapaki-pakinabang sa kanila. (Penner at Finkelstein 1998).
Ano ang paksa? Ang pag aaral na ito ay tatalakay sa ideya ng mga Pilipino sa konsepto ng kagandahang-loob. Susubukan ng pag aaral na ito na makabuo ng mas malalim na pag unawa sa nasabing konsepto. Tutukuyin ng pag aaral na ito ang mga maaaring pamamaraan, dahilan at epekto ng kagandahang loob.
Research problem Susubukang ipaliwanag ng mabuti ang konsepto ng kagandahang-loob gamit ang mga sumusunod na katanungan: • Ano ang kagandahang-loob? • Ano ang mga nag-uudyok sa tao upang magpamalas ng kagandahang-loob? • Paano ito naipapakita? • Ano ang naidudulot nito sa tumulong?
Paano pag-aaralan ang paksa? Instrumentong Ginamit Ang mga mananliksik ay kumuha ng datos sa pamamagitan ng isang interbyu guide na naglalaman ng labinlimang pangunahing katanungan na tumatalakay sa kagandahang loob sa pagsasagawa ng interbyu ang mga mananaliksik ay gumamit ng recorder upang mas mapadali ang pag tala ng mga pananaw ng mga kalahok sa pag-aaral.
Mga Kalahok • Ang pagsasaliksik ay nagkaroon ng 4 na kalahok na may edad na 19-24. Tatlo sa mga kalahok ay mga babae at isa ay lalake. • Ang bawat kalahok ay isang miyembro ng organisasyong lumalahok sa pagvo-volunteer katulad ng red cross at iba pa. • Ang mga kalahok ay nagmula sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila. • Dalawa sa mga kalahok ay mga estudyanteng volunteer habang 2 naman ay tapos na ng kolehiyo.
Pagsasagawa • Ang mga mananaliksik ay kumuha ng mga kalahok na kasali sa isang grupong naglalayong tumulong. • Ang pagkuha ng datos ay sinagawa gamit ang interbyu. • Ang interbyu ay isinagawa sa araw at oras na itinakda ng kalahok at sa lugar na palagay ang kalahok katulad ng kainan o sa sariling bahay. • Ang interbyu ay karaniwang tumagal ng 48 minuto, 37 minuto bilang pinakamaiksi , 63 minuto bilang pinakamatagal.
Ang mga mananaliksik ay nakabuo ng 8 na tema na nakapaloob sa 3 kategorya • Ang 3 kategoryang nabuo ay ang mga sumusunod: • Naguudyok • Pamamaraan • Naidudulot
Naguudyok • Ayon sa nakalap na impormasyon ito ang mga dahilan kung bakit nagpapakita ng kagandahang loob ang isang tao • Kultural • Elemento ng pagmamalasakit • Pagkakaroon ng malinis na mithiin
Pamamaraan o Gawain • Ang taong maaaring naimpluwensyahang tumulong dahil sa apat na konseptong nabanggit ay maaaring magpamalas ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng: • Pagtulong • Pagkukusa • Pagsasakripisyo
Naidudulot ayon sa resulta ng pag aaral, ang mga taong nagpapakita ng kagandahang loob ay nakakaranas ng: 1.) Pagbibigay halaga 2.) Pagkakaroon ng ibat ibang saloobin
Kultura “di ko din alam eh siguro dahil na rin sa hinubog ako ng magulang ko with good deeds na parang lagi nilang sinasabi na kung sino ang may kailangan tulungan mo” (Transcript 3, Lines 93-95, 21 yo, female, 3 years volunteer) “Basta ang mga Pilipino kasi kahit hindi kayang magbigay halimbawa pera, tutulong at tutulong yan sa nangangailangan sa paraang kaya niya. Parang tatak nayan ng pagiging isang Pilipino.” (Transcript 2, Lines 241-244, 19 yo, female, 7 months volunteer),
Pagmamalasakit “nag-uudyok sakin yung siguro kapag may nakikita akong sobrang nakakaawa or somehow ‘yong desire ko na to be a part of change.” (transcript 1, Lines 103-104, 19 yo, female, 1 year volunteer) “Naawa naman ako dun sa manganganak kaya tinanong ko kung nasan yung asawa nia, parang ako na mismo yung tumulong sa kanya para hanapin yung asawa nia” (Transcript 3, Lines 69-71, 21 yo, female, 3 years volunteer)
Malinis na mithiin “halimbawa yung kapag ako pag may nadaanan akong beggar, yung kagandahang loob dun ay yung wala naming nakakita sa kanya pero ginawa niya,” (transcript 1, Lines 16-17, 19 yo, female, 1 year volunteer) “Yong mga taong tumutulong dahil may sariling silang gusto, for example mga politician, ‘yong tutulong lang dahil may kailangan sila in return, para sa akin ‘yon ‘yong hindi pagpapakita ng kagandahang-loob, para kasing plastic ang dating.” (transcript 1, Lines 19-21, 19 yo, female, 1 year volunteer)
Pagsasakripisyo “Yong kahit gipit ka na o walang wala ka na tumutulong ka pa rin. Yong kahit kakainin mo na lang ibibigay mo na sa batang kawawa. Ganun. (Transcript 2, line 9-10, 19 yo, female, 7 months volunteer) “kapag halimbawa may patay, para sa akin mag-take ka lang a little bit of your time to atleast say your condolences para sa family, makiramay, kagandahang-loob na ‘yon kasi somehow a part of your time ina-lot mo para do’n. (transcript 1, lines 48-50, 19 yo, female, 1 year volunteer)
Pagtulong “maipapakita, in simple ways din maipapakita mo yung kagandahan ng loob mo. Intindihin mo lang yung mga tao, tumulong lang sa pagbubuhat mga mabibigat, yung mga taong pauupuin mo lang yung mga babae sa upuan mo mga gano’n.” (Transcript 4, Line 64-67, 24 yo, male, 3 months as a volunteer ) sa intramuros, may namamalimos na bata tapos may extra foods naman ako so instead na angkinin ko lahat binigay ko na lang din so I think isa un sa example ng kagandahang loob (transcript 2, Lines 28-30, 19 yo, female, 7 months volunteer)
Pagkukusa “ ‘Yong tutulong ka na lang kahit wala sa plano, gano’n.” (Transcript 1, Line 12, 19 yo, female, 1 year volunteer) “Minsan nagbabaon ako ng sandwich tapos ibinibigay ko do’n sa nadadaanan ko sa underpass. ” (Transcript 1, Line 116-117, 19 yo, female, 1 year volunteer)
Pagbibigay halaga “ko talaga yung satisfied ka eh yung tipong may nagawa ka sa araw na ito na mabuti. Yung tipong may mga napangiti kang tao.” (Transcript 4, Line 93-94, 24 yo, male, 3 months volunteer) Iba e, iba ‘yong feeling kapag kahit small things lang e nakakatulong ka sa mga less fortunate na mga tao tapos sobrang nakakataba ng puso. Yung magte-thank you sila kahit alam mong sobrang konting tulong lang nagawa mo. (transcript 2, Lines 59-63, 19 yo, female, 7 months volunteer)
Saloobin (kasiyahan) • ‘yong extent na pagdating naming do’n, ‘yong smile sa faces ng mga makikita mo, basta parang from a frown you turn it into a smile and inside napapasmile ka na rin. Masaya talaga kapag makita mo ‘yong iba na masaya. (transcript 1, Line 77-79, 19 yo, female, 1 year volunteer) • “kasi once na makatulong ka sa iba parang yung pakiramdam mo na ang saya saya mo saka parang worth it yung tinulong mo tapos Masaya kasi nakakasalamuha ka ng ibang tao nakakahanap ka ng mga friends” (Transcript 3, Lines 165-168, 19 yo, female, 3 years volunteer)
AyonkayResurreccionangtaong may kagandahangloob ay May malasakit, marunongmakipagkapwa at nagtataglayngmaliinisnakalooban. Lumalabassapagaaralnaitona sang aayonkayResurreccion, angmgalumitawnakatangianngmgataongkadalasangnagbabahagingkanilangsarilisaiba ay magkakatulad. Angmgasumusunod ay angmgadirektang may katuladsamganabanggitnakatangiansapagaaralniResurreccion.
Ang taong mag kagandahang loob ay may malasakit sa iba, malinis ang mithiin, may pagkukusa,marunong mag sakripisyo, at ‘di nagdadalawang isip tumulong
karagdagang paglalarawan ng mga kalahok sa kagandahang-loob ay ang pagiging totoo: “halimbawa yung kapag ako pag may nadaanan akong beggar, yung kagandahang loob dun ay yung wala naming nakakita sa kanya pero ginawa niya,“ (Transcript 1, Line 16-17)
“meronnamansyanginaasahangkapalit, paranghinditotooyungpagtulong niya , parang plastic. Tsaka kahit yung tumutulong nga perohalata mo namangginagawaniyayunkasialamniyana may nakatinginnaiba at magigingmabutiangtinginsakanyangtao.” (Trasnscript 2, Line 30-34)
“lalaki na kung bibigyan niya ‘yong mga bata ng pera or food, dagdag pogi points ‘yon. Gano’n.” (Transcript 2, Line 45-46)
“Pero there are those people na sasali sa group naming para magkaroon ng friends, tapos maya-maya kakandidato pala, mga nagpapakitang gilas, mga plastic sabi ko nga.” (A, 118-120 J)