410 likes | 2.95k Views
Ang Katangian ng mga Pilipino. Ang Walang Sawang Pagtitiwala sa Panginoon. Malaki ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Panginoon. Madalas na nakikita ang mga Pinoy na nagdarasal at nagsisimba. Halimbawa: “May Bukas Pa” at iba pang mga palabas na hinihikayat ang relihiyong Katoliko.
E N D
Ang Walang Sawang Pagtitiwala sa Panginoon • Malaki ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Panginoon. Madalas na nakikita ang mga Pinoy na nagdarasal at nagsisimba. • Halimbawa: “May Bukas Pa” at iba pang mga palabas na hinihikayat ang relihiyong Katoliko.
MANO PO! Ang Paggalang sa Nakakatanda • Likas na maggalang ang mga Pilipino sa nakakatanda sa kanila. Nagsasabi ng Tito (Uncle), Tita (Auntie), Ate (Older sister), Kuya (Older Brother), atbp. ang mga Pinoy upang maipakita ang tamang paggalang dito. • Ang PAMILYA ay isang malaking bahagi ng sosyal na istruktura sa Pilipinas. Bahala na kung ano ang mangyari, basta’t magkakasama ang pamilya ay sapat na ito.
Pagtutulungan at Pagbabayanihan • Likas na matulungin ang mga Pilipino sa kanilang kapwa. Noon pa man, nagtutulungan na ang magkakabaranggay upang maisaayos at mapaunlad ang pamayanan. • Halimbawa ay “ang bayanihan”.
Tagay mga ‘Pre! Ang mabuting pakikitungo • Ang mga Pilipino ay kilala rin sa mabuti at magiliw na pagtanggap sa bisita at sa pakikitungo sa kapwa. • Kadalasan, ang ganitong mga pangyayari ay madaling nakikita sa kanto. Ang mga Pinoy ay palaging nakikipag-usap, nangungumusta,at pati na rin sa pakikipagtsismisan sa mga kapitbahay. • Taglay ang mainam at magandang hospitalidad ng mga Pinoy. Talagang naghahanda hanggang sa abot na makakaya para mapasaya at hindi mapahiya sa bisita.
Ang Pagsasama-sama ng Pamilya • Maliban sa Panginoong Diyos, ang pinakamahalaga para sa mga Pilipino ay ang pamilya. • Marami ang nag-a-abroad at nagsasakripisyo para makapagpadala ng kahit kaunting pera sa kanilang pamilya. • Wala sa kultura ang umalis sa bahay ng pamilya kahit na mayroon nang asawa. • Nakaukit na rin sa kultura na ang mga anak ay dapat inaalagaan ang kanilang magulang at iba pang mga kamag-anak
ANG MALAKING TANONG: • Ito rin ba ang kultura na napag-aralan ng mga Filipino American sa Amerika at madali lang ba makuha ang ganitong mga konsepto kahit na hindi nila alam ang wika at hindi sila tumira sa Pilipinas?
ANG ISYU! • Mayroong mga Filipino Americans na nahihiyang umamin na sila ay dugong Pilipino. (IDENTITY CRISIS)
Pinoy Tayo! • Lahat tayo ay Pilipino, mapa-Pilipino-American man o hindi. • Pero bakit nga ba mayroong tensyon sa pagitan ng mga Pilipino na lumaki sa Pilipinas at sa mga Pilipino na lumaki sa Amerika? • ANG SAGOT: Magkaiba ang kanilang KULTURA • Ang kultura ay hindi pwedeng matutunan sa pagbabasa o sa pormal na pag-aaral. Hindi ito naituturo nang basta-basta. • Natututunan ito sa karanasan ng isang tao. Ang kulturang nakasanayan ng dalawang grupo ay magkaiba kung kaya minsan ay hindi ito nagkakaintindihan.
Ang mga Paliwanag…. • Ang mga Pilipino-Americans na lumaki sa Amerika ay may “ideya” ng kultura ng mga Pilipino, pero iba pa rin ito sa aktwal na karanasan na pinagdaanan ng mga Pilipino sa Pilipinas. • Hindi ito naituturo. Makukuha lang ito sa pamamagitan ng pag-uwi at pagtira sa Pilipinas upang matutunan ang wika at kultura.