2k likes | 10.52k Views
ARALING PANLIPUNAN III ARALIN 10 PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN. MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN.
E N D
ARALING PANLIPUNAN IIIARALIN 10PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN
1.NAIISA-ISA ANG MGA PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG.2.NAIPALILIWANAG KUNG PAANO PINAYAMAN NG SINAUNANG KABIHASNAN ANG KULTURA NG DAIGDIG.3.NAPAHAHALAGAHAN ANG MGA AMBAG NG MGA SINAUNANG TAO SA KABIHASNAN NG DAIGDIG.4.NATUTUKOY SA MAPA NG DAIGDIG ANG MGA POOK NA PINAGMULAN NG SINAUNANG KABIHASNAN.5.NAIPAPAHAYAG ANG PAGHANGA SA MGA AMBAG SA DAIGDIG NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA PAMAMAGITAN NG PAG-GAWA NG SCRAPBOOK NG MGA LARAWAN.
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamanasa sangkatauhan.Ang mga ito ay nagpakita ng kadakilaan, husay at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit sa pang-araw-araw ay maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya at relihiyonsa kasalukuyang panahon ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito.
KABIHASNANG MESOPOTAMIANOON NGAYON GFTG
Tinawag itong lundayan ng kabihasnan sapagkat dito naitatag ang pinakauna at pinakamatandang pamayanan ng daigdig kung saan makikilala ang katayuan at antas ng pamumuhay ng mga mamamayan na nakatira rito. Dito din nag-ugat ang pinakamatandang relihiyon bagamat marami nang nagsisulputang doktrina’t relihiyon sa pagdaan ng panahon.
Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang bagay.
Ang cuneiform ay ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong daigdig na nalinang/nilinang ng mga Sumer. Ito ay nagbigay daan sa pag-usbong ng iba pang modelo ng pag-sulat matapos ng imbensiyong ito.
Natuklasan ni Henry Rawlinson noong 1847 ang Behistun Rock na nagsilbing susi upang maunawaan ng mga dalubhasa ang mga nakasulat sa mga naiwang luwad na lapida ng mga taga-Mesopotamia.
Ang ziggurat ay ang estraktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos o patron ng isang lungsod.
Pinaniniwalaang ang Tower of Babel na mababasa sa bibliya ay isang ziggurat.Mababasa sa mga libro ng Mga Hari, Daniel at Hosea ang patungkol sa kung paanong paraan ito itinayo, ang kagamitan ng lugar na ito at ang pagpapabagsak sa Tower of Babel.
EPIC OF GILGAMESHItinuturing ito bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig.Isa itong kwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad ng “The Great Flood” ng bibliya.
Ang “Great Flood” o tinatawag ding “The Flood of Noah and the Ark” ay mababasa at matatagpuan sa ika-6 hanggang ika-9 na kabanata ng Genesis sa Bibliya.
SEXAGESIMAL SYSTEM-matandang sistema ng matimatika ng Sumerian kung saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
KAUNA-UNAHANG BATAS NA NAISULAT SA DAIGDIG“CODE OF HAMMURABI”
Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.May mga batas na nagkakaloob ng proteksyon sa mga mamimili,may mga batas ukol sa kasal at pamilya. Nakapaloob dito ang tanyag na kaisipang “an eye for an eye, a tooth for a tooth.
Ang parusa ay hindi patas sa parehong krimen.Mas mabigat ang ipinapataw sa karaniwang mamamayan kung ihahambing sa isang mula sa mataas na uri ng lipunan.
PHOENICIAN-nakapaglinang ng isang makabagong paraan ng ng pagsulat ng alpabeto o “phonetic alphabet”.(phoenetic alphabet)