1 / 3

Bagong Ilog May Makulay na Kasaysayan

Bagong Ilog May Makulay na Kasaysayan. Sa pagsisimula ng ikalabing-pitong siglo ay dating iisa ang mga Barangay ng Bagong Ilog at Sumilang. Ang dalawang Barangay na ito ay binubuo noon ng isang malawak na palanas ng buhangin at lupa na kung tawagin ay Aplaya.

clovis
Download Presentation

Bagong Ilog May Makulay na Kasaysayan

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Bagong IlogMay Makulay na Kasaysayan Sa pagsisimula ng ikalabing-pitong siglo ay dating iisa ang mga Barangay ng Bagong Ilog at Sumilang. Ang dalawang Barangay na ito ay binubuo noon ng isang malawak na palanas ng buhangin at lupa na kung tawagin ay Aplaya. Ang Aplaya ay pangunahing taniman ng sariwang gulay, tubo, mais, labanos, kamatis at sitaw. Ang pook na yaon ay naging daungan ng mga mangangalakal at mamamakyaw mula sa mga karatig nayon. Pati Gov. Hen. Ng Malacañang ay dito pa nagpapasumba(isang uri ng paglalakbay sa pamamagitan ng bangka).

  2. Ang mga katutubo ay di nakasayanayang mamuhay sa Aplaya, bagkus ay sa Ilaya namamalagi upang maiwasan ang taunang pagaha mula sa bulubundukin sa San Mateo at Montalban. Noong 1745, nagkaroon ng malaking pagbaha kung saan lubhang napinsala ang mga alagang hayop at pananim. Mayroon ding naitala na mga buhay naibuwis, at maraming tao ang napilitang lumikas sa mas mataas na pook sa dako ng dilain(Pasig Blvd. at Kawilihan ngayon). Nang humupa ang baha, nag-iwan ito ng isang mahabang daan-tubig sa mismong gitna na palanas ng Aplaya. Nagsilbi itong batisan na lubusang humati sa Aplaya at naging dalawa ang tumana. Sa paglipas ng panahon, ang Bagong Tumana ay tinawag na Sumilang dahilan sa pagsilang nito sa gawing Silangan. Sa dating Tumana ay sumibol ang isang daang –tubig, kaya’t ito ay tinawag na BagongIlog.

  3. Mula sa magandang kasaysayang ito na kasaliw ang kumpas ng kalikasan ay binigyang kulay ang himala ng pagkatagpo sa imahen ng Mahal na Patrona Sta. Rosa de Lima. Matalik na magkaibigan sina Ubaldo Intalan na taga Bagong Ilog at si Celestina Cruz na taga-Sumilang. Isang araw ay nagpasiya sila na dalawin ang isang dalagan dilag na naninirahan sa pook ng Buwayang Bato (Mandaluyong), subali’t nagkaisa sila na umiwas sa pagdaan sa tabi ng yungib ni Doña Geronima. Ang yungib na nabanggit ay pinaniniwalaan na mahiwaga at puno ng kababalaghan. Narating ng magkaibigan ang tahanang kanilang sadya at buong lugod silang tumigil doon at sa kanilang pag-uwi, puno ng kasiglahan ang kanilang mga puso, lalo na si Ubaldo na baon ang matimyas na pag-asa ng pag-ibig.

More Related