1 / 38

BAGONG PILIPINAS, BAGONG PILIPINO MOVEMENT PULONG BAHAY PROGRAM AND SCRIPT

BAGONG PILIPINAS, BAGONG PILIPINO MOVEMENT PULONG BAHAY PROGRAM AND SCRIPT. I. REGISTRATION.

zach
Download Presentation

BAGONG PILIPINAS, BAGONG PILIPINO MOVEMENT PULONG BAHAY PROGRAM AND SCRIPT

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. BAGONG PILIPINAS, BAGONG PILIPINO MOVEMENTPULONG BAHAYPROGRAM AND SCRIPT

  2. I. REGISTRATION Ihanda ang mga kakailanganing FORMS ( Attendance at Membership Forms ). Sa attendance form isusulat ang pangalan at impormasyon ng mga magsisipagdalo at ito ang magiging basehan ng mga taong babalikan natin para sa pagkuha ng mga precinct/cluster coordinators.

  3. II.WELCOMING Isang magandang gabi po sa lahat at welcome po sa ating simpleng pulong sa gabing ito. Bago po tayo magpatuloy, hinihingi ko pong tayo’y tumayo sa ating panimulang panalangin

  4. III.INVOCATION Salamat po Panginoon sa gabing ito, dalangin po namin na samahan nyo kami sa aming gagawing pagtitipon upang patuloy po kaming matuto at nang makita po namin ang kasalukuyang kalagayan ng aming minamahal na Bansang Pilipinas. Turuan mo po kami sa gabing ito na pagmalasakitan namin ang aming bansa at

  5. III.INVOCATION ang aming bayan. Hindi po kami papayag na yuyurakan po ng ilang mga tao ang aming mga boto at ang aming mga karapatan bilang mamamayan ng bansang ito. Salamat po at alam po naming pinangunahan nyo ang aming programa. Ito po aming dalangin, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Dios Espirito Santo..AMEN

  6. IV. PALASYO Inquirer.net sa kanilang pagsusuri sa Bureau of Treasury, noong Oktubre 2009 ang ating utang ay nasa 4.2 trillion pesos at bago matapos ang 2009 tayo po ay may utang na 5 Trillion Pesos, kung ito po ay hahatiin natin sa 92 million na Pinoy, tayo po ay may utang na 54,347 plus kada isang Pinoy.

  7. IV. PALASYO Atin pong panoorin ang isang dokumentaryong nagpapakita kung gaano kayaman ang ating bansa at kung paano nilulustay ng gobyerno ang mga kayamanang ito. Panoorin po natin. (Play the CD)

  8. V. PRESENT STATUS OF THE NATION • QUESTION: Ano po ang kinalulungkot ninyo kapag nakikita nyo ang ating BANSA sa kasalukuyan? (Hayaan nyo pong magbigay ng sagot ang 2 o 3 katao.) • Dati po ang Pilipinas ay mayaman pa sa JAPAN 40 yrs ago. Subalit sa mga nagdaang dekada ang ating Bansa ay nasa kangkungan na ngayon at nalampasan na po tayo ng karatig bansa tulad ng Thailand

  9. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Malaysia, Vietnam at Indonesia. Ang halos kaklase natin ngayon ay ang Bangladesh. Ito po ba ang nais nating makita sa ating Bansa? Ano po kaya ang pwede nating gawin? May magagawa po ba ako bilang isang mamamayan ng bansang ito? Ang aking kayang pamilya ay may magagawa din? Paano ako makakatulong sa pagbabago ng ating minamahal na bansa?

  10. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Ang Pilipinas ngayon: 1. # 1 Most corrupt country sa ASIA 2. Bansang kinatatakutan ng mga mamamahayag. 3. Jueteng Republic sa Asia 4. Sex Den of Asia 5. At marami pang iba

  11. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Marahil nagtatanong tayo kung nagkulang ba tayo ng mga matatalinong Presidente? Hindi po, dahil kung titignan natin ang ating History simula sa panahon ni : • Marcos- matalinong tao, walang kodigo kapag nagbibigay ng SONA at nagtapos ng may honor.

  12. V. PRESENT STATUS OF THE NATION • Cory- mabait na pangulo at freedom fighter subalit huwag nating kalimutan ang issue sa HACIENDA LUISITA, maraming tao ang namatay dahil ayaw nilang ibigay sa mga magsasaka ang kanilang karapatan. • Ramos- naging tiger cub economy ang Pilipinas subalit may mga issue rin ng corruption.

  13. V. PRESENT STATUS OF THE NATION • Erap- ang sabi po niya mahirap daw pong iligtas ang Pilipinas sa loob ng 2 taon at kalahati, pinatalsik daw natin siya. • GMA- after 10 years ng kanyang pamumuno, saan na ang Pilipinas ngayon? Nagkulang ba tayo ng matatalinong Presidente? Laganap ang kahirapan,nakawan/korupsyon sa gobyerno, karahasan at kawalan ng hustisya.

  14. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Ano ang Kulang sa kanila? BANAL NA PAGKATAKOT SA DIYOS AT MORAL ASCENDANCY. Kung sa akala po natin ay wala tayong pwedeng gawin nagkakamali po tayo. Malaki ang iyong magagawa sa pamamagitan ng inyong BOTO . Tandaan nating ang ating boto ay marangal at di dapat inaabuso ng ilang mapagsamantala.

  15. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Tignan po natin ang TRADISYUNAL na paraan ng pagboto ng mga PINOY: Politics of Money- huwag padadala sa kandidato na pinapakita sa atin yung dami ng kanyang pera at bumubili ng boto. Kung pagbabatayan lamang ng pagboto ay pera hindi natin kailangan ang eleksyon “highest bidder wins” na lang.

  16. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Politics of Patronage– Pagtanaw ng utang na loob lamang? Karapatan nating mga mamamayan ang tumanggap ng tulong sa mga lingkod–bayan. Katungkulan nila ang magsilbi sa bayan ng walang inaasahang kapalit. Ito ang dahilan bakit tinatawag silang “public servants”. Karapatan ng mga nakaupo na tayo ay kanilang tulungan wala tayong utang na loob sa kanila kung di sila nakagawa ng tama sa nagdaang 3 taon ng kanilang pamumuno at huwag tayong magbabase sa utang na loob lamang.

  17. V. PRESENT STATUS OF THE NATION Politics of Popularity– Huwag lang basta sikat, dapat yung may napatunayan na. Ang paglilingkod sa bayan ay nangangailangan ng kakayanan hindi popularidad lamang.

  18. V. PRESENT STATUS OF THE NATION • Politics of sentimentalism- ang pagiging pangulo po ay di minamana. Dapat Makita ng mga tao na karapat-dapat ang mamumuno.

  19. V. PRESENT STATUS OF THE NATION • QUESTION: ANONG KLASENG LIDER ANG KAILANGAN NATIN PARA MABAGO ANG ATING BANSA? ANONG KLASENG MGA KATANGIAN AND DAPAT NIYANG TAGLAYIN? • ANSWER : Isang lider na mayroong karakter, kakayanan, tapang, talino, mataas ang moral AT MAY TAKOT SA DIOS.

  20. VI. Sino si Bro.Eddie? May nais po akong ipakilala sa inyo na isang kandidatong batid kong nagtataglay ng lahat ng mga katangian ng isang tamang lider para sa ating bansa. Siya ay walang iba kung hindi si BRO. EDDIE C. VILLANUEVA. Narinig nyo na po ba siya? Wala po siyang ibang hangad kung hindi ang mabago at maiahon ang ating bansa sa tanikala ng korupsyon. Upang lubos po natin siyang makilala, atin pong panoorin ang video na ito” (Play VCD – Sino si Bro. Eddie?)

  21. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? Bakit ko ba dapat na suportahan si Bro. Eddie? Sino ba siyaAnu-ano na ba ang kanyang nagawa at napatunayan? Sigurado bang hindi siya magnanakaw? Ito po marahil ang ilang mga katanungan ng karamihan sa atin. Subalit bakit ba namin ito ginagawa? Ano ba ang pakinabang namin dito?”

  22. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? “Ang tanging nagtulak sa amin upang gawin ito ay ang aming pagmamahal sa ating bansang Pilipinas. Pagod na po kami sa aming nakikitang kalagayan ng ating bansa. Ang kailangan po natin ngayon ay isang lider na bukod sa matalino, higit sa lahat ay may takot sa Diyos at takot ding gumawa ng kasalanan. Tanging tapat na

  23. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? pagmamahal sa Diyos at sa bayan ang nagtulak kay Bro Eddie upang lumahok sa pulitika at nais niyang ipahiram ang 6 na taon ng kanyang buhay upang pangunahan ang ating bansa sa pagbangon sa kahirapan, korupsyon at kawalang pag-asa. Ano ang kailangan natin?

  24. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? Politics of Principle and Character – Si Bro. Eddie ay walang record ng korupsyon. Sinabi nga ni late Vice President Doy Laurel ang ganito: “He who wants to clean the government must be clean himself”. “Siya na nagnanais na maglinis ng gobyerno ay dapat na maging malinis din”

  25. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? Politics of Competence – Si Bro. Eddie ay hindi lamang isang pastor. Siya ay dating propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) na nagturo ng Political Economics, Business Economics and Finance. Naging longest Board of Regent member ng PUP at lahat ng honorarium ay ibinigay sa scholarship ng mga mahihirap na

  26. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? estudyante. Siya ay mayroong anim (6) na Doctorate Degrees. Ang kanyang kakayahan sa pangunguna ay hayag at subok sa pamamagitan ng kanyang pamumuno sa Jesus is Lord Church (JILC) na nagsimula lamang sa 15 estudyante; subalit ngayon, pagkalipas ng 31 years, ay nakaabot na sa buong Pilipinas at sa 44 na bansa sa buong mundo.

  27. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? Politics of Courage & Compassion– Si Bro. Eddie ay may matinding political will na pangunahan ang tunay na pagbabago ng ating bansa at labanan ang talamak at malawakang korupsyon at katiwalian. Sa lahat ng mga presidentiables, siya lamang ang nakulong ng dalawang beses sa

  28. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? panahon ng Martial Law dahil sa pagtatanggol sa karapatan ng mga mahihirap at inaapi na pinagkaitan ng hustisya. Siya rin ay naging dating radikal na aktibista dahil sa kanyang matinding pagmamahal sa bayan.

  29. VII. Why should I vote for Bro.Eddie? Politics of Good Governance and Moral Ascendancy – Si Bro. Eddie ay may mataas na moralidad. Siya at ang Bangon Pilipinas Party ay naghahangad na magkaroon ang ating bansa ng isang malinis at matuwid na gobyerno. Isang gobyernong hindi pa nararanasan ng mga Pilipino

  30. VIII. CHALLENGE Hayaan po ninyong ibahagi ko sa inyo ang isang kwento. Ihalintulad po natin ang Pilipinas sa kwentong ito. May isang driver ng trak na sira ang ulo. Kahit sino ay kanyang sinasagasaan, sinisira ang buhay at pinapatay matanda man o bata, mayaman man o mahirap. Ano ang ating gagawin kung makikita natin ang driver na ito? May magagawa ba tayo?

  31. VIII. CHALLENGE Hindi makayanan ni Bro. Eddie na makitang ganito ang ginagawa ng driver na iyon kung kaya’t kusang loob niyang itinaya ang kanyang buhay upang mailigtas lamang ang Pilipinas sa kamay ng ganoong uri ng driver. Nais po ba ninyong maging kabahagi ng pagliligtas at pagbabago ng ating bansa? Mayroon po tayong magagawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagpili ng tamang kandidatong ating iboboto sa darating na May 10, 2010.”

  32. VIII. CHALLENGE May isang matandang lalaking tanyag sa kanilang lugar dahil sa kanyang angking katalinuhan. Siya ay binansagang “henyo”. Isang batang lalaki ang nagnais na sumubok sakatalinuhan ng matandang henyo. Kaniyang tinanong, “Tatang, kung talagang kayo po ay matalino, hulaan po ninyo kung patay o buhay ang ibon sa aking kamay.” Sumagot ang matandang henyo, “Bata, matalino ka at alam

  33. VIII. CHALLENGE kong nais mong subukan ang aking kaalaman. Kung sasabihin kong buhay ang ibon sa iyong kamay, madali mo itong pipisilin upang mamatay subalit kung sasabihin ko namang patay ang ibon sa iyong kamay, bubuksan mo lamang ang iyong palad at ito ay lilipad. Ito ang sagot ko sa iyong katanungan; ang buhay ng ibon ay nakasalalay sa iyong mga kamay.Sa darating na May 10, 2010, ang pagbangon at pagbabago ng ating bansa ay nasa inyo pong mga kamay

  34. IX. PRAYER FOR THE NATION Bago po tayo maghiwa-hiwalay, sama-sama po nating ipanalangin ang ating bansa. Tayo po ay manalangin. Panginoon, hinihiling po namin na hawakan po Ninyo ang aming bansa. Huwag Mo pong pahintulutang magapi kami ng mga taong may maling hangarin sa pamumuno. Maging kabahagi ang bawat isa sa amin sa

  35. IX. PRAYER FOR THE NATION pagbubuo ng isang pangarap-isang BAGONG PILIPINAS. Dalangin ko po ang inyong pagpapala at pabor sa lahat ng mga nakibahagi sa pulong na ito. Salamat po ng marami. Ito po ang aming panalangin, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Diyos Espiritu Santo. Amen.

  36. X. SIGNINGOF MEMBERSHIP FORMS Bago po tayo mag-mirienda nais ko pong hamunin ang bawat isa na maging kabahagi sa pangarap na isang BAGONG PILIPINAS na pinaghaharian ng katuwiran, kapayapaan at kasaganaan. Ito po ang pangitain ng BANGON PILIPINAS PARTY sa pangunguna ni BRO.EDDIE VILLANUEVA– isang uri ng TUNAY NA PAGBABAGO PARA

  37. X. SIGNINGOF MEMBERSHIP FORMS sa kinabukasan ng ating pamilya at mga anak. Bilang pakikiisa sa pangarap na ito, may mga membership forms na ipinapamahagi po ngayon. Ang atin pong pagsulat at paglagda ay isang pagsasabing gusto kong makabangon ang bayan at magkaroon ng katuparan ang isang BAGONG PILIPINAS

  38. XI. SNACKS Maaring ipalabas ang awit ni Rey Valera “Sa Aming Panahon”/”Bus ni Bro

More Related