110 likes | 358 Views
NGAYÓNG BAGONG TAÓN. “ Pagpasok ng taon ay magbabagong buhay.” Kay dalás marinig, mga tainga’y nasanay. Dapat patunayan na taimtím sa kalooban, Upang pahayág na ito’y pahalagahán. Kung hindi tutupdin, laway ay h’wag sayangin, Walang katuturán kahit ulit-ulitin.
E N D
“Pagpasok ng taon ay magbabagong buhay.” Kay dalás marinig, mga tainga’y nasanay. Dapat patunayan na taimtím sa kalooban, Upang pahayág na ito’y pahalagahán.
Kung hindi tutupdin, laway ay h’wag sayangin, Walang katuturán kahit ulit-ulitin. Likás marahil sa tao itong mangakò, Kahit na ang kahihinatnán, malimit mapakò.
x Kung paninindiga’y ipagwawalang bahalà, Hindi kagalang-galang sa matá ng kapwà. Tao daw na masalitâ ay kulang sa gawâ, Ang makiníg sa kanya ay nakakasawà.
Bawat isa sa atin, sa aking pananáw, May naghihintay na pagsubok sa araw-araw. Ang sarili ay ihandâ sa pakikibaka, Nang sa gayo’y maiwasan ang madlang dusa.
Sulirani’y katunggaling ‘di dapat hanapin, Ngunit isang paghamong dapat na harapín. Bigyan ng kalutasan, isip ang gamitin, Silakbo at dahas ay ‘di dapat paghariin.
Huwag baguhin ang hindi kayang ibahín, Hindi yata wasto ang iba’y laging gayahin. Laging magpakatotoó sa iyong sarili, Nang hindi ka magsisi pagdating sa hulí.
May ‘sang bagay na dapat muling matutunan, Pagmamahal sa kapwa na tila nalimutan. Puso’y halughugin, matapos itong buksan. Kahit sa ‘sang sulok, malasakit ay ilaan.
Higit sa lahat, sa Maykapal ay manalig, Pasasalamat o daing, Kanyang naririnig. Tayo’y magsikhay nang makamit ang biyayà, Ating hinaharap sa Kanya ipaubayà.
ITO AY SIMULÂLAMANG! HINDI ITO ANG WAKAS MANIGONG BAGONG TAÓN SA LAHÁT!