290 likes | 724 Views
Tuberculosis . Ang Baga at ang TB. Kapag hindi napagtibay ang pagsugpo ng TB . . . Mula ngayon hanggang sa taong 2020... halos 1 bilyong tao ang maaaring mahawa pa 200 milyong tao ang maaaring magkasakit 70 milyon ang masasawi*. * 75 Filipinos ay namamatay sa TB araw-araw.
E N D
Kapag hindi napagtibay ang pagsugpo ng TB . . . • Mula ngayon hanggang sa taong 2020... • halos 1 bilyong tao ang maaaring mahawa pa • 200 milyong tao ang maaaring magkasakit • 70 milyon ang masasawi* * 75 Filipinos ay namamatay sa TB araw-araw
SAAN NAGMUMULA ANG TB? • Ang TB ay dulot ng isang mikrobyong tinatawag na Mycobacterium tuberculosis. • Ito ay maaaring makuha sa plemang galing sa baga ng maysakit na TB. • Kakalat ang microbyo dahil sa: • Paghatsing • Pag-ubo • Paghinga • Pagdura
Ang TB ay madaling kumalat Ang isang pasyenteng may TB ay nakakahawa ng 10 –15 na tao sa loob ng isang taon
Ano ang mga Palatandaan ng TB? • Inuubo nang mahigit sa 2 linggo at hindi na gumagaling sa antibiotic • Nanghihina at namamayat • Parang tinatrangkaso • Dumudura ng dugo
Anong dapat gawin kapag ang mga palatandaang ito ay napansin? • Kumunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon! • Meron libreng gamutan sa health center dala nang programang “DOTS”
DOTS: Transferring the Burden of Curing the Patient to the Health System Prime Elements • Political will • Microscopy-based diagnosis • Free and uninterrupted drug supply • Direct supervision of treatment • Recording and monitoring system D irectly O bserved T herapy S hortcourse
Ibat-ibang bahagi ng katawan na maaaring maapektuhan ng TB • Bituka at atay • Paulit-ulit na nagtatae • Masakit at lumalaki ang tiyan • Naninilaw ang balat at mata • Buto • Unti-unting nakukuba • Paralisis o di makalakad sa pagtagal • Bato • Kaunti o walang ma-ihi
Bahagi ng katawan na maaring maapektuhan ng TB • Utak (Meningitis) • Tulala o kombulsyon • Naduduling, paralisado o tuloy-tuloy na tulog • Kulani • Nakakapang bukol sa leeg, sa ilalim at likod ng tenga, sa kili-kili at singit
Sino ang madaling kapitan ng TB? • Taong lansangan, pulubi, bilanggo at durugista • Malakas manigarilyo • Matatanda • Bata • Nakakalanghap ng usok ng sasakyan at pabrika • May diabetes o AIDS • Kulang sa pagkaing masustansiya • Mga sobra sa pagod at kulang sa pahinga
Paano mapipigil ang paglaganap ng TB? • Buksan ang mga bintana at paarawan ang loob ng bahay • Panatilihing malinis ang kapaligiran • Kumain ng masustansiya at sapat na pagkain • Matulog ng sapat na oras • Magtakip ng ilong at bibig habang may umuubo, humahatsing at kapag nasa mauusok na lugar
Iwasan ang paninigarilyo, paglalasing at pag-inom ang bawal na gamot!!
Magpabakuna laban sa TB ( BCG vaccine) • Ang BCG ay nagpapatibay ng panlaban sa TB, lalung-lalo na sa mga malulubhang kumplikasyon
Sino ang pwedeng magpabakuna? • Mga sanggol na bagong silang o hanggang isang buwan ng kapanganakan • Mga batang nagsisimulang mag-aral (edad 4-6)
Nagagamot ang TB! • Nagagamot ang TB sa pamamagitan ng walang laktaw na pag-inom ng 4 na klaseng gamot sa loob ng 6 na buwan. • Ang TB ay di na nakakahawa pagkaraan ng 2-3 linggong tuloy-tuloy at tamang pag-inom ng gamot.
Anong pwedeng mangyari kapag itinigil ang gamot? • Nagkakaroon ng resistensiya laban sa gamot ang mikrobyong TB. Ito ang nagiging dahilan ng di paggaling o pagbalik ng mas matinding sakit na mahirap gamutin.
Anong pwedeng mangyari kapag itinigil ang gamot? • Kaya huwag itigil ang pag-inom ng gamot kahit na wala na ang sintomas o kaya ay guminhawa na ang pakiramdam!!!
Dahilan ng di paggaling ng TB • Maling paggamit ng gamot o kulang sa dosis • Kulang sa anim (6) na buwan na pag-inom ng gamot • Hindi araw-araw na pag-inom ng gamot
Mga ibat-ibang epekto ng gamot • Hindi dapat ikabahala: • Pamumula ng ihi, luha at dumi
Mga ibat-ibang epekto ng gamot • Mga dapat ikonsulta sa doktor • Paninilaw • Pangangati • Pangingimay • Panghihina • Panlabo ng paningin • Paghina ng pandinig
The Philippine College of Physicians wishes to acknowledge the following for his invaluable efforts in the preparation of this module Camilo Roa, Jr., MD