350 likes | 923 Views
Pagbabakuna ng Bata. IMCI Instructional Module. Bakit kailangan ng bakuna ng ating mga anak?.
E N D
Pagbabakuna ng Bata IMCI Instructional Module
Bakit kailangan ng bakuna ng ating mga anak? • Ang ating mga anak ay nangangailangan ng bakuna upang maprotektahan sila sa mga nakamamatay at malulubhang sakit. Ang pagbabakuna ay nagbibigay ng antibodies sa katawan ng ating mga anak na nakakalaban sa mga sakit.
Ano ang gagawin kung may dumating na batang magpapabakuna? Gabay para sa BHW
1. Tingnan ang kalagayan ng bata • Maysakit ba ang bata? • Ubo? • Hirapsapaghinga? • Pagtatae? • Lagnat • Masakitnatenga • Malnutrisyon • Anemia • Nabakunahanna? Anonaangnaibigay?
2. Tingnan kung anoang status ngbakunani baby Tiyakin kung naibigaysabataangmgabakunanginirerekomendaparasakanyangedad
3. Magdesisyon. • TANDAAN: Walangkontraindikasyonsapagbakunasaisangbatang may sakit kung kayangbatangumuwingmaayosangpakiramdam o kalagayan. ALAMIN angiba pang sakit o problemangbata. Babakunahan ang bata Ibalikangbata saibangaraw
Kailandapatmabakunahanangatingmgaanak? • Lahat ng bata ay inirerekomenda na mabigyan ng bakuna bago ng unang kaarawan. • Kapag hindi nabigyan ng bakuna ang bata sa takdang edad, pwedeng ibigay ang mga kinakailangang bakuna kahit kailan pagkatapos ng takdang edad para sa bakuna.
Ano ang mangyayari kung nagkulang ng bigay ng bakuna? • Para sa bawat bakuna, ibigay ang mga natitirang doses na may agwat na apat na linggo. Hindi kinakailangan ulitin ang buong iskedyul ng pagbigay ng bakuna.
Kailan HINDI nagbabakunasabata? • Huwagbakunahanng BCG angbatang may AIDS • Huwagbakunahanng DPT 2 o DPT 3 angbatangnagkaroonngkombulsyon o pagbagsakngpresyonsaloobngtatlongarawsapagkabigayngunang dose ngnasabingbakuna. • Huwagbakunahanng DPT angbatangmayroongpabalik-baliknakombulsyon o kahitnaanongaktibongsakitsa central nervous system o sautak
Mga Paalala Para sa BHW • Sa mga pagkakataon na ang bata ay may kalagayan na kailangan ng “referral” sa ibang ospital, huwag na itong bigyan ng bakuna at hayaan na lamang na ang ospital na tatanggap sa pasyente ang magdesisyon at magbigay ng nararapat na bakuna. Ito ay para mas mabilis ang referral upang sa gayon ay mas mabilis din ang paggamot sa pasyente.
Mga Paalala Para sa BHW • Ang batang may iskedyul mabakunahan ng OPV ngunit nagtatae ay dapat mabakunahan ng OPV (Oral Polio Vaccine) sa oras ng bisitang ito. Ngunit, huwag ibilang ang bakunang iyun, dapat ibalik ang bata para mabakunahan para sa susunod na dose ng OPV at para sa sobrang dose ng OPV. • Payuhan ang ina ng bata na siguraduhin na ang kanyang ibang mga anak ay nabakunahan.Bigyan ang ina ng Tetanus toxoid kung kinakailangan.
Paano nagrerecord ng status ng bakuna ni baby? • Tingnan ang edad ng bata sa clinical record. • Tanungin kung dala ng ina ang card ng bakuna ni baby. • OO? • Ikumpara ang record ni baby sa skedyul ng bakuna • Siguraduhing kumpleto ang bata ng takdang bakuna para sa kanyang edad. • Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik • HINDI? • Itanong sa nanay ng bata kung may naibigay ng bakuna. Kung hindi sigurado ang ina, maaring bakunahan ang bata ng naaayon sa kanyang edad. • I-record ang mga bakunang naibigay sa record at bigyan ng card ang nanay ng bata. • Lagyan ng tsek ang mga bakunang naibigay na at bilugan ang nakatakda pang ibigay at ilagay ang petsa kung kailan ang balik
PagsasanaysaPagrecordngBakuna • Si Carla ay 1 buwang gulang na batang babae. Siya ay ipinanganak sa ospital sa Lipa at nabigyan na ng BCG at Hepa B-1. Dinala sya ng kanyang ina sa health center upang bakunahan. Ito ang unang beses niya magpakonsulta sa health center. Ano ang bakunang dapat ibigay sa kanya?
Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan? • Ang mga batang binigyan ng BCG ay magkakaroon ng pantal at pagsusugat sa lugar na pinagturukan matapos ang 2 linggo. Ang sugat ay maliit at magpepeklat. Payuhan ang ina na huwag takpan ang sugat. Maaring takpan ito ng malinis na gasa kung marumi ang paligid.
Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan? • Maaring magkaroon ng lagnat, at maging maligalig ang mga batang binakunahan ng DPT. Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Payuhan ang nanay na bigyan ang bata ng Paracetamol kada 4 na oras. Huwag balutan ng maraming damit ang bata dahil mas nakakapag-painit ito ng katawan.
Ano ang maaring mangyari sa mga bata matapos bakunahan? • Ang mga batang binigyan ng bakuna para sa tigdas o measles ay maaring magkaroon ng lagnat at pamamantal. Ang paglalagnat ay maaring tumagal ng 1 hanggang 3 araw o maaring lumabas ng 1 linggo matapos nabigyan ng bakuna.Ang pagkakaroon ng lagnat ay senyales na gumagana ang bakuna. Bigyan ng paracetamol ang bata kada 4 na oras para sa lagnat.
Importansya ng Follow Up • Huwag kalimutan sabihin sa ina o tagapag-alaga ng bata kung kailan babalik ang bata upang bakunahang muli at kung anong bakuna ang ibibigay sa kanya.
Mga Pagsasanay • Si Juan ay isang 1 buwang gulang na batang lalaki. Siya ay ipinanganak sa bahay ng isang hilot. Ito ang unang pagkakataon na dadalhin sya sa health center upang pabakunahan. Ano ang kinakailangan niyang bakuna sa ngayon?
Sagot • BCG • HepB1 • OPV1 • DPT1
Si Melanie ay isang 6 na buwang gulang batang babae na dinala ng kanyang lola sa health center upang mabakunahan. Nabigyan na si Melanie ng BCG, HepB1, OPV1 , at DPT 1. • Ano ang bakunang ibibigay kay Melanie ngayon? • Kailangan bang ulitin ang pagbigay ng DPT , OPV, at HepB kay Melanie? • Ano ang ibabakuna kay Melanie pagbalik niya sa health center?
Sagot • HepB2, DPT2,OPV1 • Hindi • HepB3, DPT3, OPV2
Si Maria ay isang batang babae na may edad na 4 na buwan. Dinala sya ng kanyang ina para bakunahan. Mula kahapon ay nagkaroon ng 3 beses na matubig na dumi si Maria, ngunit siya ay magana kumain, nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid, at hindi naman nanghina. Ang kanyang record ay nagpapakita na nabakunahan na si Maria ng BCG, OPV0, OPV1, OPV2, DPT1, DPT 2, HepB1, HepB2.
Dapat bang bakunahan si Maria? • Ano ang ibibigay sa kanya kung pwede syang bakunahan?
Sagot • Oo, walang kontraindikasyon si Maria sa pagbabakuna. • HepB3
Si Justin ay isang 2 buwang gulang batang lalaki. Nabakunahan sya ng DPT2 kahapon. Dinala siya muli ng kanyang ina sa health center dahil sa nilalagnat ito. Ano ang maipapayo mo sa ina ni Justin?
Sagot • Ang paglalagnat matapos bigyan ng DPT ay normal at nangangahulugang gumagana ang bakuna. Maaring bigyan ng Paracetamol ang bata kada 4 na oras para sa lagnat.
Si Ana ay isang 1 buwang gulang na batang babae. Ito ang kanyang unang bisita sa health center dahil sa paulit ulit na kombulsyon. Wala pang bakuna si Ana. Bilang isang responsableng BHW, anong mga bakuna ang ibibigay mo kay Ana? Anong bakuna ang hindi maaring ibigay sa kanya?
Sagot • BCG, OPV1, HepB1 • DPT