1 / 11

ANG EBOLUSYON NG WATAWAT NG PILIPINAS

ANG EBOLUSYON NG WATAWAT NG PILIPINAS. Ang Watawat ng Himagsikan. Ang unang watawat ng himagsikan ay kulay pula may tatlong K na ang ibig sabihin ay Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan. ANG NAUNANG AYOS NG WATAWAT NG KATIPUNAN. Ito ay may tatlong K na nakaayos nang patatsulok.

lydia
Download Presentation

ANG EBOLUSYON NG WATAWAT NG PILIPINAS

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. ANG EBOLUSYON NG WATAWAT NG PILIPINAS

  2. Ang Watawat ng Himagsikan • Ang unang watawat ng himagsikan ay kulay pula may tatlong K na ang ibig sabihin ay Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan.

  3. ANG NAUNANG AYOS NG WATAWAT NG KATIPUNAN • Ito ay may tatlong K na nakaayos nang patatsulok.

  4. Ang Watawat na may K lamang sa Gitna • Lahat ay may pundong pula na nagpapahiwatig ng paghihimagsik ng Katipunan

  5. ANG WATAWAT NI BONIFACIO • Ang watawat na ito, na gawa ng mga kababaihang kasapi ng Katipunan bago sumiklab ang himagsikan , ay unang ginamit sa Sigaw sa Pugad Lawin na naganap noong ika-23 ng Agosto, 1896. Ito ang panseremonyang bandilang pandigma ni Supremo Andres Bonifacio mula 1892-1896.

  6. ANG OPISYAL NA WATAWAT NG PAMAHALAANG DE FAKTO • Ginawa makaraang magsanib ang mga Konseho Magdiwang at Magdalo). Ang walong (8) sinag araw ay kumakatawan sa Maynila, Bulakan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite at Batanggas. Ang nasa gitna ng araw ay ang sinaunang alibatang Pilipino K para sa ”Kalayaan”.

  7. ANG UNANG OPISYAL NA REBISYON • Ang watawat ay binago at ipinahayag din na opisyal na watawat ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Hukbo nito sa Asamblea sa Naic, Cavite noong ika-17 ng Marso, 1897.

  8. ANG WATAWAT NI LLANERA • Ang watawat na ginamit ni Hen Mariano Llanera sa San Isidro, Nueva Ecija ay tinatawag kung minsann na ”Bungo ni Llanera.”Ayon sa mga kuwento, kinuha ni Llanera ang disenyong ito sa seremonya sa pagtanggap sa mga bagong kasapi ng Katipunan na gumagamit ng itim na sumbrero, puting tatsulok at mga titik na Z.,Li., B.

  9. ANG WATAWAT NI PIO DEL PILAR • Tinawag na bandila ng Matagumpay. Ang watawat ni Hen. Pio del Pilar ay may walong (8) sinag sa papasikat na araw na sumasagisag sa unang walong lalawigan na isinailalim sa batas militar ng mga Kastilang mananakop.

  10. ANG WATAWAT NI GREGORIO DEL PILAR • Ito ang unang watawat na gumamit ng tatlong kulay: pula, asul at itim. Ang tatlong kulay na watawat ni G. Del Pilar ay ginamit sa labanansa Pasong Balite, Bulakan at sa kanyang huling pakikipaglaban sa Labanan sa Pasong Tirad, Ilocus Sur noong ika-2 ng Disyembre, 1899. Ayon kay G. Del Pilar, ang disenyo ay hinalaw sa watawat ng Cuba, na noon ay naghihimagsik laban sa Kastila.

  11. ANG KASALUKUYANG WATAWAT • Ang kasalukuyang pambansang watawat ay kumuha sa mga katangianng lahat ng naunang mga watawat ng Katipunan. Ito ay iwinagayway sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo anim na linggo makaraan ang Labanan sa Manila Bay. Ang sukat at kulay nito ay itinakda ng Pangulong Manuel L. Quezon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 23 noong ika-25 ng Marso, l936.

More Related