9.98k likes | 43.82k Views
Ang Kartilla ng Katipunan. Jose Emmanuel G. Gana IV - Muon. Ang Katipunan. KKK – Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang manga Anak nang Bayan
E N D
Ang Kartilla ng Katipunan Jose Emmanuel G. Gana IV - Muon
Ang Katipunan • KKK – Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang manga Anak nang Bayan • Itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, atbp. sa isang bahay sa Kalye Azcarraga, Tondo, Maynila noong Hulyo 7, 1892 • Layunin: • Pulitikal: Mahiwalay ang Pilipinas sa Espanya • Moral: Tanggalin ang kahinaan sa pagkatao at ang pagiging bulag na alagad ng relihiyon • Sibiko: Protektahan ang mga mahirap at ang mga inaapi
Ang Katipunan • 3 Namamahalang Grupo: • Kataastaasang Sanggunian • Sangguniang Bayan • Sangguniang Balangay • Sangguniang Hukuman – DOJ ng Katipunan • Paraan sa recruitment – Pyramid Scheme • Hininto ni Bonifacio • Bagong patakaran: The more the merrier
Ang Katipunan • Hazing – Sanduguan at pagpipirma sa kontrata gamit ang sariling dugo • Entrance Fee – isang real fuente (25 sentimos) • Bayad kada buwan – isang medio real (12 sentimos) • Uri ng Miyembro: • Katipon (Password: Anak ng Bayan) • Kawal (Password: Gom-Bur-Za) • Bayani (Password: Rizal)
Andres Bonifacio • Ipinanganak sa Tondo, Manynila noong Nob. 30, 1863 • Natuto siyang magbasa at magsulat sa paaralan ni Guillermo Osmeña ng Cebu, ngunit huminto siya nang namatay ang kanyang mga magulang upang masuporta niya ang kanyang mga kapatid • Nagtrabaho siya sa Fleming and Company, ngunit dahil mababa ang sweldo niya doon ay lumipat siya sa Fresell and Company
Andres Bonifacio • Naimpluensiya siya ng mga binasa niyang libro: • Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal • The Ruins of Palmyra • Les Miserables ni Victor Hugo • The Wandering Jew ni Eugene Sue • Ang mga buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos • Internasyonal na Batas • Kodigong Sibil at Pamparusa • Mga libro ukol sa rebolusyon sa Pransya
Andres Bonifacio • Naakit siya sa isang Monica, at sila’y naging mag-asawa. Ngunit, hindi ito nagtagal dahil namatay si Monica dulot ng ketong. • Noong 1892, ikinasal niya si Gregoria de Jesus (Lakangbini) sa Simbahan ng Binondo. Bukod dito, nagpakasal din sila batay sa mga ritwal ng Katipunan.
Andres Bonifacio • Siya ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at naging Supremo nito noong 1895 • Dahil doon, siya ang tinuturingang “Ama ng Rebolusyon” • Pinatay siya, kasama ng kanyang kapatid na si Procopio, ni Hen. Lazaro Makapagal sa Bundok Tala noong Mayo 10, 1897
Emilio Jacinto • Siya’y ipinanganak noong Dis. 15, 1875 sa Tondo, Maynila • Nag-aral siya sa Kolehiyo San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Santo Tomas (UST) • Sumali siya sa Katipunan; at, sa edad ng 18, siya ang naging pinakabatang miyembro ng kapatiran • Sa Katipunan ay napilitan siyang magsalita ng Tagalog sa halip ng Espanyol kawayan o Pidgin Spanish • Siya ang naging matalik na kaibigan ni Bonifacio
Emilio Jacinto • Itinuring siyang “Utak ng Katipunan” • Siya ang naging patnugot (editor) ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng Katipunan • Siya ang may-akda ng Kartilla, Liwanag at Dilim, Pahayag, Ang Kasalanan ni Cain, Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan, at Samahan ng Bayan sa Pangangalakal • Namatay siya noong Abril 16, 1899 sa Mahayhay, Laguna, dulot ng isang lagnat
Ang Kartilya • Nilikha ni Emilio Jacinto • Hango sa Cartilla, isang gabay para sa mga mag-aaral sa elementarya • Nagsilbing gabay para sa mga miyembro ng Katipunan • Binubuo ng 13 aral
Introduksyon KATIPUNAN NANG MGA A. N. B. SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO Sa pagkakailangan, na ang lahat na nagiibig pumasuk sa katipunang ito, ay magkaroon ng lubos na pananalig at kaisipan sa mga layong tinutungo at pinaiiral, minarapat na ipakilala sa kanila ang mga bagay na ito, at ng bukas makalawa’y huag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang mga tungkulin. Ang kabagayang pinag-uusig ng Katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog* sa pamamagitan ng isang mahigpit na paunumpa, upang sa pagkakaisang ito’y magkalakas na iwasan ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuwiran at Kalinawagan. *Sa salitang tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp., ay tagalog din.
I “Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.” Kapag wala kang mabuting pangarap sa buhay, ikaw ay isang hadlang sa kaunlaran ng lipunan.
II “Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.” Ang kabaitan ay nagmumula sa puso at mabuting kaasalan, hindi lamang sa mga kilos ng tao.
III “Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.” Nasa ugali ng isang tao ang tunay na kabanalan.
IV “Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.” I am your brother, your best friend forever -Renaldo Lapuz (aka) Pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo; samakatuwid, lahat ng tao ay may karapatan.
V “Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.” Inuuna ng isang mabuting tao ang mabuting kaasalan kaysa sa sariling hangarin.
VI “Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.” Tinutupad ng isang mabuting tao ang mga pinapangako niya (meron siyang integridad).
VII “Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.” Mahalaga ang iyong panahon.
VIII “Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin (labanin) ang umaapi.” Tulungan natin ang mga naaapi. Tulungan natin ang mga taong nawawalan ng mga karapatan dulot ng pag-aapi.
IX “Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.” Hindi basta-bastang sinasabi ang mga sikreto ng iba.
X “Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.” Ang tatay ng pamilya ang nagsisilbing gabay nito.
XI “Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyng (pisikal na) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhutan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.” Respetuhin ang mga babae.
XII “Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.” Respetuhin ang mga pamilya ng ibang tao (at syempre ang mismong tao).
XIII “Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.” Ang isang mabuting tao sa sumusunod sa mga turo ng Kartilya.
Kongklusyon “Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi’t magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang matutumbasan.” Ipinapakita nito ang pag-asa ni Jacinto na makakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa Espanya.
Sources • The History of the Filipino People niTeodoro Agoncillo