1 / 17

Ang Kaugaliang Pilipino

Ang Kaugaliang Pilipino. NOON at NGAYON. MGA SINAUNANG PILIPINO. Noong unang panahon, mapayapa at masaganang namumuhay sa Pilipinas ang ating mga ninuno. Kabilang na dito ang mga MALAY, NEGRITO at INDONES. ATING MGA NINUNO. Mga Pangkat ng Pilipino

makya
Download Presentation

Ang Kaugaliang Pilipino

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Ang Kaugaliang Pilipino NOON at NGAYON

  2. MGA SINAUNANG PILIPINO • Noong unang panahon, mapayapa at masaganang namumuhay sa Pilipinas ang ating mga ninuno. Kabilang na dito ang mga MALAY, NEGRITO at INDONES.

  3. ATING MGA NINUNO Mga Pangkat ng Pilipino Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sa kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa kanila. Ang mga Ita ay isa sa mga ninuno. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwang nainirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros. Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang libong taon na ang nakakaraan.

  4. Ang mga sinaunang Pilipino ay may mga sarili nang kultura. Ngunit ang lahat ng ito’y unting unti nang nawawala dahil sila ay naimpluwensyahan ng mga dayuhanng nanakop sa Pilipinas. Ilan sa mga mananakop ay ang mga KASTILA, AMERIKANO AT MGA HAPONES.

  5. Mga Mananakop sa PILIPINAS: Mga Kastila Hindi maikakaila na may sarili ng kabihasnan ang mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Subalit sinira ng mga Kastila ang mayabong na kabihasnan ng ating mga ninuno dahil sa kanilang paniniwala na ang kanilang sibilisasyon ay superyor. Pinilit ng mga mananakop na Kastila na tanggalan ng sariling pagkakakilanlan ang ating mga ninuno. Sa unang pagkakataon, tinanggalan ng sariling kasaysayan ang mga Pilipino.

  6. Mga Amerikano Ang akala ng maraming Pilipino ay napakalaking benepisyo ang nakukuha nila sa mga dayuhang ito. Ang ilan sa kanila ay sobra pa ang pasasalamat sa pagdating ng mga mananakop na ito. Ang hindi alam ng maraming mga tao ay sa kanila rin nakukuha ang panggastos sa mga benepisyong ito, sa pamamagitan ng mga buwis na hinihingi sa kanila. Ang mga pagpapagawa ng ilang mga daan at tulay, at iba pang mga proyekto ng mga Amerikano ay hindi para sa ikabubuti ng mga Pilipino. Ito ay upang mapadali ang eksploytasyon ng Pilipinas at para na rin sa pagpapakalat ng mga tropa ng mga sundalong Amerikano. Nakakalungkot talagang isipin na kung sino pa ang siyang pinagkatiwalaan ng mga Pilipino na tutulong sa kanila sa pag-unlad ay siya pa palang mang-aabuso sa kanila.

  7. Mga Hapones • Kung mayroon mang matatawag na pinakamasaklap na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ito na marahil ang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Nang nilusob ng Hapon ang Maynila noong 1942, maraming buhay at gusali ang gumuho at nawala. Ang panahon ng Hapon, 1941-1945, ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot .

  8. Malaki ang nabago sa kultura at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sila’y naimpluwensyahan ng mga kaugaliang masasama galing sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. Ilan sa mga naging bunga nito ay ang sumusunod:

  9. Dito, makikita natin ang paraan ng pananamit ng mga Pilipina. Ito ay may mahahaba na palda at may manggas. Dito naman, makikita natin ang paraan ng pananamit ng mga Pilipina. Ito ay maiiksi na palda at nakikita ang dibdib at tiyan. Pananamit Ng Mga Pilipina NOON Pananamit Ng Mga Pilipina NGAYON

  10. Dito,makikita natin na sadyang mayumi at mahiyain ang mga Pilipina NOON. Disiplinado sila NOON. Dito naman, makikita natin na hindi na mahinhin ang mga Pilipina at hindi na masyadong nahihiya. At hindi inisip ang kanilang ginagawa, dala ng impluwensya ng mga dayuhang sumakop sa Pilipinas Mga Kilos Ng Mga Pilipina NOON Mga Kilos Ng Mga Pilipina NGAYON

  11. Ang Kultura ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa Katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian. Pagiging Magalang Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang pagiging magalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, pagdating sa bahay galing paaralan, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak …Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa. Pero meron pa kaya ito? Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagkawalang galang sa kanilang mga magulang sa panahon ngayon.

  12. Ang babaing iyan ay si ANA, isang rebeldeng dalaga. Palagi siyang umuuwi sa di tamang oras sa kanilang bahay. Tuwing umuuwi siya sa kanilang bahay, madalas siyang sinisirmonan ng kanyang ina. Tila alas dose na ng gabi nang umuwi si ANA galing sa diskohan..TOK! TOK! TOK! Pagpasok ni ANA. Pinagalitan na naman siya uli ng kanyang ina. Si ANA ay lasing na lasing habang kinakausap ng kanyang ina. ANA! Bakit ngayon ka pa umuwi?! Alam mo ba kung anong oras na?! INA, heto na ako… Buweeh! Buweeh! Bakit palagi kang umuuwi ng ganitong oras?! Nakalimutan mo na ba ang mga itinuro kong tamang asal sa iyo?Ano ba ang gusto mo mangyari sa buhay mo? Di ba pinalaki kitang maayos? NAKU, sanay na ako sa mga angal mo ina! Pweding ibahin mo naman.

  13. Ina, sawang sawa na po ako sa paglalambing ninyo. Nais ko nang maging malaya, ako ay malaki na. Kaya pabayaan mo na ako sa aking nais gawin! Sige matutulog na ako at pagod na ako. Ana, hindi mo na ako ginagalang. Sumusobra ka na! Himbing na himbing ang tulog ni ANA sa kabila ng kanyang nagawa sa ina niya. Samantalang ang ina ni ANA ay halos hindi alam ang gagawin kung paano niya mulingmapatino ang kanyang anak. Sa tingin niyo, bakit ba nawawalan na ng paggalang ang kabataan sa nakatatanda? Dahil sa impluwensyang naidulot ng mga dayuhang nanakop sa atin. Sila ang dahilan kung bakit unti unting nawawala ang katangian ng isang totong pinoy. Nagdulot ito ng malaking apekto sa katauhan natin, hindi lang sa iba kundi sa sarili. Paano nalang tayo magiging malaya kung tapos nang na kolonya ng mga dayuhan hindi lang ang ating bansa kundi ang ating puso’t isipan. NOYPI KAW PA BA ITO?

  14. POSTER PAGIGING MAGALANG PAGGALANG SA ISA’T ISA ANG KAILANGAN NATIN SA PAGBALIK NG MAYAMAN NA BANSA…PAGGALANG AY PINAG-KAKAISA ANG SAMBAYANANG PILIPINO…

  15. “Sariling Atin Tangkilikin, Nang Asenso’y Mapasa Atin” BILI NA KAYO! BILI NA KAYO! PRODUKTONG PINOY, MATIBAY AT NATURAL…SIGURADONG HINDI KAYO MAGSISISI DAHIL TALAGANG MAGAGAMIT ANG MGA ITO!

  16. Bakit pa kailangan nating gumaya sa iba kung mayroon na tayong sariling atin-produkto, pananamit, katangian, kilos…Kung sa bagay hindi naman nating maiwasang makisunod sa uso sa ibang bansa diba? Pero alalahanin nating mayroon pa rin tayong sariling atin na mas nakakalamang sa ibang bansa- ANG PAGIGING PINOY! Kaya taas noo natin itong ipagmalaki at tandaan ang katangian ng pinoy ay nasa sa iyo na kung ito’y gagamitin mo sa tamang pamamaraan. BAKIT PA?

  17. Ipinasa nila: Bayana,Janica Marie Becera,Anelyn Bobon, Anjie Bautista, Yvonne Abarca, Lebbeus Amihan, Jhunne Rey Bolasco, Jeoffrey Cubillan, John Levi Silvosa, Aljon I-Einstein S,Y. 2007-2008 Ipinasa kay: Gng. Fe M. Bonono Guro sa Asignaturang Filipino PANGKAT 1

More Related