1 / 8

Alam mo ba ang daan ng Diyos patungong langit?

Alam mo ba ang daan ng Diyos patungong langit?. MAHAL KA NG DIYOS!.

norah
Download Presentation

Alam mo ba ang daan ng Diyos patungong langit?

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Alam mo ba ang daan ng Diyos patungong langit?

  2. MAHAL KA NG DIYOS! …at nais Niyang maranasan mo ang kapayapaan at ang buhay na masagana, makabuluhan at magkaroon ka ng buhay na walang hanggan sa piling Niya. Sinasabi ng bibliya:“…sa pamamagitan ni Jesus-Cristo, mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos.(Romans 5:1) Sinasabi sa Juan 3:16, “Gayon na lamng ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Sinasabi rin ni Jesus, “Naparito ako upang ang tupa’y magkaroon ng buhay –isang buhay na ganap at kasiya-siya.”(Juan 10:10) Nguni’t maraming tao ang hindi nakakaranas ng isang makabuluhang buhay at hindi nakasisiguro na mayroon silang buhay na walang hanggan. IYON AY DAHIL …

  3. Ang tao ay may malaking problema….KASALANAN! …na naglalayo sa atin sa Diyos. Ang lahat ay makasalanan. “Sapagka’t ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.”(Roma 3:23) At ang bunga ng kasalanan ay KAMATAYAN: “Sapagka’t kamatayan ang kabayaran ng kasalanan…”(Roma 6:23).Sa bibliya ay may tinutukoy na dalawang uri ng kamatayan:Una ay ang pisikal na kamatayan; at ang ikalawa ay ang espiritwal o walang hanggang pagkawalay sa Diyos.“Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng sinungaling. Sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre na siyang pangalawang kamatayan.”(Pahayag 21:8) R. I. P. IN HELL S I N

  4. HINDI KAYANG BAYARAN NG TAO ANG KANYANG KASALANAN! TEN COMMANDMENTS …o kitain ang buhay na walang hanggan sa paggawa ng mabuti at pagsunod sa Sampung Utos. “Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat.” (Santiago 2:10) 1. -- -- -- ------ ---- 2. -- -- -- ------ ---- 3. -- -- -- ------ ---- 4. -- -- -- ------ ---- 5. -- -- -- ------ ---- 7. -- -- -- ------ ---- 8. -- -- -- ------ ---- 9. -- -- -- ------ ---- 10. -- -- -- ------ ---- Ang Roma 3:28 ay nagsasabi,“Sapagkat maliwanag na ang tao ay pinawawalang sala dahil sa pananalig kay Cristo at hindi sa pagtupad sa kautusan.”Ang pagsunod sa kautusan at paggawa ng mabuti ay hindi nag-aalis ng kabayaran ng ating mga kasalanan. Kung gayon, ano ang solusyon?

  5. Si JESUS, ang Kristo ANG DAAN patungo sa langit! Siya ANG tanging daan. Sa Juan 14:6 nasusulat” At sinabi ni Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko…”Ang LAHAT ng iyong KASALANAN ay BINAYARAN NA NG BUO ni Jesus nang mamatay Siya sa krus para sa iyo. “Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig nang mamatay si Jesu-Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” (Roma 5:8)

  6. KAILANGAN NATING ILAGAY ANG ATING PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG JESU-CRISTO PARA TAYO MALIGTAS ALLELUIA !!! At manalig sa ginawa Niya. “Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito ay kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.” (Efeso 2:8,9) Kung sa tingin mo ay kailangan pang idagdag ang mabuting gawa sa pananalig mo kay Cristo para matanggap mo ang buhay na walang hanggan, hindi ka lubos na nagtitiwala sa pagliligtas sa iyo ni Jesus kundi sa iyong sarili. Ang mabuting gawa ay hindi paraan upang maligtas, kundi ito’y katibayan o bunga ng iyong kaligtasan. Sa oras na inilagay mo ang iyong pananampalataya kay Jesus, bibigyan ka Niya ng kapangyarihan na mamuhay ng may kabutihan at may kabanalan.

  7. ANG ATING DAPAT GAWIN: Tanggapin si JesusIpakita mo ang iyong pananalig kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagtanggap mo sa regalo ng Diyos na buhay na walang hanggan. Sa Pahayag 3:20 ay nangako si Jesus: “Nakatayo Ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain.” Nais mo bang pagsisihan ang lahat ng iyong kasalanan? Ang pagsisisi ay nangangahulugan ng pagtalikod o paglayo mo sa mga kasalanan at tigilan ang paggawa ng kasalanan at maling gawain. Naniniwala ka ba na ikaw ay ililigtas Niya, patatawarin ang iyong kasalanan at bibigyang ng libreng kaloob na buhay na walang hanggan, kung ikaw ay manalig sa kanya? Iyan ang pangako niya sa iyo at lagi siyang tumutupad ng pangako. PANALANGIN:PanginoongJesus, maraming salamat sa iyo sa labis mong pagmamahal sa akin. Inaamin ko na ako’y makasalanan at karapat-dapat sa walang hanggang kaparusahan. Salamat sa iyong pagkamatay sa krus at binayaroan mo ang lahatng aking pagkakasala. Sa tulong mo, ako ay tumatalikod na sa lahat kong kasalanan. Ngayon, inilalagay ko ang aking pananalig sa iyo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas at tinatanggap kita sa aking puso. Salamat sa pagpapatawad mo sa aking mga kasalanan at sa pagpasok mo sa aking puso. Tinatanggap ko rin ang kaloob na buhay na walang hanggan. Salamat sa iyo na isang araw ay makakauwi ako sa iyong tahanan sa langit. Simula ngayong araw na ito ako ay susunod at tatalima sa iyo. Amen.

  8. KUNG IKAW AY NAGTIWALA NA SA PAGLILIGTAS NI JESU-CRISTO SA PAMAMAGITAN NG PAG-ANYAYA MO SA KANYA NA PUMASOK SA IYONG PUSO, ANG MGA SUMUSUNOD AY NANGYARI NA SA IYO: Ikaw ay nagkaroon ng Buhay na Walang Hanggan. “At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walng hanggan at ito’y makakamtan nain sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos. Isinusulat kot ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.” (1 John 5:11-12) Ang LAHAT mong kasalanan ay NAPATAWAD na, (noon, ngayon at hinaharap). “Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. Sapamamagitan ng Anak, tayo’y pinalaya at pinatawad sa ating mga kasalanan.” (Colossians 1:13-14) Ikaw ay naging anak ng Diyos. “Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” (John 1:12,13)

More Related