430 likes | 1.98k Views
MGA BATAYANG TEORYANG PAMPANITIKAN. Iuulat ni; Carlito Regua Jr (BSEd-II_fil.) . 1. Teoryang Realismo. Tinatalakay ang problema sa lipunan ng isang tiyak na panahon o lugar. Sinisiyasat ang mga sistema, pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa isang tao.
E N D
MGA BATAYANG TEORYANG PAMPANITIKAN • Iuulat ni; Carlito Regua Jr (BSEd-II_fil.)
1. Teoryang Realismo • Tinatalakay ang problema sa lipunan ng isang tiyak na panahon o lugar.
Sinisiyasat ang mga sistema, pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa isang tao.
2. Teoryang Humanismo • Nagbibigay halaga sa tao sa paniniwala na ang tao ang sentro ng daigdig, ang taga-buo ng sarili niyang kapalaran.
Kailangan ang pagharap sa mga suliranin at pagtugon samga nangangailangan.
3. Teoryang Naturalismo • Pinahahalagahan ng mga tagapagtaguyod ng teoryang ito ang kalikasan ng di-sakdal na tao, anupat binibigyan-diin hindi ang moral na kayarian ng tao kundi ang pisikal.
Inilalarawan ang buhay sa isang gubat, marumi, kasuklam-suklam, at walang awa.
4.Teoryang Formalistiko • Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarain at paraan ng pagkakasulat ng isang akda.
Naniniwala na ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito. Walang kaugnayan ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng isang akda sa pagkakabuo ng isang panitikan.
5. Teoryang Imahismo • Naniniwala na ang pinakamalinaw na pagsulat(Ultimate Clarity) ay makakamit lamang sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak at eksaktong mga imahen.
Salungat sa teoryang romantisismo sa kalabisan at sa kasalimuotan ng mga elemento. Mga paksain ay angkop sa tunay na buhay at pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at lipunan.
6. Teoryang Romantesismo • Umiinog sa wagas na pag-iibigan ng nag-iibigang pangunahing tauhan.
7. Teoryang Sosyolohikal • Sinusuri ang panitikan ayon sa panahong kinamulatan o pinangyarihan nito.
8. Teoryang Eksistensyalismo • Nauugnay sa kaisipang indibidwalism ang teoryang ito. Ang tao ay dapat mabuhay bilang tao, may kamalayan at bawat suliranin niya ay siya lamang ang makalulutas nito.
Ang pagiging tao(being) ang mahalaga at hindi ang sistema ng paniniwala.