360 likes | 1.27k Views
Mga Batayang Kakayahan para sa Baitang 7 Filipino. Ani Rosa Almario Language Area Team. Mga Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards). Pag-unawa sa Napakinggan Pagsasalita Pag-unawa sa Binasa Pagsulat Tatas Pakikitungo sa Wika at Panitikan Estratehiya sa Pag-aaral.
E N D
Mga Batayang Kakayahanpara sa Baitang 7 Filipino • Ani Rosa Almario • Language Area Team
Mga Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards) • Pag-unawa sa Napakinggan • Pagsasalita • Pag-unawa sa Binasa • Pagsulat • Tatas • Pakikitungo sa Wika at Panitikan • Estratehiya sa Pag-aaral
Pag-unawa sa Napakinggan • Mabisang makilahok sa mga makubuluhang gawain sa pakikinig, na naaayon sa kanilang antas
Pagsasalita • Magkapagsalita/makapagpahayag nang naaayon sa iba’t ibang nakikinig para sa iba’t ibang layon
Pag-unawa sa Binasa • Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at estratehiya sa pagbibigay ng kahulugan sa iba’t ibang tekstong pampanitikan, tekstong nagbibigay-impormasyon, at popular na babasahin
Pagsulat • Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at estratehiya upang epektibong makapagsulat para sa iba’t ibang layon
Tatas • Nagagamit nang wasto ang wika, pabigkas man o pasulat
Pakikitungo sa Wika at Panitikan • Makapagpahayag ng mga makabuluhang tanong at ideya sa iba’t ibang paraan, para sa iba’t ibang sitwasyon
Estratehiya sa Pag-aaral • Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at kasangkapan bilang tulong sa pag-aaral
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN • Unang Markahan • Nahihinuha ang konteksto ng pinakikinggan ayon sa lugar, kausap, at paksa • Naisasaayos ang mga ideya o impormasyong napakinggan • Naiiintindihan ang epekto ng diin, intonasyon, bilis, phrasing, at mga di-pasalitang palatandaan (non-verbal cues) sa kahulugan at mensahe ng tekstong pinakikinggan
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN • Ikalawang Markahan • Nakalilikom ng mahahalagang impormasyon mula sa media (radyo, telebisyon, pahayagan,at iba pa)
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN • Ikatlong Markahan • Natutukoy ang kaangkupan ng ginamit na tono, antala, haba, at diin sa napakinggang diskurso at teksto
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN • Ikaapat na Markahan • Naipapahayag sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag, mensahe, at teksto
PAGSASALITA • Unang Markahan • Nakabubuo ng mga pahayag na naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad, at nangangatwiran • Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang malilinaw na pangungusap
PAGSASALITA • Ikalawang Markahan • Nakapagsasalita nang may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari/ideya • Nagpapamalas ng organisadong pag-iisip sa pagsasalita
PAGSASALITA • Ikatlong Markahan • Nakapagbibigay katwiran kaugnay ng napapanahong isyu o paksa • Nakapaglalahad nang may kaayusan, kaisahan, at kabuuan
PAGSASALITA • Ikaapat na Markahan • Nakapag-uulat tungkol sa nasaliksik • Nakapanghihikayat sa pamamagitan ng pananalita • Gumagamit ng simbolismo para pagyamanin ang mga ipinahahayag
PAG-UNAWA SA BINASA • Unang Markahan • Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto at akdang pampanitikan • Nasusuri ang mga elemento ng alamat at kuwentong bayan • Nakapaglalahad ng mungkahing solusyon, kongklusyon, paniniwala, at epekto ng akda sa sarili
PAG-UNAWA SA BINASA • Ikalawang Markahan • Nasusuri ang mga elemento ng kuwento • Napaghahambing ang iba’t ibang panitikang rehiyonal
PAG-UNAWA SA BINASA • Ikatlong Markahan • Naiisa-isa ang katangian ng relasyon ng tao sa lipunan na inilalahad sa akda • Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng binabasang akda
PAG-UNAWA SA BINASA • Ikaapat na Markahan • Nagpapahalaga sa mga anyo ng panitikan alinsunod sa isang payak ngunit malinaw na kasaysayang pampanitikan ng Filipinas
PAGSULAT • Unang Markahan • Natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na paraan ng wika na may tuon sa kani-kanilang katangian • Nakasusulat ng isang payak at masining na paglalarawan • Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang malilinaw na pangungusap • Nakasusulat ng simple at organisadong talata
PAGSULAT • Ikalawang Markahan • Nakasusulat ng tekstong nagsasalaysay
PAGSULAT • Ikatlong Markahan • Nakasusulat ng sanaysay na may kaayusan, kaisahan, at kabuuan
PAGSULAT • Ikaapat na Markahan • Nakasusulat ng suring papel sa isang akda • Nagagamit nang epektibo ang nasaliksik sa pagsulat
TATAS • Alam ang pinagkaiba ng pormal at impormal na Filipino • Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy) • Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad • Gagap ang gramatika at bokabularyong Filipino
PAKIKITUNGO SA WIKA AT PANITIKAN • Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikang nabasa o napakinggan • Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan
ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL • Nakahahanap ng mga angkop at sari-saring batis ng impormasyon upang mapagtibay ang mga pinaninindigan, mabigyang-bisa ang mga pinaniniwalaan, at makabuo ng mga kongklusyon • Alam ang pinagkaiba ng mga primarya at sekondaryang batis ng impormasyon