1 / 53

Mga Uri ng Matalinhagang Pagpapahayag (Mga Tayutay)

Mga Uri ng Matalinhagang Pagpapahayag (Mga Tayutay). Ito ay mga salita o mga pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin. Narito ang mga ilan sa mga gamiting matalinhagang pahayag (mga tayutay):. 1. Pagtutulad ( simile ).

veradis
Download Presentation

Mga Uri ng Matalinhagang Pagpapahayag (Mga Tayutay)

An Image/Link below is provided (as is) to download presentation Download Policy: Content on the Website is provided to you AS IS for your information and personal use and may not be sold / licensed / shared on other websites without getting consent from its author. Content is provided to you AS IS for your information and personal use only. Download presentation by click this link. While downloading, if for some reason you are not able to download a presentation, the publisher may have deleted the file from their server. During download, if you can't get a presentation, the file might be deleted by the publisher.

E N D

Presentation Transcript


  1. Mga Uri ng MatalinhagangPagpapahayag(Mga Tayutay)

  2. Ito ay mga salita o mga pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin.

  3. Narito ang mga ilan sa mga gamiting matalinhagang pahayag (mga tayutay):

  4. 1. Pagtutulad (simile) • naghahambing sa 2 magkaibang bagay, tao, o pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salita’t pariralang: tulad ng, gaya ng, animo’y, mistula, tila, wariatbp.

  5. Halimbawa: • Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos ma mang-aawit.

  6. 2. Pagwawangis (metaphor) • isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga pariralang: tulad ng, kawangis ng gaya ng, atbp.

  7. Halimbawa: • Para kay Sam Milby, si Anne Curtis ay isang Dyosa.

  8. 3. Pagsasatao(personification) • pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.

  9. Halimbawa: • Ngumiti ang kapalaran nang magpunta siya sa ibang bansa.

  10. 4. Pag-uyam (irony) • ginagamitan ng pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salita na kung pakikinggan ay tila kapuring-puring pangungusap.

  11. Halimbawa: • Talagang matalino ka, malamang bumagsak ka sa pagsusulit na iyong kinuha.

  12. 5. Pagsalungat (epigram) • ang mga salitang pinag-uugnay rito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.

  13. Halimbawa: • kung sino ang gumawa ng batas, siya ang unang lumalabag.

  14. 6. Paglilipat-wika (transferred epithets) • pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga katangian na ginagamit lamang ng tao. Ginagamit ang mga pang-uri.

  15. Halimbawa: • Masaya ang kulay ng kanyang bestida.

  16. 7. Pagtanggi (litotes) • gumagamit ng salitang ‘hindi’ upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.

  17. Halimbawa: • Ang puso ko ay hindi bato.

  18. 8. Pagtawag (apostrophe) • kahawig nito ang pagsasatao. Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao.

  19. Halimbawa: • Buwan na kay rikit, tanglawan mo ang aking pusong naguguluhan.

  20. May mga katanungan ba?!?

  21. POP QUIZ

  22. Direksyon: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag at piliin ang tamang sagot.

  23. 1. Sa panahong ito, masama ang siyang mariwasa at ang mabuti ang siyang maralita. • a. paglilipat-wika • b. pagsalungat • c. pag-uyam

  24. oOoOopsss!!! Mali !!!  Balik sa tanong 

  25. Tama ka  • ang mga salitang pinag-uugnay rito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.

  26. 2. Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan. • pagtutulad • pagsasatao • pagwawangis

  27. Mali ehhh!!!

  28. Magaling!!! • isang tuwirang paghahambing.

  29. 3. Hinalikan ako ng malamig na hangin. • pagtawag • pagsasatao • paglilipat-wika

  30. minamalas ka ngayon … balik sa tanong !!!

  31. congratzZZ !!! tumpak!! pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.

  32. 4. Ang tulin mong maglinis, wala ka pang nayayari. • pag-uyam • Pagsalungat • pagtanggi

  33. sori ! ang iyong kasagutan ay MALI !!!

  34. Binabati kita !!! tama ang iyong sagot !!! ginagamitan ng pananalitang nangungutya sa tao o bagay

  35. 5. Ang kaawa-awang tsinelas ay tinangay na aso. • pagsasatao • pagwawangis • paglilipat-wika

  36. malapit na pero mali !!!

  37. Sa wakas, nakatsamba ka rin !!!!! pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga katangian na ginagamit lamang ng tao

  38. 6. Ang ina ni Tom ang tumatayong padre de pamilya. • paglilipat-wika • pagsalungat • pagtutulad

  39. mali eh

  40. tama !!! • ang mga salitang pinag-uugnay rito ay pinagsasalungatan sa kahulugan.

  41. 7. Hindi kita ipagpapalit ninuman. • paglilipat-wika • pagtanggi • pagsalungat

  42. sagot mo !!! mali !!! 

  43. nakuha mo !!!  gumagamit ng salitang ‘hindi’ upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.

  44. 8. Wangis mo’y bituin sa langit, aking sinta. • pagtutulad • pagsalungat • pagsasatao

  45. balik sa tanong!

  46. mahusay ! naghahambing sa 2 magkaibang bagay, tao, o pangyayari.

  47. 9. O, Buwan! Sumikat ka’t ako’y aliwin sa aking kalumbayan. • pagsasatao • pagtanggi • pagtawag

  48. maling – mali

  49.  tama ang iyong sagot • Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao.

  50. 10. O, tukso. Layuan mo ako ! • pagsasatao • pagtawag • pag-uyam

More Related