250 likes | 3.1k Views
Ang Kasaysayan at Iba pang Agham Panlipunan. a. Agham-Pampulitika. Pag-aaral ng mga teorya Sistema ng pamamalakad ng pamahalaan Pagsusuri sa patakaran ng pamahalaan Kasaysayan. Pagtatala ng mga desisyon at pagkilos ng pamahalaan o ng pinuno sa bansa.
E N D
a. Agham-Pampulitika • Pag-aaral ng mga teorya • Sistema ng pamamalakad ng pamahalaan • Pagsusuri sa patakaran ng pamahalaan Kasaysayan Pagtatala ng mga desisyon at pagkilos ng pamahalaan o ng pinuno sa bansa. Hal. Impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada.
b. Sikolohiya • Pag-aaral ng pag-iisip ng tao. • Binibigyang kahulugan: • Pagkakabuo ng personalidad tulad ng ugali at mga gawi ng tao. • Pagsusuri ng pagbabago o pag-iiba ng kilos ng tao batay sa pangyayari sa paligid. Kasaysayan Ang mga tao ang tagapaglikha ng kasaysayan. Hal. Ang pagtatatag ni Bonifacio ng kilusang KKK kahit na alam niyang mapanganib ang paglaban sa mga kastila.
c. Sosyolohiya • Ipinaliliwanag ang relasyon ng tao sa kanyang pamilya, lipunan, institusyon at samahang kinabibilangan. • Pag-aaral kung paano umaangkop ang tao sa kanyang paligid partikular sa ginagalawan na lipunan. • Nasusuri ang reaksyon ng tao sa mga pangyayari sa kapaligiran.
Sosyolohiya Kasaysayan Pag-angkop ng tao sa kanyang lipunan ay nagbabago paglipas ng panahon. Hal. EDSA Revolution na nagpapakita ng mga hinaing ng mga tao sa kanilang lipunan.
d. Ekonomiks • Pagsusuri sa paggamit ng lipunan ng taglay nitong limitadong yaman upang matustusan ang pangangailangan at kagustuhan ng mamamayan. • Nakikita sa pag-aaral na ito ang pangangailangan ng mga tao at kung paano sila nakaaagapay sa mga patakaran ng pamahalaan at sa mga pagbabagong dulot nito.
Ekonomiks Kasaysayan Kalagayang pangkabuhayan ng mga tao sa bawat panahon. Hal. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
e. Heograpiya • Pag-aaral ng pisikal na katangian ng mundo. • Anyong-lupa • Anyong-tubig Kasaysayan Nakakaapekto ang pasikal na kaanyuan ng isang lugar sa paraan ng pamumuhay ng mga taong naninirahan doon. Hal. Sa pamamagitan ng mga katubigan ay nagkaroon ng ugnayan ang mga Pilipino sa mga taong nananahan sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas.
f. Antropolohiya • Pag-aaral ng pinagmulan at kaasalan ng tao at ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan at kultura. • Pag-aaral sa mga pangkat-etniko ng isang bansa. Kasaysayan Nagagamit ang mga nakukuhang datos sa antropolohiya ay nagagamit upang makabuo ng sanaysay tungkol sa kasaysayan. Hal. Pag-aaral sa mga sinaunang kagamitan na nahukay sa mga kweba sa Palawan.
g. Arkeolohiya • Pag-aaral tungkol sa mga sinaunang kultura at kabihasnan ng iba’t ibang pangkat ng tao sa tulong ng pagsusuri sa kanilang labi at mga nilikhang kasangkapan. • Epekto ng flora at fauna at iba pang labi sa mga sinaunang lipunan. • Nabibigya ng interpretasyon ang bakas ng lumipas na kabihasnan.
h. Pilosopiya • Pagsusuri sa mga paniniwala ng tao patungkol sa katotohanan, katarungan, hustisya at iba pang may kaugnayan sa pagkamit ng karunungan. • Hal. Sa pamamagitan ng pilosopiya ni Rizal, mauunawaan ang mga karunungan at paniniwalang nagsilbing gabay ng kanyang mga pagkilos para sa bayan.