1.14k likes | 6.73k Views
TULA. Ano ang Tula?. Ang Tula ay ang pinakamaikling uri ng panitikan. Binubuo ito ng mga salitang maingat na pinili upang maipakita ang isang kaisipan at nararamdaman. Ito ay inilalahad sa iba’t ibang uri o paraan. Bakit kawili-wili ang pagbabasa ng tula?. Ang bawat saknong ng
E N D
Ano ang Tula? Ang Tula ay ang pinakamaikling uri ng panitikan. Binubuo ito ng mga salitang maingat na pinili upang maipakita ang isang kaisipan at nararamdaman. Ito ay inilalahad sa iba’t ibang uri o paraan.
Bakit kawili-wili ang pagbabasa ng tula? Ang bawat saknong ng tula ay may tugma at ritmo na naggaganyak sa mga mambabasa na kawilihan at maibigan ito.
Sukat ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula . • Ang paggamit ng pagwawangis (simile), pagtutulad (metaphor), at pagtatao (personification) ay mga tayutay na naglalantad ng talinhaga ng tula. • Saknong ang tawag sa grupo ng mga salita na may dalawa o higit pang taludtod na bumubuo sa tula.
Mga Elemento ng Tula 1.Tagapagsalaysay (speaker) Ang tagapagsalita o nagsasalaysay ng tula 2.Tagapakinig (audience) Tao o mga taong kinakausap ng nagsasalita 3. Paksa (topic) Ang pangkalahatan o tiyak na paksa ng tula 4. Tono (tone) Tumutukoy sa saloobin ng may akda ukol sa paksa ng tula
5. Tema (theme) Tumutukoy sa pahayag ng may-akda hinggil sa paksa ng tula 6. Diksyon (diction) Tumutukoy sa pagpili ng may-akda ng mga salitang gagamitin sa tula. 7. Sintaks o Palaugnayan (syntax) ang pagsasa-ayos ng mga salita, parirala at mga sugnay na ginamit sa tula.
8. Matalinhagang Paglalarawan (imagery) Mga salita o pariralang ginamit ng may-akda upang matulungan ang mambabasa na mailarawan sa isip ang mga sumusunod na pandama: pang-amoy, paningin, panlasa, pandinig at pandamdam. 9. Tayutay (figures of speech) Tumutukoy sa mga patulang salita na ginagamit upang ang dalawang bagay o larawan ay mapagtulad upang gawing kawili-wili at makahulugan ang pananalita. 10. Tunog (sound) Ang paggamit ng mga patinig, katinig, diin at kombinasyon ng tatlo. 11. Ritmo (rhythm) Ang pag-uulit ng diin sa tula.
Dalawang Uri ng Tula • Tradisyunal – ito ay sumusunod sa itinakdang panuntunan ng wika at sintaks. Ito ay may ritmo at tugma. • Makabago – ito ay may sariling paraan ng pagpapahayag. Hindi ito gumagamit ng tugma, ayos at ritmo.
Cinquain – Binubuo ng limang linya na may itinakdang bilang ng pantig o salita. Hindi magkakatugma ang mga salita rito. • Linya 1 – Pamagat – isang salita o dalawang pantig • Linya 2 – Paglalawaran o halimbawa ng pamagat – dalawang salita o apat na pantig • Linya 3 – Kilos na isinasagawa ng pamagat. Tatlong salitang parirala o anim na pantig • Linya 4 – Apat na salitang parirala na naglalarawan sa damdamin tungkol sa pamagat o walong mga pantig. • Linya 5 – Kasingkahulugan ng pamagat – isang salita na may dalawang pantig
Cinquain Punongkahoy Luntian, Madahon Lumalaki, Namumulaklak Namumunga, Kay gandang Pagmasdan Halamanan
HAIKU Isang uri ng tulang binubuo ng 17 pantig. Ang mga salita ay pinagsama- sama. Ang damdamin ng tulang ito ay nakatuon sa panahon at kalikasan.
Haiku Buwang maliwanag gumagabay sa gabi umiilaw
DIAMONTE Diamonte – Isang tulang may hugis diamonte. Madaling isulat ang tulang ito. Sundin ang mga hakbang na ito • Linya 1 – Isang salita/paksa • Linya 2 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa salita/paksa • Linya 3 – Tatlong salitang pandiwa na nagsasabi sa kilos ng salita/paksa • Linya 4 – Apat na salita, ang dalawa ay naglalarawan sa paksa at ang huling dalawa ay naglalarawan sa kasalungat ng salita/paksa • Linya 5 – Tatlong salita na nagsasabi sa kilos o gawain ng kasalungat na salita o paksa • Linya 6 – Dalawang pang-uri na naglalarawan sa kasalungat • Linya 7 – Isang salita (kasalungat ng salita o paksa ng unang linya)
Tag-init Maalinsangan, matindi ang init Namamaypay, naliligo, nagpapalamig Tuyot, di-maulan, malamig, maginaw Nanginginig, naninigas, nagbabalabal Kanais-nais, presko, Taglamig
TULANG LIRIKO Ang Tulang Liriko ay may sukat at tugma • Sukat- bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo ng saknong. • Tugma- mga salitang magkakasing-tunog sa isang taludtod ng tula. Nagpapaganda ng diwa ng tula ang pagtutugma.
TULANG LIRIKO Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko binihag ka Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya.