40 likes | 467 Views
2010...Pag-Asang Umaapaw ni Nilo at Tingting. Ang 2009 ay taong kakaiba Mga pangyayari sa sarili, iglesia pati na sa bansa Tila may mensaheng gustong ipadala Na habambuhay tatatak sa puso’t diwa Subali’t sa Diyos pasasalamat pa rin ang isasambit Sa lahat ng ligaya at biyayang nakamit
E N D
2010...Pag-Asang Umaapaw ni Nilo at Tingting Ang 2009 ay taong kakaiba Mga pangyayari sa sarili, iglesia pati na sa bansa Tila may mensaheng gustong ipadala Na habambuhay tatatak sa puso’t diwa Subali’t sa Diyos pasasalamat pa rin ang isasambit Sa lahat ng ligaya at biyayang nakamit Kahit mga hamon at pasanin ang kakabit Presensya at kapayapaan naman Nya ang kapalit Salamat Lord sa asawa, mga anak at pamilya Na talaga namang nagbibigay ngiti at saya Nakakatuwa ang bilis na paglaki ng mga bata Sa puso ay nagbibigay ng bagong pag-asa Salamat din po sa kakaibang paghipo sa iglesia Na tanging si Hesu Kristo lamang ang dinadakila May panibagong ihip, pasanin at tema Yaong paglingkod sa Kanya kaakibat ang pag-ibig sa bansa O Pilipinas naming mahal , ngayon aming nabatid sa Maykapal Ikaw pala’y isang regalong dapat palagiang itinatanghal Kay yaman mo nga O Luzviminda! Ikaw ang tunay na perlas ng Asya Walang sinabi ang Europa at Amerika Sa taglay mong ningning at ganda Ngunit ang malungkot at totoo Ito’y hindi batid ng maraming Pilipino Nasasambit lamang ng bibig, oo, subali’t ang layo-layo sa puso Kaya sa 2010 ang aming panalangin O Dyos ito’y dinggin Aming bansa’y kahabagan at lingapin Ang kaloob mo’y tunay na magawa namin Nawa’y mabatid ng bawat Pilipino san mang dako ng mundo Na ang tiyak na makatutulong sa Bayang binigay Ninyo Ay pag-ibig at pagkilala niyang totoo sa kasaysayan na puno ng kuwento Ng kadakilaan, yaman at talino Na hanggang ngayo’y pilit na tinatago ng ibang taong may di mawaring motibo Ngunit o Diyos sa lahat ng pighating natatamo Salamat at may mga matatamis na pangako Mula sa Inyo na lumikha ng mundo Kaya’t sa damdamin walang takot na namumuo Bagkus sumisibol ang bagong pag-asa Kapag nakakakita ng bagong siklab ng mga bata Na nakakaintindi na ang tunay na sandata Ay wala sa galing, pinuno o pulitika kundi ang pag-ibig At pananalangin ng bawat isa para sa natatanging bansa O Panginoon sa ami’y lagi Ninyong ipaalala Na sa buhay Kayo ang laging una Sunod ang bansa, pangatlo ang pamilya Turuan Nyo kami sa pang-araw araw sa Inyo umasa Bawat gawain at lakas sa Inyo ialay tuwina Purihin kayo o Diyos ng Luzviminda!