970 likes | 4.9k Views
Mga Estratehiya sa Pag-unawa sa Pagbasa. Pamela C. Constantino, Ph.D. Makabagong Kalakaran sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino DepEd (CDD – BSE) 25 – 29 Pebrero 2008, Davao City. Pagbasa.
E N D
Mga Estratehiya sa Pag-unawa sa Pagbasa Pamela C. Constantino, Ph.D. Makabagong Kalakaran sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino DepEd (CDD – BSE) 25 – 29 Pebrero 2008, Davao City
Pagbasa • napakakumplikadong proseso ng pag-unawa sa isang nakasulat na pahayag batay sa pagkilala sa mga salita, naging karanasan at naipong kaalaman, at sa kakayahang mahulaan ang mangyayari. • nangangailangan ng kumbinasyon ng pakikinig at pagmamasid. • may sangkot na estratehiya na nangangailangan ng aktibo, hindi pasibong pagkilos
EPEKTIBONG ATITYUD SA PAGBASA • Pagiging Alerto – laging inaalam kung ano ang sinasabi ng awtor at paano sinabi • May Fleksibilidad – may malawak na kaalaman at kasanayan sa pagbasa at pag-iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng awtor at paano ito sinasabi • Nakapagsasarili – nakagagawa ng sariling pangangatwiran, pagsusuri, paghuhusga, at pagtatasa.
HABANG NAGBABASA Sabihin sa sarili kung ano ang sinasabi ng awtor Tanungin ang sarili kung may punto ang binabasa Ilarawan ang ipinapahayag ng awtor Hulaan kung ano ang mangyayari KUNG HINDI MAINTINDIHAN Tukuyin ang problema Paalahanan ang sarili kung ano ang gusto mong malaman Balikan HARAPIN Magdahan-dahan humingi ng tulong PAGBASA PAGKABASA Ikuwento sa sariling pananalita ang binasa Ibuod ang mga importanteng idea Tanungin ang sarili ng mga tanong at sagutin din Ilarawan sa isip kung ano ang ipinahayag ng awtor Magdesisyon kung ano ang interesante at nakakaaliw
MAMBABASA • Kognitibong Pananaw – aktibong mambabasa na bumubuo ng kahulugan sa pamamagitan ng integrasyon/pagsasama-sama ng umiiral at bagong kaalaman at malayang paggamit ng mga estratehiya upang mapaunlad, mamonitor, magabayan, at mapanatili ang pag-unawa. Dating Alam at Teorya ng Iskema Dating alam – malawak na sakop ng mga idea, kasanayan, atityud tungkol sa paksa.
Iskema (cognitive psychology) – paano inoorganisa ng tao ang mga kaalaman mula sa araw-araw na akranasan tungo sa makabuluhang mga pattern at kaisipan. = koleksiyon ng mga organisado at magkakaugnay na mga idea at konsepto - Hal. Fast Food (Huwag umasang makakapagpadagdag ng sabaw, etc. paris ng sa karinderya) - nakakatulong para makagawa ng paglalahat, makabuo ng mga opinyon, at maunawaan ang mga bagong karanasan. Mambabasa • Dating Alam (Iskema) Asimilasyon/ pagsasama-sama Akomodasyon ng mga bagong kaalaman
PAG-UNAWA TEXTO + Mundo Texto (wika) bokabularyo Explicit (nasa linya) Implicit (sa pagitan ng mga linya) Applied (texto + dating alam = paglalahat [generalization]) Implicit (sariling Iskema para Bumuo ng Kahulugan) MAMBABASA + TEKSTO
MGA LEBEL NG PAG-UNAWA SA PAGBASA • Literal na Lebel – ano ang sinasabi ng awtor. (explicit) • Interpretatibong Lebel – ano ang talagang gustong sabihin/ipakahulugan ng awtor. (implicit) • Analitikal na Lebel – mga kakayahang makilala ang mga pamamaraang retorikal na ginamit ng awtor. (applied) • Kritikal na Lebel – pagmonitor ng sariling pagbasa bilang mambabasa; ebalwasyon ng bisa ng awtor. (applied)
BOKABULARYO • Mga Uri Pangkalahatang bok. – mga salitang dapat ay pamilyar sa lahat. Hal. tao Pampaksang bok. – ispesipikong mga salita sa larangan/paksa;jargon Hal. writ; dekonstruksiyon; nitrate • Mga Antas/Lebel Gamiting bok. – araw-araw na ginagamit (Ekspresibo) Pambansang bok. – alam ang kahulugan ngunit hindi (Represibo) karaniwang ginagamit sa pagsasalita o pagsulat Nakikilalang bok. – nakikilala ngunit di alam ang kahulugan Di – Pamilyar na bok. – di pa nabasa o nagamit kahit kailan • Mga Klase ng Salita Denotibo – literal ang kahulugan; kahulugang pandiksyunaryo Konotatibo – may ibang pagpapakahulugan
Estratehiya • Context clues – pagsusuri sa mga salita at pangungusap sa konteksto nito. • Depinisyon • Contrast • Halimbawa • Muling pagbanggit • Pagsasanay sa paggamit ng diksyunaryo hal. mga synonyms at antonyms ng mga salita iba’t ibang kahulugan ng salita at paggamit ng mga ito sa pangungusap • Bubblegram • Semantic map • Concept map • Semantic grid
Mga Estratehiya 2 – Dating Alam (1) Activity Sheet (2) Pabibigay ng Cloze Test/Maze para idebelop ang dating alam Hal. Cloze – interesante ang kabuuang resulta ng sarbey (1) mga estudyante, guro, magulang, at alumni. Nakita ng mga respondent ang maraming benepisyo ng paggamit ng Filipino (2) wikang panturo sa UPIS. 1. (a) ng 2. (a) at (b) sa (b) na (c) para (c) bilang Hal. Maze Ang tubig ay pinagalaw nakakapagpagalaw ng mga bagay. nagagalaw
(3) Self – inventory bago bumasa (4) Anticipation / Prediction Guides Paksa Bago bumasaPagkatapos magbasa ___________ _________________
(5) Directed Reading – Thinking Activity (6) Brainstorming (7) Log prompts – mga tanong kaugnay ng alam o karanasan Hal. – ano ang gagawin mo kung… - ano ang susunod na mangyayari (8) Skinny Books – mangongolekta ang guro ng mga materyal sa diyaryo, magasin, atbp. – ipapabasa at tatalakayin sa klase.
Literal na Lebel • Pagtukoy sa Pangkalahatang Paksa, tesis o pangunahing idea, mga pangunahin at di – pangunahing punto PAKSA Hal. : Purefoods TJ Giants Alaska Aces Red Bull Baracos Ginebra Gin Kings Sta. Lucia Realtors Paksa: Mga Basketball Team sa Filipinas
Pangunahing Idea o paksang pangungusap (talata) • Tesis na Pangungusap (buong akda) • Pangunahing Suporta (punto) • Di – pangunahing Suporta (detalye) Hal. Katwiran, facts, estatestika, testimonya, halimbawa, atbp.
pareho sintesis p.idea p.idea p.idea p.idea p.idea p.idea • Estratehiya A. Character Clue Chart B. Venn Diagram: Pagkakaiba/Pagkakapareho C. Paggawa ng Sintesis upang mabuo ang tesis na pangungusap mula sa mga pangunahing idea ng bawat talata
INTERPRETATIBONG LEBEL • Pag-unawa sa talagang gustong sabihin ng awtor. Istilo – diksiyon; gamit na salita ng awtor, ayos ng pangungusap Tono – hal. seryoso, malungkot, nakakatawa, sarkastiko, atbp. Layunin – magbigay – impormasyon mang-aliw manghikayat A. Kahulugang Piguratibo (tayutay) * Paghahanap ng mga halimbawa ng. Simile – direktang paghahambing (gaya ng sing. Atbp.) - hal. simbilis ng kidlat Metapora – direktang pahayag na ang isang ito ay iyon. - hal. Isa siyang halimaw. Hyperbole (pagmamalabis) - hal. Isang batalyon ang kamag-anak na nakipamiyesta. Personipikasyon (pagsasatao) - hal. Kinain ng ATM machine ang pera ko
*Paggugrupo at paghahanap ng halimbawa *eksamen B. Estilo at tono hal. tiningnan nang matagal vs. tinitigan Estratehiya * paligsahan – kung ako ang awtor… Gagamitin ko ang…. * eksamen * pagsasadula pantomina * paggugrupo at paghahanap ng mga halimbawa sa texto
Analitikal na Lebel • Kakayahang makilala ang mga paraan/pagsasaayos na retorikal ng awtor (organizational patterns) Mga Estratehiya * pagtatanong kaugnay ng nilalaman * pagpapagawa ng balangkas(grupo o indib. na gawain) * pagpapagawa ng buod, sintesis * pagmamapa sa pamamagitan ng graphic organizer, grid, chart, graph, atbp. Hal: Clustering/mapping
Graphic organizer • branching Sanhi/bunga Sanhi _______ _______ _______ Bunga _______ _______ _______
Prob. – Solusyon Prob. Sol. ____ _____ ____ _____ ____ _____ P R O B Sino Ano Bakit Tangkang sol. Resulta 1 1 S O L. 2 2 Pinal na Resulta Pagkakatulad/Pagkakaiba Pagkakapatulad Pagkakaiba
Story map Nobela - Kuwento/nobela
Paggawa ng Drowing (para tukuyin ang bahagi ng isang bagay na tinalakay (hal. tagpuan) Balangkas (sanaysay) I. Introduksiyon A. Konteksto B. Tesis na Pangungusap C. Dep. Ng Termino II. Katawan A. Unang Pangunahing Idea 1. Unang suportang idea (a) unang suportang detalye (b) pangalawang suportang detalye 2. Pangalawang suportang detalye (a) unang suportang detalye (b) pangalawang suportang detalye B. Pangalawang Pangunahing Idea 1, (a) (b) 2. (a) (b) III. Konklusyon A. Muling pagpapahayag ng tesis B. Paano sinuportahan ng katawan ang tesis C. Panawagang aksiyon
Bar Graph Pagpaplanong Pangwika Fishman Jernudd Haugen Depinisyon Uri Paraan Line Graph Symbol Graph Sa bawat pumapasok sa kolehiyo 4 ang nananatili 3 ang nagtatapos Chart, Graph, atbp. Chart
Flowchart Circle Graph/Pie Chart Time Lines June 1-11 – pagtatala 12 - Araw ng Kalayaan 13 – Oryentasyon ng Freshman 14 – simula ng klase Sept. 15 – huling araw ng dropping Okt. 17 – huling araw ng klase Okt. 18-20 – final exam Okt. 8 – huling araw ng pagbibigay ng grado
Bitamina Pinagkukunan Gamit Resulta K Spinach, Cauliflower, Atay Tumtulong sa blood clot Napipigil ang blood clot Table Susundan ng mga tanong: ano, anu-ano, tukuyin, ano ang resulta, ano ang pagkakaiba Mapa – binubuo ng mga numero, pangalan, kulay, simbolo Political map – mga siyudad Physical map – topograpiya (bundok, ilog, lawa, etc)
Kritikal na Lebel • Fact vs. Opinyon • Ebidensiya • Konklusyon • Inferencing • Ebalwasyon ng Bisa ng Awtor • Katotohanan – may ebidensiya - personal na kaalaman/karanasan • Opinyon - ebidensiya - awtoridad - bias – ano ang pakinabang dito ng awtor - agenda niya
Apela sa Katwiran Deductive – pangkalahatan ispesipiko - silohismo - premis Kung mababa rin lang ang nakuha niyang grado kay Prop. Cortez, wala siyang karapatang magreklamo na walang binatbat ang kanyang mga lektyur sa klase. major premis – (pahiwatig lang) Iyon lang mataas ang nakuhang grado ang may karapatang magreklamo sa inilelektyur ng propesor konklusyon – hindi batayan ng paghatol sa pagtuturo ng guro ang grado ng mag-aaral. Inductive – mula ispesipiko tungo sa konklusyon ukol as pangkalahatang katotohanan detalye + detalye + detalye = konklusyon (walang isa man lang negatibong ebidensiya)
Baluktot na Katwiran 1. bandwagon 2. analohiya 3. alinman sa dalawa (wala na bang ibang alternatibo?) = lesser of 2 evils 4. Di tamang awtoridad 5. Estatistikong di – angkop 6. dibersiyon – bakit mas ipopromote si Ned kaysa sa akin, 5 beses siyang nag-absent nung isang taon.
Apela sa Emosyon – kunwari nasa katwiran hal. bandwagon • Katotohanan, lohika, emosyon (Ethos, Logos, Pathos) – 3 pangunahing karakteristiko ng pormal na argumento para mapag-iba ang persweysiv na texto sa argumentatibong texto persweysiv (nanghihikayat) – kumukumbinsi na naniniwala at umaksiyon - emosyunal, maaring di lohikal. argumentativ – kumukumbinsi sa pamamagitan ng ebidensiya at lohika
Konklusyon – paggawa ng lohikal o makatuwirang pahayag mula sa impormasyong nakuha sa akda - direkta o di – direktang ipinahahayag ng awtor - direktang nabuo sa akda. Lohika – balidong konklusyon hal. lahat ng aso ay hayop Ang chiuaua ay isang aso Kung gayon, ang chiuaua ay hayop. Ang ibang libro ay nakakaantok Ang ilang nakakaantok na libro ay mabili Kung gayon, ang ilang libro ay mabili balido?_____ bakit? ______ (a) Lahat ng pulitiko ay mabait balido?_____ bakit? ______ (b) Lahat ng mabait ay tapat balido?_____ bakit? ______ (c) Kung gayon, lahat ng pulitiko ay tapat balido?_____ bakit? ______
* Tinawag ko kayo, mga guro, para sabihin ang tungkol sa magiging suweldo ninyo sa darating na taon. Ano ang na nangyayari? Paano mo nalaman? Sino ang nagsasalita? Paano mo nalaman? Ano ang P? Bakit ito ginamit? Sino ang c ? Bakit ito ginamit? Saan kaya nangyayari? *(Val Cleathern, mula kay Atkinson, 1990) • Pagsusuri sa Pahiwatig (Inference) • Batay sa dating alam, sariling kaalaman at karanasan • Di – direktang nabuo • Pagbasa sa pagitan ng mga linya • Di – kasimbigat ng lohika o katotohanan ng isang konklusyon
Mga Estratehiya • Debate • Pagsusuri ng mga billboards, comic strips, komersiyal sa, diyaryo, magasin, TV kaugnay ng lohika/baluktot na katwiran • Panel discussion • Pagpapasulat • Pagtatanong (socratic method) • Ano ang pamagat • Sino ang awtor • Ano ang pagkakilala mo sa awtor • Kelan sinulat • Ano ang tesis ng awtor • Ano ang pangunahin suportang ginamit • Anu-ano ang mga di-pangunahing suportang ginamit • Ano ang tono ng awtor • Ano ang mga konklusyong naibibigay mula sa binasang akda? Facts – paniniwalaan ko ba ang sinabi ng awtor? - talaga nga bang facts ito at hindi opinsyon? - sapat ba? Bago ba - may iba pa bang patunay? Fact vs. Opinyon vs. Propaganda Fact – napapatunayan (unibersal) Opinyon – pinaniniwalaan (indibidwal) Propaganda – pinapaniwala ang mambabasa
MAGALING NA MAMBABASA • Kaalaman sa Facts • Direktang karanasan • Sopistikadong interpretasyon • Kritikal • Alam iugnay sa labas ng eskuwelahan ang texto.
PAGTUTURO NG PAG-UNAWA SA PAGBASA • Pagtiyak sa Kulturang Pangklasrum • Eklektikong Mga Estratehiya • Aktibo, interaktibo • Pagsasanay din sa pagsulat, pagsasalita, pagmamasid, pag-iisip • Walang iisang estratehiya sa lahat ng panahon, klase, at texto. • Dapat may iisang layunin: makabasa ang mag-aaral para matuto
Bibliograpi Alvermann, Donna & Stephen Phelps. Content Reading and Literacy. Boston: Allyn & Bacon: 2002, 3rd ed. Atkinson, Rhonda Holt. Reading Enhancement and Development; USA: West Publ. Co. 1990 Earle, Cynthia and Christine Zimmermann. The Reading/Writing Connection, N.Y.: Longman, 2003