330 likes | 769 Views
ALAMIN ANG INYONG MGA KARAPATAN. Taun-taon, malugod na tinatanggap ng Estados Unidos ang milyun-milyong bisita mula sa buong daigdig. Maraming pumupunta sa Estados Unidos upang pansamantalang magtrabaho.
E N D
Taun-taon, malugod na tinatanggap ng Estados Unidos ang milyun-milyong bisita mula sa buong daigdig. Maraming pumupunta sa Estados Unidos upang pansamantalang magtrabaho.
Sa Estados Unidos, protektado ng mga batas ang lahat ng manggagawa laban sa pang-aabuso at diskriminasyon. Nais naming malaman Ninyo ang inyong mga Karapatan.
Naninindigan ang gobyerno ng U.S. na sugpuin ang pangangalakal ng tao at ang paglabag sa mga karapatan ng manggagawa. Nilikha ang polyetong ito para magbigay impormasyon at isalarawan ang inyong mga karapatan bilang manggagawa sa Estados Unidos.
Mag-aplay ng visa sa takdang Embahada o Konsulado ng U.S. sa ibang bansa Ipakita ang visa sa opisyal ng US Customs at Border Protection sa U.S. port of entry Ang Visa ng Di-Imigrante • Apply for the visa at the appropriate U.S. Embassy or Consulate abroad • Present the visa to a U.S. Customs and Border Protection officer at a U.S. port of entry
Kung kayo ay nag-aaplay ng alinman sa mga sumusunod na visa: B-1 kasambahay/domestic H-1B, H-1B1, H-2A, H-2B J-1 A-3 G-5 NATO-7 BASAHIN at UNAWAIN ang impormasyon sa polyetong ito bagolumabas ang inyong visa.
Mga Visa Batay sa Trabaho Nagbibigay pahintulot sa pagtatrabaho para lamang sa employer na nakalista sa inyong aplikasyon Para sa ilang empleyado, maaaring magpalit ng mga employer • Huwag ituloy ang pagtatrabaho para sa abusadong employer
Kapag nilabag ng inyong employer ang inyong mga karapatan, magsumbong sa opisyal ng konsulado sa panahon ng inyong interview para sa visa.
Habang nagtatrabaho sa Estados Unidos, kayo ay may karapatang: Hawakan ang inyong pasaporte at ibang mga I.D. Mabayaran nang hindi bababa sa minimum na pasahod Magkaroon ng ligtas at maayos na lugar ng trabaho
Hindi mapasailalim sa ilegal na diskriminasyon sa trabaho • Sumali sa isangunyon upang mapabuti ang sahod at kalagayan sa trabaho • Hindi manatili sa isang trabaho nang laban sa inyong kalooban Ang inyong mga karapatan(continued) Image courtesy of the Coalition of Immokalee Workers
Ang inyong mga karapatan (continued) Magsumbong ukol sa paglabag ng mga karapatang ito Tumanggap ng proteksyon sa ilalim ng batas estado at pederal Maghangad ng hustisya mula sa mga hukuman sa U.S.
Mga Manggagawang H-2A Kayo ay may karapatang bayaran ng pinagkasunduang, legal nasahod. Kayo ay dapat makatanggap ng nakasulat na impormasyon tungkol sa sahod, oras at kondisyon ng pagtatrabaho, at mga benepisyong nararapat sa inyo.
Mga Manggagawang H-2A • Dapat magbigay ang inyong employer ng: • malinis at ligtas na libreng tirahan • mga kasangkapan, panustos at kagamitan na kinakailangan sa inyong trabaho nang walang bayad • Hindi kayo kailangang magbayad ng mga bayarin sa mga recruiter sa inyong bansa • Mayroon kayong iba pang mga karapatang nakasaad sa polyeto
Mga Manggagawang A-3, G-5, at NATO-7 • Dapat kayong bayaran sa pamamagitan ng tseke o electronic deposit sa isang bank account sa U.S. na nasa inyong pangalan. • Hindi kayo maaaring bayaran ng cash. • Hindi dapat magkaltas ang inyong employer mula sa inyong sahod para sa pagkain, tirahan o sa iba pang gastusin.
Mga Kontrata Kung kayo ay nag-aaplay para sa H o J visa, maaari kayong pakiusapan ng employer ninyo na lumagda sa isang kasunduang nagbabalangkas ng inyong mga tungkulin. Basahin ang polyeto para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kasunduan sa Trabaho
Sa naturang kontrata, ang inyong employer ay kailangang: Ang kontrata ay kinakailangan para sa manggagawang B-1 kasambahay/domestic, A-3, G-5, at NATO-7 na mga Visa Sumang-ayong hindi itago ang inyong mahahalagang dokumento at personal na ari-arian Sumang-ayong sundin ang lahat ng batas ng U.S.
Sa naturang kontrata, ang inyong employer ay kailangang: Ang kontrata ay kinakailangan para sa manggagawang B-1 kasambahay/ domestic, A-3, G-5, at NATO-7 na mga Visa • Maglarawan ng inyong mga tungkulin sa trabaho at oras sa trabaho • Magpaliwanag kung paano kayo babayaran para sa inyong trabaho
Huwag Lumagda ng anumang kasunduang hindi ninyo naintindihan. Pakiusapan ang isang taong inyong pinagkakatiwalaan na basahin, isalin, at ipaliwanag ang mga tuntunin ng inyong kontrata. Dapat iisa lamang ang inyongkontrata. Dapat magtabi kayo ng kopya ng nilagdaang kontrata. Alamin ang inyong mga karapatan BASAHIN ANG INFORMATION PAMPHLET
Isang krimen ang magsamantala ng isangtao sa pamamagitan ng dahas, pandaraya o pamimilit sa paggawa, serbisyo, o komersyal na pagtatalik. Pangangalakal ng Tao
Ang mga Employer ay Hindi Dapat: Manakot na ipadeport o abusuhin kayo o ang inyong pamilya Mamilit na kayo ay manatili sa trabaho Mang-abuso sa inyo ng pisikal o sekswal
Ang mga Employer ay Hindi Dapat: Maghigpit kung saan kayo maaring tumira o pumunta sa inyong bakanteng oras Ipagkait sa inyo ang bayad sa overtime na trabaho Limitahan kung sino ang maari ninyong makausap sa labas ng lugar ng trabaho
Ang mga Employer ay Hindi Dapat: Itago ang inyong pasaporte, visa, o ibang pagkakakilanlan Ipagkait sa inyo ang pagkain, tulog, o atensiyong medikal
Ang mga Employer ay Hindi Dapat: Magsinungaling tungkol sa inyong kondisyon sa trabaho o mga tungkulin, pabahay, o pasahod Ipagkait ang inyong mga karapatan at kakayahang humingi ng tulong
Ang unang hakbang upang protektahan ang inyong sarili at mga karapatan ay ang paghingi ng tulong.
Kung kayo’y biktima ng pangangalakal ng tao o pag-abuso o kaya’y naghihinalang may isang taong kinakalakal o inaabuso Magsumbong! Tumawag sa 911 kung kayo o ang kakilala ninyo ay nasa agarang panganib
24 Oras na Libreng Hotline ng National Human Trafficking Resource Center 1-888-373-7888 I-Text ang “Be Free” sa 233733 NHTRC@polarisproject.org www.polarisproject.org (Pinatatakbo ng isang organisasyong di-pampamahalaan) Linya para sa Pagreklamo ng Trafficking in Persons and Worker Exploitation Task Force (Lunes – Biyernes, 9am – 5pm Eastern Time) 1-888-428-7581 (Pinatatakbo ng U.S. Department of Justice)
Huwag Matakot Humingi ng Tulong! Hindi kayo dapat matakot magsumbong tungkol sa mga paglabag sa inyong mga karapatan Maaari kayong magkaroon ng legal na proteksyon laban sa deportasyon Basahin ang polyeto para sa karagdagang impormasyon
Ang Polyeto Panatilihin ito sa inyo. Alamin ang inyong mga karapatan. Protektahan ang inyong sarili.
Pinahahalagahan namin ang iba’t-ibang mga kasanayan at karanasan na taglay ng mga di-imigranteng manggagawa sa aming bansa. Nais naming maging makabuluhan ang inyong panahon sa Estados Unidos. Nais din naming kayo’y maging ligtas.
Mga Hotline ng Pamahalaan ng U.S. • Tip Line ng Pagsisiyasat ng U.S. Department of Homeland Security: • 1-866-347-2423 • U.S. Department of Justice, Tanggapan ng Special Counsel for Immigration Related Unfair Employment Practices: • 1-800-255-7688
Mga Hotline ng Pamahalaan ng U.S. • U.S. Department of Labor, • Occupational Safety and Health Administration: • 1-800-321-6742 • Hotline ng Tanggapan ng Inspector General: • 1-800-347-3756 • Wage and Hour Division: • 1-866-487-9243
Mga Hotline ng Pamahalaan ng U.S. at Iba Pa • Equal Employment Opportunity Commission ng U.S.: • 1-800-669-4000 • U.S. National Labor Relations Board: • 1-866-667-6572 • National Center for Missing & Exploited Children: • 1-800-843-5678
Karagdagang Impormasyon May higit pang impormasyon ang inyong Embahada o Konsulado ng U.S. Hilingin ang polyeto ng impormasyon para sa mga Karapatan at Proteksyon para sa mga Temporary Workers. Department of State, website para sa impormasyon sa visa: www.travel.state.gov Department of State, Office to Monitor and Combat Trafficking in Persons: www.state.gov/j/tip/