310 likes | 5.7k Views
Bahagi ng Teksto. Panimula. Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Halimbawa:.
E N D
Panimula Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat ito ay nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Halimbawa: • Sa aklat na Da Vinci Code,inilarawan si Hesus bilang isang tao at hindi isang Diyos.Ayon din sa aklat,nagkarelasyon daw si Hesus kay Magdalena na kanya ring naging isang paboritong disipulo at siyang tinutukoy na the living holy grail.Inilarawan din dito ang kongregasyong Opus Dei bilang mersenaryo at blackmailer. • “Estranghero” akong nagbalik sa Pilipinas.Subalit kahit kailan,hindi ko malilimutan ang sitwasyong nagpabago sa aking pananaw hinggil sa dati’y negativo kong pagtingin sa mga krisis ng bansang nagpalaya at nagbigay sa akin ng identidad bilang Pilipino.
Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. • Bernales: maihahalintulad ito sa display window ng mga tindihan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga aveylabol na paninda o haylayt na paninda. • Bernales: ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala,asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon,bukod pa sa nagsisilbi itong pang-akit at panawag-pansin.
Sayang siya.Ang ganda pa naman ng mukha niya,kaya lang ang pangit ng katawan!
Katawan: Istraktura,Nilalaman at Order • Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto • Mahalagang natutukoy ang mahahalagang inpormasyong • Ang istraktura at order ay ang pinakakalansay ng isang teksto. • Mahalagang piliing mabuti ang wasto at angkop na istraktura ng teksto depende sa paksa at sa mga detalyeng kaugnay nito. • Mahalaga ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.
Wakas:Paglalagom at Kongklusyon • Ang wakas ay ang panghuling bahagi ng isang teksto. • Mahalgang ito ay makatawag-pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo ng nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa. • Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mambabasa na maaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.
Halimbawa: • Ito ang unang tagumpay ng magigiting na Pilipinong-Mactan. Bilang pagpupugay kay Lapu-Lapu ipinagpatayo siya ng magandang bantayog sa pook na ito. • Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdan;para siyang pinangangapusan mg hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang pagpanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak,at ang papaliit at lumalabong salitang: “Bakit kaya? Bakit kaya?”-halaw mula sa Kalupi ni Benjamin P. Pascual • Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan.
Halimbawa: (Isang buod sa Nobelang Ang Mag-anak na Cruz ni B.S Liwayway A. Arceo) Ang Mag-anak na Cruz ay naiiba sa ibang koleksiyon ng mga maikiling katha ng awtor. Bagamat sa kaanyuan ay maikling kuwento ang bawat akda,may patuloy na kasaysayan ang bumubuo sa mag-anak nina Tinoy at Remy Cruz.Ngunit hindi ito karaniwang kasaysayan ng mga Cruz at ng mga taong naging bahagi ng kanilang buhay; ang bawat katha ay kasasalaminan ng ating sarili—bilang tao, sa kalahatan; at bilang Pilipino, sa partikular. Ito ang kasaysayan ng bawat isa sa atin,at ng ating bayan at mga mamamayan,pati ng ating mga katangian at kapintasan.