1.02k likes | 7.59k Views
Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto. Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan. Pangkagamitang posisyon
E N D
Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan. • Pangkagamitang posisyon • Pangkakayahang posisyon • Pangkaalamang posisyon
Pangkagamitang Posisyon(Instrumentalist position) Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.
Pangkakayahang Posisyon(Aptitude position) • Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasa- litaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa. • Nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita
Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position) • Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura • Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto
Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karanasan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto.
Interaktibong Posisyon (Interactive position) May idinagdag si Frank May (1986)na pang-apat na posisyon, ang interaktiv. Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing systems) sa teksto na tumutulong sa mabisang pag-unawa. Ang mga palatandaang ito ay: • Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita
Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita • Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita • Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan sa binabasa
MgaIstratehiyasaPaglinangngTalasalitaan A. PagsusuringPangkayarian(Structural Analysis) Nauunawaanangsalitasapamamagitanngmgabahaginito: - salitang-ugat - panlapi - pagkakabuongsalita Halimbawa: buhay kabuhayan nabubuhay buhay-buhay buhay-alamang
B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues) • Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa pangungusap. Halimbawa: Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.
2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita. Halimbawa: Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.
3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita. Halimbawa: Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.
4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan. Halimbawa: Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao sa aming lugar.
5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito. Halimbawa: Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.
6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa. Halimbawa: Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak.
7. Sa pamamagitan ng halimbawa. Halimbawa: Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang mga mamamayan ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.
8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita. Halimbawa: Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng kaalaman, kuru- kuro at damdamin ng sumulat.
9. Sa pamamagitan ng paglalarawan. Halimbawa: Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.
10. Sa pamamagitanngpahiwatignatono o damdamin. Halimbawa: Mulasakusina, angtibokngakingpuso ay nakipag-unahansaakingmgahakbang. At angakingagam-agam ay napawinangmakitakosiyasasala.
C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association) • Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala. Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao bato = matigas na bagay pusong bato = matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.
2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita. (clustering) Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang tingnan? masdan silipin TINGNAN lingunin sulyapin tanawin
3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihing nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon. Damdamin: inis, yamot, suklam, galit Panahon: noon, kamakalawa,ngayon, mamaya,bukas, sa isang buwan,
4. Pagpapangkatngmgasalitaayonsaantasngpaggamit o pormalidadnggamitnito (level of formality). May mag salitangginagamitsamga di-pormal, pormalnakalagayan o sapangkalahatan. Halimbawa: Angiba pang salitanaitinatawagsakasama ay maaaringpangkatinayonsapaggamitsasitwasyonnamaaaring: PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL kapanaligkabagangkaibigan kaanibabaykasama katotoutolkaakbay
5. Pagpapangkatngmgasalitaayonsapunongsalita o paksa (classification). Halimbawa: Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan
6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman. Marunong magpatawad ng kapwa Kontento ang mamamayan Walang kudeta KAPAYAPAAN Ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa loob. Tahimik ang paligid Walang awayan
7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam. Kaligayahan Kapayapaan Pagkakaisa Luha Sakit Lungkot Pagtitiis Pagsisikap Pagpaparaya PAG-IBIG Pagtatalik Pagbibigay ng sarili pagsasamantala Bulaklak na rosas Pabango Panyo Regalo
Mga Pagsasanay sa Talasalitaan 1. Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na salitang-ugat sa tulong ng iba’t ibang panlapi. Gamitin ang mga salitang nabuo sa pangungusap. a. sulat b. aral c. guhit d. sunod e. Sama 2. Bumuo ng salitang tambalan mula sa sumusunod na salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng nabuong tambalang salita. a. ulo b. kamay c. isip d. tao e. yaman
3. Magbigay ng iba pang salita na kapareho ng kahulugan ng salitang dala (to bring). Sundan ang halimbawa. bitbit DALA
Isulat ang mga kaugnay na salita ng pangunahing salita. 1. Demokrasya__________ __________ __________ 2. Kalikasan __________ __________ __________ 3. Pagbabago_________ __________ __________ 4. Kaligayahan__________ __________ __________ 5. Pananampalataya________ ______ __________
5. Ibigay ang mga salitang nabibilang sa sumusunod na kategorya. a. damdamin __________ __________ __________ b. pagdiriwang __________ __________ __________ c. libangan __________ __________ __________ d. katubigan __________ __________ __________ e. wika __________ __________ __________ 6. Ihanay ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. masaya ubod ng saya napakasaya di gaanong masaya-saya walang masaya pagsidlan sa saya
7. Ibigay ang pormal, di-pormal o neutral na salita ayon sa antas ng gamit. PORMAL NEUTRAL DI-PORMAL a. _____________ kababayan _____________ b. kamag-aral _____________ _____________ c. delegado _____________ _____________ d. _____________ _____________ biyahe
Mga Viswal na Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan 1. Mapa ng salita (Word Map) kasingkahulugan kasalungat pasanin nagpapagaan pabigat mga taong tumutulong mga taong tamad halimbawa hindi halimbawa
Ano ito? Ano ang katulad nito? 2. Mapa ng Kahulugan (Definition Map) malagim na pangyayari nagpapagaan salot sakit Ano ang mga halimbawa nito?
3. Web ng bahagi ng salita (Word-part web) kinasama samahan sama sama-sama kasama
Mga Salita Hinulang kahulugan bago ang pagbasa Kahulugan pagkatapos ng pagbasa Konteksto na pinagagamitan ng salita 4. Pagpapakahulugan ayon sa konteksto (Contextual redefinition) Biglang paglabas ng isang likidong bagay mula Sa pinagmula nito. Halimbawa: tubig, dugo Bumulwak ang dugo sa kanyang dibdib dahil sa tama ng baril 1. bumulwak lumabas