330 likes | 603 Views
Kataga ng Buhay. Hunyo 2009. “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” (John 15:5). Isipin ninyo ang isang sangang nakahiwalay sa puno.
E N D
Kataga ng Buhay Hunyo 2009
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” (John 15:5)
Isipin ninyo ang isang sangang nakahiwalay sa puno. Wala itong hinaharap, walang pag-asa. Hindi ito mamumunga, at walang mangyayari maliban sa matuyo at sunugin.
Isipin mo ang nakatakda nating kamatayang espiritwal bilang Kristiyano kung hindi tayo mananatiling kaisa ni Kristo. Nakakatakot isipin!
Hinding-hindi tayo mamumunga kahit pa magtrabaho tayong mabuti mula umaga hanggang gabi, kahit pa isipin nating gumagawa tayo ng mabuti para sa lipunan, kahit pa hinahangaan tayo ng ating mga kaibigan, kahit pa makaipon tayo ng kayamanan, kahit pa gumawa tayo ng malalaking sakripisyo.
Lahat ng ito ay maaaring ikasiya dito sa lupa, ngunit wala itong halaga kay Kristo at sa kabilang buhay. At iyon ang buhay na itinuturing na tunay na mahalaga.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Paano tayo mananatili kay Kristo at Siya sa atin? Paano tayo mananatiling isang luntian at masaganang sanga na ganap na nakakabit sa puno?
Una sa lahat, dapat tayong sumampalataya kay Kristo. Ngunit hindi ito sapat. Ang pananampalatayang ito ay dapat maging bahagi ng ating buhay. Dapat tayong mamuhay ayon sa ating pananampalataya at isabuhay ang mga salita ni Jesus.
Kaya’t hindi natin maaaring isantabi ang mga paraang makalangit na ibinigay sa atin ni Kristo, tulad ng mga sakramento. Iyon ay mga pamamaraan upang maganap ang ating pakikipag-isa sa Kanya at makamit ito muli kung mangyaring mawala ito. Bukod dito, hindi mararamdaman ni Kristo na ganap tayong kaisa Niya kung hindi tayo nagsisikap na maging bahagi ng isang sambayanan, ng ating Simbahan.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
“Ang nananatili sa akin at ako sa kanya...” Binanggit ni Jesus hindi lang ang ating pananatili sa Kanya, kundi pati rin ang Kanyang pananatili sa atin. Kung tayo’y nananatili sa Kanya, Siya ay nasa atin. Siya ay nasa pinakaibuturan ng ating puso. Dito nagmumula ang isang ugnayan, isang diyalogo ng pagmamahalan, isang pagtutulungan ni Jesus at ng kanyang alagad – ikaw! At ito ang kalalabasan: mamumunga ito ng sagana tulad ng isang matibay na sanga na nakakabit sa puno.
“Mamumunga nang sagana.” Ang buhay mo ay magiging isang mabungang pagpapatotoo sa kapwa. Mabubuksan mo ang mata ng marami sa kakaiba at radikal na mga salita ni Kristo. Maaari mo silang bigyan ng lakas na sundan ang mga salitang ito.
Ibig din nitong sabihin ay dahil sa mga handog ni Kristo sa iyo, may kakayahan kang magsimula ng mga gawaing makakapagpagaan ng paghihirap ng lipunan.
“Mamumunga nang sagana.” Ibig sabihin ay masagana, hindi kakaunti. Ibig sabihin ay makakalikha ka sa paligid mo ng kabutihan, pagmamahalan at tunay na pagkakaisa.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Ngunit hindi lang tinutukoy ng “mamumunga ng sagana” ang kabutihang espiritwal at materyal ng kapwa, ngunit ang iyo rin. Ang paglago mo sa buhay-espiritu at kabanalan ay batay sa iyong pananatili kay Kristo.
Kabanalan. Kapag binanggit natin ang kabanalan sa panahong ito, maaaring isipin ng iba na hindi na ito napapanahon, walang saysay at masyadong mataas. Ngunit hindi. Lilipas ang panahong ito, gayundin ang maiikli at maling pananaw. Mangingibabaw ang katotohanan.
Mahigit ng dalawang libong taon nang maliwanag na sinabi ni San Pablo na ang kabanalan ay kalooban ng Diyos para sa lahat ng Kristiyano.
Si Santa Teresa ng Avila, isang doktor sa Simbahan, ay nakakatiyak na maaabot ng bawat tao ang pinakamataas na pagninilay.
Ipinahayag din ng Ikalawang Konsilyo ng Vatican na lahat na nananalig ay tinatawag sa kabanalan. Mapagkakatiwalaan ang mga nagsabi nito. Kumilos tayo upang tayo din ay “mamunga” ng kabanalan, isang bagay na ating makakamit kung tayo ay kaisa ni Kristo.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
Napansin mo ba na hindi tahasang hinihingi ni Jesus ang bunga? Ngunit tinitingnan Niya ito bilang resulta na ating pananatili sa Kanya.
Maaaring ang ilan sa atin ay magkamali tulad ng maraming Kristiyano na naniniwala na higit na mahalaga ang pagiging aktibo at ang gumawa ng maraming bagay para sa kabutihan ng kapwa, ngunit hindi isinasaalang-alang kung siya ay ganap na kaisa ni Kristo.
Isa itong pagkakamali. Palagay nila ay namumunga sila, ngunit napakalayo nito sa maaaring bunga kung si Kristo ay nananatili sa iyo at kaisa ka Niya. Kung nais nating magkaroon ng bunga na magtatagal at may makalangit na tandâ, dapat tayong manatiling kaisa ni Kristo. Kapag tayo’y higit na kaisa ni Kristo, higit na marami ang ating magiging bunga. Ginamit ang salitang “mananatili” upang ilarawan na ang pamumunga ay hindi pansamantala, bagkus ay isang permanenteng kalagayan.
Kung may kakilala kang namumuhay nang ganito, mapapansin mo na sila ay nakakaantig ng puso, kahit ito ay isa lamang ngiti, salita, simpleng pangkaraniwang pagkilos, o pagharap sa isang sitwasyon. Nagagawa nilang dalhin muli ang ibang tao sa Diyos.
Ganito ang buhay ng mga santo. Ngunit kahit hindi tayo mga banal, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Lahat ng Kristiyano ay may kakayahang magbunga.
Nangyari ito sa Portugal. Nasa isang unibersidad si Maria do Socorro at mahirap ang kalagayan doon. Marami sa mga estudyante ang bahagi ng mga alitan sa politiko, may kanya-kanyang ideyolohiya. Bawat isa’y nagnanais maakit ang mga estudyante na wala pang kinabibilangang samahan.
Alam ni Maria ang nais niyang gawin, kahit hindi ito madaling ipaliwanag sa kanyang mga kaibigan. Nais niyang sumunod kay Kristo at manatili sa Kanya. Ang mga kasamahan niya na walang alam tungkol sa kanyang mga pananaw ay sinimulan siyang taguriang walang layunin sa buhay. Minsan ay nahihirapan siya kung paano kikilos kapag nakita siyang papasok sa simbahan, ngunit nagpapatuloy pa rin siya dahil pakiramdam niya ay dapat siyang manatili kay Jesus.
Malapit na ang Pasko. Alam ni Maria na ilan sa mga kaibigan niya ay hindi makakauwi sa kanilang pamilya dahil malayo ang kanilang bayan. Iminungkahi niya sa iba na magsama-sama at bigyan sila ng regalo. Nagulat siya nang sumang-ayon agad silang lahat.
Pagkatapos ay nagkaroon ng halalan sa paaralan at anong laking gulat niya nang siya ay nahalal na kinatawan ng klase. Higit ang kanyang pagkagulat nang sinabi ng kanyang mga kaibigan, “Nararapat lamang na ikaw ang mahalal. Ikaw lamang ang nagpakita ng maliwanag na prinsipyo. Alam mo ang gusto mo, at alam mo kung paano ito maaabot.”
Ngayon ay ilan sa kanila ang nagnananis na makilala ang kanyang pamumuhay at mamuhay tulad niya. Ito ang bunga ng pagpupunyagi ni Maria do Socorro na manatili kay Jesus.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” Sinulat ni Chiara Lubich